You are on page 1of 4

Name: ______________________________ Grade 8 - ___________

Katapatan sa Salita at Gawa: Komitment sa


Katotohanan at Matatag na Konsensya
I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Naipaliliwanag na: Ang pagiging tapat sa salita at gawa ay pagpapatunay ng
pagkakaroon ng komitment sa katotohanan at ng mabuti/matatag na konsensya. May layunin
itong maibigay sa kapwa ang nararapat para sa kanya, gabay ang diwa ng pagmamahal.
EsP8PBIIIh-12.3
II. Panimula (Susing Konsepto)
Sa bawat oras na lumilipas ang ating Panginoon ang sandigan ng lahat. Hindi niya
tayo pinababayaan sa mga suliranin na ating tinatahak at hinaharap. Kailangan lamang natin
ang magtiwala at maging tapat sa kanya dahil sa ito ang nagpapatunay ng pagkakaroon ng
komitment sa katotohanan at ng mabuti/matatag na konsensiya. Sapagkat ayon sa kanyang
ikawalong utos ay “Huwag tayong magsisinungaling” isang utos na dapat isapuso at
kailangan sundin ng bawat tao sapagkat ito ay magdudulot ng kalayaan sa ating sarili. “Ang
katotohanan ay magpapalaya sa iyo”.(Juan 8:32). Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw
ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay. Ang pagsukat ng kaniyang
katapatan ay nangangailangan ng pagsisikap na alamin ang katotohanan. Sa bawat tao na
naghahanap nito, masusumpungan lamang niya ang katotohanan kung siya ay naninindigan at
walang pag-aalinlangan na sundin, ingatan, at pagyamanin ito. Ang sinumang maging tapat sa
salita at sa gawa na may komitment sa katotohanan at mabuti/matatag na konsensiya ay
makakamit ang kaluwagan ng buhay (comfort of life) na may kalakip na kaligtasan,
katiwasayan, at pananampalataya sa ating Dakilang Tagapaglikha.
Ang pagiging tapat sa salita at gawa, ang magpapalaya sa atin bilang nilikha ng
Diyos. Naniwala ka na ba sa isang kasinungalingan na naisip mo na iyon ang katotohanan?
Narinig mo na ba ang anumang mga salita na sinabi sa iyo at pinaniwalaan mo ito? Ang mga
salita ay makapangyarihan at kung ang sinabi ay katotohanan o kasinungalingan ay
nakakaapekto ito sa pananaw mo sa buhay.

III. Mga Sanggunian


Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul para sa Mag-aaral, pahina 314-334
Regina Mignon C. Bognot, Romualdes R. Comia, Sheryll T. Gayola, Marie Aiellen S.
Lagarde, Marivic R. Leaño, Eugenia C. Martin, Marie Ann M. Ong, at Rheamay T. Paras
MELC p. 108

IV. Mga Gawain


GAWAIN 1
Panuto: Sa sumusunod na dalawang diagram, isulat sa loob nito kung paano mo maipapakita
ang iyong katapatan sa gawa at sa salita. Ang unang bilog ay nasagutan na para ito ay iyong
maging batayan.
1

Diagram 1
Hal. Ang pagsasauli ng isang gamit na naiwan.
6 pts.
KATAPATAN SA GAWA

Hal. Ang pagsabi/


pagsasalita ng ayon sa
katotohanan

Diagram 2

6 pts. KATAPATAN
SA SALITA

2
Mga Pamprosesong Tanong: 3 pts. each =12 pts.
1. Ano ang ibig sabihin ng katapatan?

2. Kailan tayo dapat maging matapat sa ating mga ginagawa at salita? Paano mo maipapakita na
mayroon kang komitment sa katotohanan at mabuting konsensiya?

3. Paano kung ang isang katulad mo ay hindi naging tapat sa salita at sa gawa? Anu- ano ang
magiging epekto nito sa iyo bilang isang anak, mag-aaral at kasapi ng lipunan?

4. Bilang mag-aaral, paano mo maisasabuhay ang iyong mga natutunang aral sa


paksang tinalakay?

V. Repleksiyon

Ang pagiging tapat sa salita at gawa dapat maisabuhay at mapagsikapang


mapairal sa lahat ng pagkakataon. Huwag nating hayaan na ang kasinungalingan ang
mangingibabaw. Ito ngayon ang hamon sa bawat tao/ sa bawat mag-aaral na kagaya ninyo,
ang maging instrumento tungo sa katotohanan at magsikap na mapanindigan nang may
katuwiran ang piniling pasya at mga pagpapahalaga. Kumilos tungo sa makatotohang buhay,
upang ang kabutihang panlahat ay ating makakamtan.
Palagi nating isaisip at isapuso na ang katotohanan ay ang kalagayan o kondisyon
ng pagiging totoo sa lahat ng oras. Upang matamo ito, inaasahan na maging mapagpahayag
ang bawat isa sa kung ano ang totoo sa simple at tapat na paraan.
Maging isang huwarang tao o magandang modelo sa ating kapwa upang ating
maipalaganap ang katapatan hindi lamang sa salita kundi kung paano natin ito isabuhay
bilang isang nilikha.
Ngayon, upang iyong lubos na matutunan ang kahalagahan ng magiging tapat sa
salita at sa gawa gumawa ng isang poster o guhit na kung saan nagpapakita o
nagpapahiwatig ng iyong katapatan sa Gawa at sa Salita na may komitment sa iyong sarili at
may mabuting konsensiya. Magbigay ng maikling pagpapaliwanag tungkol sa iyong poster
o guhit na ginawa. Gamiting basehan ang Rubrik na nasa ibaba.

Poster/Guhit ng aking Katapatan sa aking ginagawa at salita na mayroong


komitment sa katotohanan at mabuting konsensiya. (30 points)

RUBRIKS
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA: PAGGAWA NG POSTER O GUHIT/PAGPAPALIWANAG
Pamantayan Indikador Puntos Natatamong
Puntos
Nilalaman  Naipakita at naipaliwanag nang
maayos ang ugnayan ng lahat ng
konsepto sa 10
paggawa ng poster
Kaangkupan ng  Maliwanag at angkop ang
Konsepto mensahe sa paglalarawan at
pagpapaliwanag ng ginawa ayon sa 5
konsepto nito.
Pagkamapanlikha  Orihinal ang ideya sa paggawa ng
(Originality) poster at ang pagpapaliwanag nito. 5

Kabuuang  Malinis at maayos ang


Presentasyon kabuuang presentasyon ng 5
pagguhit at pagpapaliwanag.
Pagkamalikhain  Gumamit ng tamang kombinasyon
(Creativity) ng kulay upang maipahayag ang
nilalaman, konsepto, mensahe at 5
ang pagpapaliwanag ay ayon sa
kabuuang kaisipan ng poster
na ginawa.

Kabuang Puntos: 30 _______

You might also like