You are on page 1of 2

GAWAING PAGKATUTO

SA
EKONOMIKS ARALING PANLIPUNAN 9
Quarter 1 – Week 2&3

Pangalan: _______________________________________________________ Petsa: ____________________


Lebel at Seksiyon: ________________________________________________ Iskor: ____________________

Pangalan at Lagda ng magulang: _____________________________________

“Kahalagahan ng Ekonomiks”

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda:


Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang -araw - araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng
lipunan AP9MKE -Ia – 2

II. Panimula (Susing Konsepto):

Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat makatutulong ito sa mabuting pamamahala at


pagbuo ng matalinong desisyon. Malaki ang maitutulong nito sa iyo bilang mag-aaral at kasapi ng
pamilya at lipunan. Bilang bahagi ng lipunan, magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang
maunawaan ang mga napapanahong isyu na may kaugnayan sa mahahalagang usaping ekonomiko ng
bansa. Maaari mo ding maunawaan ang mga batas at programang ipinatutupad ng pamahalaan na may
kaugnayan sa pagpapaunlad ng ekonomiya. Maaari mo ding magamit ang kaalaman sa ekonomiks sa
pag-unawa sa mga desisyon mula sa mga pamimilian na mayroon ang pamilyang iyong kinabibilangan. Sa mga isyu
tungkol sa pag-aaral, pagkita, paglilibang, paggasta, at pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan ay maaari mong
magamit ang kaalaman sa alokasyon at pamamahala. Ang iyong kaalaman ay makatutulong upang makapagbigay ka ng
makatuwirang opinyon tungkol sa mahahalagang pagdedesisyon ng iyong pamilya. Bilang isang mag-aaral ay maaaring
maging higit na matalino, mapanuri, at mapagtanong sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran. Maaari din itong
humubog sa iyong pag-unawa, ugali, at gawi sa pamaraang makatutulong sa iyong pagdedesisyon para sa kinabukasan at
paghahanapbuhay sa hinaharap.

III. Panuto: (PAGGAWA NG ESSAY) Sagutan ang tanong sa ibaba at isulat ang iyong sagot sa bakanteng kahon.
Ano ang kahalagahan ng ekonomiks sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya
at lipunan?

RUBRIK PARA SA PAGGAWA NG ESSAY


KRITERYA 4 3 2 1
Kaalaman sa Ang pangunahing Ang mga Hindi lahat ng Ang pangunahing
Paksa kaalaman ay pangunahing pangunahing kaalaman ay hindi
nailahad at naibigay kaalaman ay kaalaman ay nailahad at natalakay
ang kahalagahan nailahad subalit nailahad
hindi wasto ang ilan
Organisasyon Organisado ang Organisado ang Hindi masyadong Hindi organisado ang
mga paksa at paksa subalit hindi organisado ang paksa at presentasyon
maayos ang maayos ang paksa at
presentasyon presentasyon presentasyon
IV. Pangwakas: Sumulat ng maikling repleksiyon tungkol sa iyong mga natutuhan at reyalisasyon
tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks sa iyong buhay bilang mag-aaral at bilang kasapi ng pamilya
at lipunan.

RUBRIC SA PAGTATAYA NG REPLIKSYON


Dimensyon Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangngailangan ng
20 puntos 15 puntos 10 puntos pagbubuti 5 puntos
Buod nga aralin, Maliwanag at Maliwanag subalit Hindi gaanong Hindi maliwanag at
paksa, o gawain kumpleto ang may kulang sa maliwanag at kulang marami ang kulang sa
pagbuod ng araling detalye sa paksa sa detalye mga detalye
tinalakay
Presentasyon ng Lahat ng pamantayan Tatlo lamang sa mga Dalawa lamang sa Isa lamang sa mga
pagkakasulat ay matatagpuan sa pamantayan ang mga pamantayan ang pamantayan ang
 maayos ang kabuuang repliksyon matatagpuan sa matatagpuan sa matatagpuan sa
pagkakasunod- kabuuang repliksyon kabuuang repliksyon kabuuang repliksyon
sunod ng mga
ideya
 hindi paligoy-
ligoy ang
pagkakasulat
 angkop ang mga
salitang ginagamit
 malinis ang
pagkakasulat

V. Mga saggunian:
• EKONOMIKS ARALING PANLIPUNAN 9 Modyul para sa Mag-aaral, Pahina: 20-22
• https://www.google.com/search

Inihanda ni:

REYMOND R. ACAL
Subject Teacher

You might also like