You are on page 1of 25

TESKTONG

PERSWEYSIB
Ito ay isang uri ng teksto na
may layuning mangumbinse o
manghikayat sa kapwa na
paniniwalaan, tanggapin at
tangkilikin ang halaga ng isang
tao, bagay produkto o
anumang kaisipan.
Ang layunin ng tekstong
nanghihikayat ay umapela at
mapukaw ang damdamin ng
mambabasa upang makuha
ang simpatya nito at
mahikayat na umayon sa
ideyang inilalahad.
HALIMBAWA NG TEKSTONG PERSUWEYSIB

-iskrip sa patalastas
-propaganda sa eleksyon
-flyers ng produkto
-brochures na nanghihikayat
-networking (Open Minded Ka Ba?)
– kahit anong panghihikayat
 
Lactum, 100% nourish kid 100%
Panatag!
Wilkins, the most trusted water
brand
Rexona, it won't let you down
Coca-Cola, Open happiness!
Mc Do, Love ko to
SM We've got it all for you!
M. Lhuillier, Ang tulay ng Pilipino
Mang Inasal, Hanap-hanapin mo
Knorr, Buong-buo ang sarap
"Erap para sa mahirap
"Kung walang Corrupt walang
mahirap
"Ganito kami ngayon sa Makati,
ganito sana sa buong bayan
Iba’t ibang uri ng
Propaganda
Device
Name-Calling
Ito ay ang pagbibigay ng hindi
magandang taguri sa isang produkto o
katunggaling politiko upang hindi
tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa
mundo ng politika. Halimbawa: ang
pekeng sabon, bagitong kandidato atbp.
Glittering Generalities

Ito ay ang magaganda at


nakasisilaw na pahayag ukol sa isang
produktong tumutugon sa mga
paniniwala at pagpapahalaga ng
mambabasa.
Halimbawa: Mas makatitipid sa
bagong _________. Ang iyong damit
ay magiging maputi sa ________
puting-puti. Bossing sa katipiran,
bossing sa kaputian.
Transfer
Ang paggamit ng isang sikat na
personalidad upang mailipat sa isang
produkto o tao ang kasikatan.
Halimbawa: Ipagpapatuloy ko ang
sinimulan ni FPJ. – Grace Poe.
MGA ELEMENTO NG TEKSTONG PERSUWEYSIB
ETHOS
Ang Karakter, Imahe o Reputasyon ng Manunulat/Tagapagsalita
Ang salitang ethos ay salitang Griyego na naiuugnay sa salitang etika ngunit
higit na itong angkop ngayon sa salitang “imahe”. Ginamit ni Aristotle ang
ethos upang tukuyin ang karakter o kredibilidad ng nagsasalita batay sa
paningin ng nakikinig. Ang elementong ethos ang magpapasiya kung kapani-
paniwala o dapat bang pagkatiwalaan ng tagapakinig ang tagpagsalita, o ng
mambabasa ang manunulat. Madaling mahikayat ang mga tagapakinig
kapag ang tagapagsalita ay kilalang may magandang pag-uugali, maayos
kausap, may mabuting kalooban at maganda ang hangarin. Sa kasalukuyan,
nararapat na ring idagdag ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at
kakayahan sa paksang kaniyang ipinaliliwanag.
LOGOS
Ang Opinyon o Lohikal na Pagmamatuwid ng
Manunulat/Tagapagsalita Ang salitang Griyego na logos
ay tumutukoy sa pangangatwiran.Nangangahulugan din
itong paghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman.
Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal ng nilalaman o
kung may katuturan ba ang sinasabi upang mahikayat o
mapaniwala ang tagapakinig na ito ay totoo.
PATHOS
Emosyon ng Mambabasa/Tagapakinig
Pathos ang elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o damdamin
ng mambabasa o tagapakinig. May kakayahan ang tao na gumawa ng sariling
desisyon dahil mayroon siyang pag-iisip at lahat ng ginagawa niya ay bunga ng
kaniyang pag-iisip. Subalit hindi niya nakikita na malaki rin ang impluwensiya ng
mga emosyon kagaya ng galit, awa at takot sa pagdedesiyon at paghuhusga.
Emosyon ang pinakamabisang motibasyon upang kumilos ang isang tao.
Kaya naman marami sa mga pahayag pampulitika at mga patalastas ay
gumagamit ng ganitong paraan upang makuha ang ating boto, mapaniwala tayo
sa isang panig ng usapin o mapabili ng kanilang produkto.
GABAY SA PAGBABASA NG TEKSTONG PERSUWEYSIB

• Kredibilidad ng May-akda
• Nilalaman ng Teksto
• Pagtukoy sa elementong pathos sa
panghihikayat
• Bisa ng panghihikayat ng teksto
Halimbawa ng Tekstong
Persweysib
Magandang araw po sa inyong lahat, ako po si Rod Cruz, tumatakbong
kapitan ng ating barangay - ang barangay San Nicolas.  Simula’t sapol ay
hindi po ako umalis sa barangay na ito. Habang lumalaki ay nasaksihan
ko ang bawat hinagpis ninyong aking mga kabaranggay na hindi
nabigyang tugon ng mga nagdaang liderato. Kapag ako ang nanalo
ngayong darating na eleksiyon, sisiguraduhin kong bukas ang aking
opisina para sa inyong mga mungkahi. Ang patubig na laging ibinubulong
sa tabi tabi ay bibigyan ko ng kasagutang ayon sa inyong nais. Ang
kalsada nating lubak-lubak ay gagawan ko ng proposal upang mabigyan
ng badyet. Kaya ngayong eleksiyon mga kaibigan, huwag ninyong
kalimutang ilagay ang aking pangalan, Rod Cruz po bilang inyong
kapitan. Iboto po ninyo ako bilang bagong kapitan ng barangay na ito.
Sinisigurado ko po, ako na ang sagot ng inyong mga hinaing. Ako po ang
bahala sa inyo. Maraming salamat.
TEKSTONG
PROSIDJURAL
- Inilalahad nito ang serye o mga hakbang
sa pagbuo ng isang gawain upang matamo
ang inaasahan.

- Nagpapaliwanag ito kung paano ginagawa


ang isang bagay.

- Layunin nitong maipabatid ang mga


wastong hakbang na dapat isagawa.
Mga kakayahang dapat taglayin sa pagsulat ng tekstong prosidyural

- Kailangang malawak ang kaalaman sa


paksang tatalakayin
- Malinaw at tama ang pagkasunod-sunod ng
dapat gawin upang hindi malito o magkamali
ang gagawa nito.
- Paggamit ng mga payak ngunit angkop na
salitang madaling maunawaan ng sinumang
gagawa.
- Paggamit ng larawan o ilustrasyon kasama ng
mga paliwanag upang higit na maging malinaw
ang pagsasagawa ng mga hakbang.

- Dapat pakaisiping layunin ng tekstong


prosidyural na maipaliwanag nang mabuti ang
isang gawain upang maisagawa ito nang maayos
at tumpak.
Pagluto ng Egg Souffle

• Una, kumuha ng dalawang bowl na pwede paglagyan ng itlog.


• Pangalawa, kumuha ng dalawang itlog.
• Ikatlo, paghiwalayin ang yellow at puti ng mga itlog.
• Ang puti ay ilagay sa isang bowl, at ang dilaw ay ilagay sa isa pa.
• Lagyan ng isang kutsarang kalamay ang puti ng itlog at haluin hanggang maging -“whipped
cream” like ang mukha nito.
• Lagyan ng asin ang dilaw ng itlog at haluin rin.
• Ihalo ang dilaw na timpla sa puti ng itlog.
• Lagyan ng butter ang mainit na frying pan.
• Ilagay ang hinalong itlog sa low-medium heat.
• Hintaying maluto.
Mini Task No.2

Ngayon ay ikaw naman ang gagawa ng isang bidyu na mayroong


tekstong persuweysib at prosidyural. Bumuo ng pangkat at mag-isip
ng isang sariling produktong may kaugnayan sa strand na iyong
kinukuha, pagkatapos ay ipakita ang prosedyur kung paano ito
bubuoin at gagamitin. Ang bidyu ay kailangang kahika-hikayat,
nakakaaliw, makatotohanan at nagpapakita ng may pagkakasunod-
sunod o tekstong prosidyural. Gamitin ang natutuhan mo sa tekstong
prosedyural at persuweysib sa paggawa.
Rubrik sa Pagsulat ng Tekstong Prosidyural

Nakalaang Puntos Natamong Puntos


Pamanatayan

Angkop ang ginamit na tono at wika sa target na mambabasa ng teksto.


10  
Nagtataglay ng mga detalye na nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng wasto at sapat na pananaliksik upang maging wasto at batay sa katotohanan ang mga
impormasyon.

Malinaw ang layunin ng prosidsyur


15  
Kompleto at nailarawan nang mabuti ang kagamitan.
Nakalista ang kagamitan ayon sa pagkakasunod-sunod ng paggamit ng mga ito.
Sapat ang bilang ng mga hakbang upang maisagawa ang layunin
Malinaw ang pagsasalaysay ng panuto, hindi nakalilito at gumamit ng mga salitang kilos.
Nagbigay ng karagdagang paliwanag sa mga hakbang upang makatulong sa pag-unawa ng dapat kalabasan ng gawain.
Madaling sundan ang mga hakbang.
Kung gumamit ng tulong ng larawan, nakatulong ito na magawa nang maayos ang gawain.

Malinaw ang layunin ng teksto at malinaw ding naisaad nang malinaw ang pangunahing ideya
15  
Nakabuo ng kapani-paniwalang imahe ang tagapagsalita
Naipamalas sa teksto ang karakter ng tagapagsalita at nagamit ito bilang bahagi ng elementong ethos ng isinulat na teksto.
Gumamit ng mga pahayag na nakapupukaw ng damdamin

Sumunod sa wastong balarila at baybay at mga panuntunan sa pagsulat ng sanaysay.


10  
Angkop at wasto ang mga ginamit na salita.

Kabuuan 50  

You might also like