You are on page 1of 3

AKTIBITI 3 (50 PUNTOS)

A. Basahin ang teksto sa ibaba at sagutan ang mga katanungan sa ibaba.

Ang Kahalagahan ng Edukasyon

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang
takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na
hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan.
Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang
praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting
maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na
pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung
paano mabuhay ng maayos.

Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa.
Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay
at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad.
Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga
inaasam na mga mithiin.

Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at


impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na
humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga
mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran sa kasalukuyang
panahon.

Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata
sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang
kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang
edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman
tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan
tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang
daigdig at malaman ang mga layunin nito.

Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng


kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang magiging
armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila
ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila
upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang matupad

(http://sanaysay-filipino.2011/07/sanaysay-tungkol-sa-edukasyon.html).
1. Ano ang nilalaman o layunin ng teksto?
2. Paano inilahad sa sanaysay ang kahalagahan ng edukasyon?
3. Kanino patungkol ang tekstong inyong binasa? Bakit?

Source:

Mark Genesis Macatumpag: http://sanaysay-filipino.2011/07/sanaysay-tungkol-sa-edukasyon.html

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Bigat ng nilalaman ng sagot batay sa teksto/tanong 20%

Paraan / Istilo ng pagbibigay ng impormasyon 20%


sa tanong
Kaisahan ng mga salita g ginamit batay sa tugon 10%
KABUUAN 50%
B. Panuto: Gumawa o sumulat ng ng isang slogan para temang “Edukasyon: Susi ng Tagumpay”.
Siguraduhing may tema ng panghihikayat. (35 PUNTOS)

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Indicator Natatangi Mahusay (20) Medyo Hindi Mahusay Marka


(35) Mahusay (10) (5)

Naipakita at Naipakita ang Hindi gaanong Hindi naipakita


naipakita ang lahat na nakita ang at
Nilalaman lahat ng dapat dapat naipaliwanag
dapat nilalaman ng nilalaman ng ang dapat
tunguhin ng proyekto proyekto at nilalaman ng
proyekto ngunit kulang dapat na proyekto

Pagkamalikhain Ang likha ay Ang likha ay Ang likha ay Ang likha ay


orihinal orihinal hndi orihinal at hindi orihinal
ngunit kulang kulang sa at walang
sa kaayusan kaayusan tunguhin

Naging Maayos ang Hindi naging Hindi


maayos at presentasyon maayos ang naunawaan
mahalaga ngunit kulang presentasyon ang dapat
Presentasyon ang sa mga at kulang ang tunguhin ng
kabuuang mahahalagan mga datos presentasyon
presentasyon g datos

Malinaw at Malinaw ang Hindi malinaw Hindi


Kaangkupan ng angkop sa impormasyon ang naunawaan
Impormasyon paksa ang subalit kulang impormasyon ang
presentasyon sa at walang impormasyon
kaangkupan kaangkupan na nais
ipahiwatig

You might also like