You are on page 1of 2

Paaralan SPRCNHS Baitang 11

AKTIBIDAD Guro Analiza M. Adonis Asignatura Filipino - PPIP


Modyular Petsa Marso 6-10, 2023 Markahan Una
Oras 6:50 -7:40 Bilang ng Araw 4 na araw

PAGKILALA SA IBA’T IBANG URI NG TEKSTO

Kahulugan ng Teksto

• Ang teksto ay anomang bagay na maaaring basahin. Ito ay naglalaman ng mga mensaheng pangkaalaman
na binuo gamit ang mga simbolo upang makapaghatid ng mensahe.

Uri ng Teksto

• Ang tekstong impormatibo ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, pangyayari, paniniwala, at


mga impormasyon. Ang mga kaalaman ay sistematikong nakaayos at inilalahad nang buong linaw upang
lubos na maunawaan.

• Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng mga impresyon o kakintalang likha ng


pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig, paningin, at pansalat, itinala ng sumusulat ang
paglalarawan ng mga detalye na kanyang nararanasan. Ito naman ay naglalayong magsaad ng kabuuang
larawan ng isang bagay, pangyayari o kaya naman ay magbigay ng isang konseptong biswal ng mga bagay-
bagay, pook, tao, o pangyayari. Mauuri ang paglalarawan sa dalawa: subhetibo at obhetibo.

• Ang tekstong persuweysibo ay tekstong nanghihikayat ay naglalahad ng mga payahag upang


makapangumbinsi sa mga tagapakinig o mambabasa. Kailangang sapat ang katibayan o patunay upang
suportahan ang isang isyu, paksa, o kaisipan nang sa gayon ay maging kapanipaniwala. Halimbawa:
patalastas, talumpati, editorial, at sanaysay.

• Ang tekstong naratibo pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga
tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang maayos na pagkasunod-sunod mula sa
simula hanggang katapusan. Maaaring personal na karanasan ng nagkukuwento, batay sa tunay na
pangyayari o kathang-isip lamang.

• Ang tekstong argumentatibo naglalayong manghikayat, naglalahad ito ng mga oposisyong umiiral
na kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangang pagtalunan o pagpapaliwanag. Ang ganitong uri ng
teksto ay tumutugon sa tanong na BAKIT.

• Ang tekstong prosidyural ay nagbibigay-panuto. Naglalahad ito ng proseso kung paano


isinasagawa o binubuo ang isang bagay. Isang uri ng teksto tungkol sa serye ng mga gawain upang matamo
ang inaasahang hangganan o resulta. Nagbibigay ng kaalaman para sa maayos na pagkakasunod-sunod ng
isang gawain mula umpisa hanggang sa katapusan.

Gawain 1
Pagyamanin
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng teksto ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa kuwarderno ang sagot.
_______________1. Dahil sa pagpapatupad ng gobyerno ng Enhance Community Quarantine (ECO) sa bansa
inerekomenda ng Energy Regulatory Commission (ERC) na baguhin ng mga power distributors ang singilin sa
kuryente.
_______________2. Pagkailangan ng gamot, 'wag mahihiyang magtanong. Kung may Right Med ba nito?
_______________3. Puno ng sapot at agiw, puno ng alikabok ang mga muwebles na natatakpan ng puting kumot.
_______________4. "O pagsinang labis ng kapangyarihan
sampung mag-aama'y iyong nasasaklaw!
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
hahamaking lahat masunod ka lamang."
_______________5. Adobong manok at baboy
A. Hiwain ang manok at baboy ayon sa nais na laki nito.
B. Ihanda ang mantika, bawang, at sibuyas
C. Gisahin ang bawang hanggang sa lumabas ang lasa at amoy nito.
D. Ihalo ang manok at baboy at hayaan muna itong magisa ng mga hanggang tatlong minuto.
E. Maaari mo nang ilagay ang mga natitirang sangkap: suka, toyo, dahon ng laurel, paminta, asin, at tubig para
makatulong sa pagpapalambot ng mga karne.
F. Maaari ninyong tikman ang adobo para malaman kung sakto na ang alat at esim nito. Maaari rin maglagay ng
asukal para sa mga nais na inanamis-namis ang kanilang adobo.
G. Ang iba ay naglalagay ng patatas o pinya sa kanilang adobo, depende rin ito sa inyongpanlasa.

Gawain 2
Panuto: Tukuyin kung saan nabibilang ang mga pahayag. Isulat sa kuwaderno ang letra ng tamang sagot
A. Apelang Emosyonal (pathos) B. Apelang Etikal (ethos)
C. Apelang Lohikal (logos) D. Wala sa nabanggit
_____1. Gumagamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa.
_____2. Gumagamit ng damdamin upang mahikayat ang mga mambabasa.
_____3. Tumutukoy sa kredibilidad ng isang inanunulat upang makumbinsi ang mga mambabasa.
_____4. Gumagamit ng mga impormasyon at datos na kaniyang inilalatag upang paniwalaan ang kaniyang pananaw o punto.
_____5. Pagsasalaysay ng mga kuwentong nakaaantig ng galit o awa upang mangumbinsi.

Gawain 3
Panuto: Basahin at unawain. Tukuyin kung tama o mali ang mga pahayag. Isulat ang TIK kung tama at TOK kung
mali. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
______1. Ang tekstong impormatib ay paglalahad ng mga pangyayari at karanasan ng mga tao.
______2. Mahalaga ang pagsusuri sa anomang babasahin upang makilala ang uri ng teksto hindi na mahalagang
isaalang-alang pa ang pinagkunan nito.
______3. Ang tekstong persuweysib ay may layunin na maglahad ng opinyon upang makunbinsi ang mga
mambabasa.
______4. Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng instruksiyon kung paano
isasagawa ang isang tiyak na bagay.
______5. Isa sa katangian ng tekstong impo matib ay ang pagtataglay nito ng iisa lamang na estraktura.
______6. Laganap sa bansa ang karamdaman o sakit na COVID-19. Tinatayang umaabot na sa 15,588 katao ang
nagkaroon nito, 3,598 ang tala ng gumaling, 921 ang nasawi at 11,069 ang aktibo. Ang pahayag ay halimbawa ng
tekstong argumentatib.
______7. Halimbawa ng tekstong prosidyural. Paano mag-apply sa balik probinsiya?
Una, magtungo sa website http://balikprobinsya.ph at i-click ang apply button. Pangalawa, kumpletuhin ang enrolment
form at i-submit. At hintayin ang verification at tawag sa iyo.
______8. Isa sa mahalagang konteksto upang maging epektibo ang pangungumbinsi ay ang mahusay na paggamit
ng wika sa pagpapahayag.
______9. Ang tekstong naratib ay paglalahad ng mga pangyayari na pawing katotohanan lamang.
______10. Mahalaga ang malinaw na pagbibigay ng intruksiyon sa paggawa ng tekstong prosidyural.

Gawain 4
Panuto: Pumili ng napapanahong balita. Sumulat ng isang sanaysay na maiuugnay mo ang balita sa iyong sarili,
iyong pamilya, iyong pamayanan, iyong bansa o sa daigdig. Pumili ng tekstong nais gamitin sa paglalahad
(Impormatibo. Deskriptibo, Persuweysibo, Naatibo, Argumentatibo, Naatibo, Prosidyural). Isulat ito sa isang
buong papel.

Batayan ng Pagmamarka Puntos Marka


Napapanahon ang napiling paksa at mahusay na naiuugnay itosa sarili, pamilya, 20
pamayanan, bansa, o sa daigdig.
Maayos at malinaw na nalalahad ang mga impormasyon. 10
Tupak ang datos na ibiahagi at naaayon sa uri ng tekstong napili. 10
Malinaw ang pagkakahanay ng mga ideyang ibinabahagi sa teskto. 10
Kabuuan 50

You might also like