You are on page 1of 2

Mala-Masusing Banghay-Aralin

Filipino 07
Unang Markahan

I. Layunin

a. Nakikilala kung ang pahayag ay nagbibigay-patunay o hindi.


b. Nagagamit nang wasto ang mga pahayaag sa pagbibigay ng patunay.
c. Aktibong naksasagot sa tanong na inihanda ng guro.

II. Paksang-aralin: Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Patunay

Sanggunian: Julian, A.et.al. (2018) Pinagyamang Pluma.(Ikalawang Edisyon).Phoenix


Publishing House,Inc.
Kagamitan: Printed Copies, Flash Cards, Mahiwagang Kahon
Estratehiya: Tanong-Sagot, Sabayang Pagbasa

III. Pamamaraan

A. Motibasyon
1. Pagpapabunot sa mga mag-aaral sa mahiwagang kahon.
2. Basahin ng malakasan ang salitang nasa papel.
3. Magbigay ng paliwanag sa salitang iyong nabunot.
B. Pagpapakilala sa Paksa
 Iwawasto natin ang nabuo ninyo tungkol sa inyong nabunot para may alam kayu kung
ano ang paksa natin ngayon.
 Pagwawasto sa pangungusap na kanilang binuo.
Katotohanan-ay mga impormasyon na maaaring mapatunayang totoo.
Pahayag- ito ay ang pagpapahayag niya ng kanyang nasasaloob, paniniwala o
kayay kanyang mga nalalaman.
Detalye- nagsisilbing gabay sa pagtukoy ng mga mahahalagang impormasyon. Ito
ang sumusuporta sa isang kuwento upang malaman ang bumubuo nito. (ang mga
ilan sa mga sangkap na bumubuo sa detalye
ay :tauhan,tagpuan,pangyayari,tema, kapupulutang aral o mensahe)
Totoo- dapat tunay, tama at tiyak ang isusulat mo sa isang pahayag.
Kapani-paniwala- ipinapakita ng salitang ito na ang mga ebidensiya,patunay,at
kalakip na datos ay kapani-paniwala at maaaring makapagpapatunay.
Ebidensiya- pruweba,patunay
C. Pagtalakay
1. Ipabasa nang sabayan sa mga mag-aaral ang paksa.
(may mga pahayg na nakakatulong upang patunayan na ang isa o higit pang pahayag ay
totoo). Ginagamit ang mga pahayag na ito upang tayo ay makapagpatunay at upang tayo ay
makapagbigay ng paliwanag na katangap-tanggap at kapani-paniwala.)
2. Talakayin ang paksa sa pamamagitan ng tanong-sagot.
 May dokumentaryong ebidensiya
 Pinatunayn ng I WITNESS na sadyang maraming kabataan ang
nagsusumikap sa buhay upang makatapos lamang ng pag-aaral.
 Kapani-paniwala
 Ayon sa mga nakalap na larawan, kapani-paniwala nga ang matinding
problema sa Metro Manila na makaapekto sa ekonimiya nito.
 Taglay ang matibay na kongklusyon
 Hinatulan ng Korte Suprema ang mga senador hinggil sa pork barrel
scam.
 Nagpapahiwatig
 Ang pagtulong ni Angel Locsin sa kapwa sa panahon ng epedimya ay
nagpapahiwatig ng pagiging Mabuti nito sa kapwa.
 Nagpapakita
 Ang tulong mula sa iba’t ibang bansa na umabot sa mahigit 14 bilyong
piso ang nagpapakita sa likas na kabutihang-loob ng tao anuman ang
kulay ng balat at lahi mo.
 Nagpapatunay/katunayn/patunay
 Ang mahigit labing-anim na milyong boto para kay Pangulong Duterte
ay patunay na nakatawag-pansin sa maraming mamamayan Pilipino
ang kanyang pangakong pagbabago.
 Pinatutunayan ng mga detalye
 Pinatunayan lamang ng mga nabanggit na detalye na si Angel Locsin
ay isang tunay na mabuting mamamayan.

 TANDAAN: na kapag tayo ay bubuo o gagawa ng isang pahayag ay UNA dapat maayos na naisusulat
ng buo ang diwa nito at maiintindihan ng nagbabasa at tagapakinig. PANGALAWA upang mas maging
mabigat ang importansiya nito, nakakatulong ang pagdaragdag ng mga pahayag na may kaangkop na
ebidensiya sa iyong sinasabi. PANGATLO mas kapani-paniwala ang isang pahayag kapag may isang
matibay na ebidensiyang sumusuporta nito.

IV. Pagbubuod:Tanong-Sagot

 Para masukat natin ang kahalagahan ng ating paksa ngayong araw ay mangyaring
magtaas ng kanang kamay para sa katanungan na magpapayaman ng ating isipan.
Mga katanungan:
1. Ito ay makatutulong na makapagpatunay at makapagpaliwanag sa mga tagapakinig.
Sagot: Pahayag Sa Pagbibigay Ng Mga Patunay
2. Mga ebidensiyang magpapatunay na maaaring nakasulat, nakalarawan o naka-video.
Sagot: May Dokumentaryong Ebidensiya
3. Salitang nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay totoo o tunay.
Sagot: Nagpapakita
4. Salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa ipinahayag.
Sagot: Nagpapatunay/ Katunayan/ Patunay
V. Ebalwasyon: Pagbibigay ng Sagutang Papel sa mga mag-aaral at sagutin nila ito ng labinlimang
minuto.

VI. Kasunduan: Basahin ang ating susunod na aralin.

You might also like