You are on page 1of 3

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

Gov. D. Mangubat Ave., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4339/41 www.eac.edu.ph

SENIOR HIGH SCHOOL

Malikhaing Awtput
Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan

Kapag nasa Katuwiran, Ipaglaban mo!


(pagtatanggol sa isang posisyon o argumento patungkol sa isang paksa)

I. Layunin:

A. Makalikha ng isang posisyon o tindig batay sa mga katangian at kabuluhan


ng integrasyon sa tekstong tinalakay sa masining na pamamaraan;
B. Makisangkot sa pamamagitan ng pagsasaliksik at pagtalakay nang may
basehan, kririkal na pag-unawa at mahusay na pagtalakay tungo sa mga
napapanahong isyu bilang isang indibidwal, mag-aaral, at inaasahang pag-
asa ng bayan nang may gabay at pagsangguni sa guro;
C. Nakikilala ang kontribusyon sa sarili, pamilya, bansa at daigdig sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga samu’t saring isyu sa (pagbuo ng isang
sulatin o/at presentasyon ukol sa nabanggit).

Sitwasyon: Sa panahon ng pandemya samo’t saring isyung panlipunan ang


kinahaharap ng ating bansa. Hindi sinira ng pandemya ang sistema,
isiniwalat nito ang dati nang bulok na sistema. Bilang isang kabataan, may
karapatan kang ipahayag ang iyong sariling saloobin. Ipagpalagay na kayo
ay isang pangkat na tumututol o sumasang-ayon sa mga sumusunod na
paksa na nakalagay sa hanay. Ipagtanggol ang inyong mga panig sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng isang tekstong persweysiv-
argumentatib.

II. Pamantayan sa Paggawa

1. Ang gawaing ito ay pangkatang gawain, inaasahan na makakabuo ng isang


tindig mula sa isang partikular na paksa at susundin ang mayorya na boto
ng grupo.

2. Ang sumusunod ang mga paksang maaring pagpilian:

➢ Pagsugpo ng pamahalaan sa pandemya, sapat nga ba?


➢ Face-to-Face Learning sa susunod na taong panuruan (2022-2023)
nararapat na nga ba?
➢ Kasalukuyang Administrasyon (Duterte Administration) sa nakalipas na
higit limang (5) taon, Mahusay o Malala?
➢ Halalan2022 – Ang aming Pangulo!
➢ Sex Education kailangan nga bang isama sa kurikulum?
➢ Same-sex marriage – Sang-ayon o Tutol?
➢ Federalismo tungo nga ba sa pagbabago?
➢ Maaring pumili ng sariling paksa ngunit siguraduhing mayroong itong
kabuluhan at magiging ambag sa pambansang diskurso sa lipunang
Filipino. Paalala, kailangan itong isangguni sa inyong instruktor.

(Sa pagpili ng posisyon o argumento siguraduhin lamang na kaya itong


mapanindigan kaya’t kailangan pag-usapan nang mabuti sa inyong pangkat
kung ano ang pipiliin na panig)

QF-PQM-035 (11.10.2021) Rev.04

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat Ave., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4339/41 www.eac.edu.ph

SENIOR HIGH SCHOOL

III. Paraan ng paggawa at pagpasa:

a. Isulat ang inyong pagtalakay EAC Template na inilaan.


b. Sundin ang filename, Malikhaing Awtput_Pamagat_Pangkat #-Seksyon
c. Arial, 12. Justified, Single spacing, 1 inch margin bawat gilid.
d. Sikaping itala sa ibaba ang mga sanggunian kung saan nakalap ang mga
basehan at pamantayan sa pagpapaliwanag. Sikaping mapagkakatiwalaan
ang mga sangguniang itatala. (APA Style)
e. Ilagay sa ibabang bahagi ang tala ng mga kasapi.
f. Sa pagbibidyo, kinakailangan na ito ay malinaw, nauunawaan at maayos
na nakikita ang tagapagsalaysay.
g. Kung kinakailangang maglagay ng mga video clip, larawan o iba pang
kagamitan na makatutulong sa pagtalakay ay lagyan ito. Sikaping maging
malikhain nang hindi nakokompromiso ang pamantayan.
h. Inaasahang ang lahat ng kasapi at makikita sa video.

IV. Kailangang ipaskil ito sa facebook ng inyong lider na nakatag ang kaniyang
mga miyembro. Maging responsable hinggil sa paggamit ng netiket. Lakipan
ng Diskleymer: Ang tekstong ito ay ipinaskil para isakatuparan ang ilang
akademikong pangangailangan. Ang tindig ng mag-aaral ay hindi
sumasasalamin sa institusyong kanilang kinabibilangan para lamang sa
edukasiyonal na pamantayan. Lakipan din sa dulo ng #Pangkat
#LumayaAtMagpalaya. Halimbawa: #Mapagmahal #LumayaAtMapaglaya.

V. Ipasa sa BS ang working link ng inyong paskil kalakip ang orihinal na teksto na
nakalagay sa word (EAC Template). Ipasa hanggang Desisyon ng guro o/at
mapag-uusapan klase hanggang 5 ng hapon.

Lumaya at Magpalaya, Pagpalain!

Paunawa:

Subukang maging malikhain, analitikal at kritikal upang mahikayat ang mga tagapakinig
o tagapanood sa gagawing presentasyon ng mga datos. Lahat ng mahuhuling nagplahiyo
(plagiarize) ay awtomatikong walang puntos at isasangguni sa Guidance Office o Office
Of Students Affairs. Matutong gumamit ng tamang citation, bilang pagbibigay galang sa
mga tagapaglikha.

Rubrik sa Paggawa
Rubrik sa Pagbuo ng Argumento-Posisyon
Krayterya Lubos na Mahusay Hindi Mahusay Kailangan pang
mahusay Magsanay
Nilalaman
(40%)
(26-40) (15-25) (10- 14) (0-9)
Naibigay nang Maituturing na May mga Walang ibinigay
buong husay mahusay kahit kakulangan ang na maayos na
ang hinihinging papaano ang argumento na argumento.
mga argumento inilatag mga ibinigay gayon din
nang may argumento nang sa mismong
basehan, may basehan, pagtalakay.
analitikal at analitikal at

QF-PQM-035 (11.10.2021) Rev.04

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Gov. D. Mangubat Ave., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, Philippines
Tel. Nos. (046) 416-4339/41 www.eac.edu.ph

SENIOR HIGH SCHOOL

kritikal na kritikal na
pagsipat pagsipat ngunit
,ay kaunting
kakulangan sa
mga argumento.
(30-23) (19 - 22) (11-23) (0-10)
Presentasyon Buong husay na Kasiya-siya ang May kakulangan sa Hindi nakita ang
ipinakita ang katanggap- ipinakitang kahusayan sa
presentasyon na tanggap presentasyon may ipinakitang
nagkaroon ng ipinakitang kaunting presentasyon
(30%) kawili- wili, engagement mula walang natamong
presentasyon
mapanghikayat nagkaroon ng sa mga mambabasa engagement mula
at katanggap- engagement at manonood. sa mga netizen.
tanggap na mula sa mga
paglalahaad sa mambabasa at
(engagement) manonood.
mambabasa at
manonood.
Organisasyon (17 – 20) (13-16) (9-12) (0-8)
(Format at Malinis at Masistema ang Hindi organisado Walang
Gramatika) masistema ang pagkakabuo. ang mga Organisasyon ang
pagkakabuo. pagkakabuo. mga detalyeng
(20%) ibinahagi.
Kooperasyon (8-10) (4-6) (3-5) (0-3)
(10%) Naipamalas ng Naipamalas ng Iilan lamang ang Walang pagkilos
buong miyemro mga Piling gumagawa/kumikilos na nagganap sa
ang pagkakaisa miyembro ang sa paggawa ng mga miyembro sa
sa pagbuo ng pagkakaisa sa gawain. paggawa ng
gawain. pagbuo ng gawain.
gawain.

Kabuoan: 100%

Ipinasa ni:

G. Federico J. Nuguit
Guro sa Asignatura – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa kay:

Bb. Claire T. Carillo


Tagapanguna Sa Asignatura - Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik

Inaprubahan ni:

Bb. Azenith M. Recile


Koordineytor ng Kagawaran ng Filipino

QF-PQM-035 (11.10.2021) Rev.04

• VIRTUE • EXCELLENCE • SERVICE

You might also like