You are on page 1of 20

Magandang

araw!
sssssss
EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO 8
MGA GABAY
1. Makinig sa guro sa lahat ng oras.
2. Maging aktibo sa pakikibahagi sa
talakayan at mga gawain sa klase.
3. Sundin ang lahat ng panuto at
alituntunin ng guro sa paggawa ng
gawain.
4. Siguraduhing di naka ON ang mic
kapag ang guro o kaklase ay
nagsasalita.
Mga Kasanayan sa Pampagkatuto (MELCs)
 

1. Naipaliliwanag na:
Ang pagiging tapat sa salita at gawa ay pagpapatunay
ng pagkakaroon ng komitment sa katotohanan at ng
mabuti/matatag na konsensiya. May Layunin itong
maibigay sa kapuwa ang nararapat para sa kaniya,
gabay ang diwa ng pagmamahal.
 
2. Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng
katapatan sa salita at gawa.
Panuto:
Isulat sa sagutang-papel ang salitang
MATAPAT kung ang sitwasyon ay
  nagpapahiwatig ng katapatan sa
paggawa ng proyekto o takdang aralin
at ang salitang HINDI MATAPAT kung
ito ay hindi.
1. Kahit nahihirapan na sa kaniyang proyekto, sinisikap pa rin nito na tapusin para sa
kanilang pag-uulat online bukas. Tiyak tatanungin ng kanilang guro kung sino ang tumulong
at sasabihin na lamang nito na mag-isa nitong tinapos ang proyekto pero ang totoo, nag-
alok ng tulong ang kaniyang mga kagrupo pero tinaggihan niya ang mga ito.

2. Ang kaniyang ina ay nagkasakit dalawang araw na at wala itong makakasama sa kanilang
bahay. Napilitan kang lumiban sa klase dahil naaawa ka sa iyong ina.

3. Tinatanong ka ng iyong kaibigan kung maganda ang kaniyang suot na damit. Ayaw mo
siyang mapahiya kaya sinabi mong bagay sa kaniya pero ang totoo ay hindi naman.

4. Para sa kapakanan ng lahat ng iyong kapuwa, kailangan mong makiisa at


makipagtulungan sa mga gawaing pangkumunidad at suportahan ang mga ito..

5. Bilang isang kawani na may katungkulan sa isang ahensiya ng pamahalaan, hayaan na


lamang ang mga organisasyon na magpatupad ng kanilang mga tungkulin.

 
6. Sa ngalan ng mataas na grado at sa mataas na pagtingin ng iyong mga guro sa iyo,
sinisikap mong maipasa lahat ang iyong mga gawain at proyekto sa bawat asignatura.

7. Dahil ayaw mong mapagalitan ng iyong Tagapayo sa paaralan, itinanggi mo ang pang-
aaway mo sa iyong kaklase dahil hindi ka pinagbigyan sa hinihingi mong sagot ng iyong
takdang aralin.

8. Madalas ay nag-oovertime ang tatay mo sa opisina dahil sa kaniyang dedikasyon sa


kaniyang trabaho at mga taong kailangan ang kaniyang tulong.

9. Naiwan ng iyong kaklase ang kaniyang mga lapis na pangkulay. Nakita mo ito at iniuwi
sa inyong tahanan, pero kinabukasan ay ibinalik mo ito sa iyong kaklase. Laking
pasasalamat naman ng iyong kaibigan sa ginawa mo.

10. Nakita mo kung paano ipinahiya ng iyong kaklase ang isa ninyong kamag-aral na may
kapansanan. Inawat mo ito at ikaw ang napagbuntunan ng iyong kaklase. Pagdating ng
iyong guro, isinumbong mo ang pangyayari.

 
Basahin ang sumusunod na kasabihan at sundan ang mga sumusunod na bahagi
para sa iyong pag-aaral sa Modyul na ito. Isaisip, isapuso at isagawa ang
katapatan sa kapuwa.

“Ang katotohanan ay
nagsipi upang magbigay ng
inspirasyon sa katapatan at
katinuan.”
 
Pamprosesong Tanong:
Anong inspirasyon ang naibibigay sa iyo
ng kasabihan na nasa itaas? Pagnilayan mo
ito at sana ay isabuhay mo sa araw-araw
mong pakikibaka sa buhay. Tandaan mo na
ang katapatan ang salamin ng iyong kaluluwa
at pananampalataya.
ARALIN

13-2

KATAPATAN, ISASABUHAY KO!


Pamprosesong Tanong:
Paano mo isinasabuhay ang Banal na Utos na ito
ng Panginoon? Pagnilayan at manalangin bago
matulog sa gabi sa araw na ito. Pagpalain ka nawa ng
Panginoon, ngayon at magpakailan man.
Ang tao na nagsisinungaling ay
lumalabag sa paghahanap ng
katotohanan at sumasalungat
sa dikta ng tamang konsensiya
na nakaaapekto sa
katarungan, katotohanan at
pagmamahal sa kapuwa.
Ang Pagsisinungaling at Katotohanan
Mula sa nakalipas na pagtalakay, nabanggit na ang pagsisinungaling ay
pagsasawalang bahala at pagsasalungat sa katotohanan. Sa madaling salita,
pagsalungat sa kung ano ang totoo. Ang malimit na pagsisinungaling ay
tahasang pagsasawalang-galang sa katotohanan, dignidad at pangkapuwa.
Ang pagsisinungaling na may intensyong pandaraya, pagkukunwari at
paninira ay labag sa personal na dangal ng taong nagsisinungaling at
pagsisinungalingan. Ang taong nagsisinungaling ay nababalisa at inuukilkil ng
kaniyang konsensiya, dahil alam niya na labag ito sa kabutihan at sumisira ng
mabuting pakikipagkapuwa-tao. Isang epekto rin ng pagsisinungaling ay ang
pagbaba o pagkawala ng pagtitiwala.
Ang Dalawang Kamalian ng Pagsisinungaling
1. Sinisira nito ang kakayahan ng tao na nagsisinungaling na makagawa ng
malaya at pinag-iisipang pasiya. Ang kakayahang magbigay ng malayang
pagpapasiya ang nagbibigay ng moral na halaga sa pagkatao ng isang
nilalang.
2. Ang pagsisinungaling ay pagkakait sa kapuwa na mamili ayon sa dikta
ng wastong pag-iisip. Kung ang pinagsisinungalingan ay gumawa ng
pasiyang taliwas sa maaaring maging pasiya niya kung alam niya ang
totoo, nasisikil ang kaniyang kalayaan at nalalapastangan ang kaniyang
dignidad bilang tao.
Katapatan, Isang Katangi-tanging Birtud
Ang katapatan ay isang natatanging birtud na
kahanga-hanga. Ito ay ang pagpapakita ng mabuting
kalooban sa kapuwa. At dahil ito ay isang birtud, ang
katapatan ay ang pagiging makatotohanan,
magalang, makatwiran at makatarungan sa
pananalita at pagkilos, sa sarili o sa ibang tao. At
dahil ang tao ay nilikha ng Diyos, likas sa kaniya ang
pahalagahan ang katotohanan.
Kaugnay sa katapatan, tayo ay naniniwala na ang konsensiya ay
ang tinig ng budhi na nagsasabi o nag-uutos sa atin na piliin at
gawin ang mabuti at iwasan ang masama. Kaya naman sa
pagkabata, sikaping turuan ang mga bata ng wasto at matuwid na
kaisipan, salita at kilos na naaayon sa kabutihang-asal at sa
pamantayang moral (moral norms). Maliban sa mga nabanggit,
nababatay din ang pagtuturo at paghubog ng katapatan sa doktrina
ng pananampalataya at sa pamantayang uliran ng pangkalahatang
pagpapahalaga (universal values). Gayunman, kapag hindi
maganda ang hubog ng ating konsensiya ay nagkakamali ito
(erroneous conscience). Kaya maganda na mahubog ng wasto ang
ating konsensiya para mapanatili ang katapatan sa buhay.
PERFORMANCE
TASK
(Para sa Modula
r
at Online)
Panuto: Basahin ang sitwasyon at gawin ang isinasaad dito.
Gamitin ang rubrik sa ibaba bilang batayan sa paggawa ng mini poster.
 
RUBRIK SA PAGGAWA NG MINI-POSTER

NAKUHANG
PAMANTAYAN INDIKADOR PUNTOS
PUNTOS
Naipakikita at naipaliliwanag nang  
maayos ang ugnayan ng lahat ng
Nilalaman 21-25
konsepto sa paggawa ng poster

Maliwanag at angkop ang mensahe sa  


Kaangkupan ng
paglalarawan ng konsepto. 16-20
Konsepto
Pagkamapanlikha Orihinal ang ideya sa paggawa ng  
11-15
(Originality) poster
Kabuuang Malinis at maayos ang kabuuang  
6-10
Presentasyon presentasyon.
Gumamit ng tamang kombinasyon ng  
Pagkamalikhanin kulay upang maipahayag ang
1-5
(Creativity) nilalaman, konsepto at mensahe.

Kabuuang Puntos  
Maraming Salamat
sa pakikinig!

You might also like