You are on page 1of 6

Paalala:

Ibalik at huwag sulatan ang Summative Test.


Isulat ang sagot sa sagutang papel na nasa
huling pahina.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Solano High School
Solano, Nueva Vizcaya
IKAAPAT NA MARKAHAN
ARALING PANLIPUNAN 8
SUMMATIVE TEST NO. 1 Week 1-2

Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
SAGUTANG PAPEL.

1. Saang kontinente unang sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig?


A. Aprika C. Europa
B. Asya D. Hilagang Amerika
2. Alin sa mga sumusunod na bansa ang kukumpleto sa Triple Alliance na kinabibilangan ng Austria-Hungary at
Germany?
A. Bulgaria C. Japan
B. Italy D. Ukraine
3. Alin sa mga sumusunod ang bansang kaalyado ng France at Russia sa alyansang Triple Entente?
A. Italy C. Ukraine
B. Great Britain D. United States
4. Anong pangyayari ang naging hudyat ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Pagpatay kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria habang nasa Sarajevo, Bosnia
B. Pagtakas ni Adolf Hitler matapos ang sunud-sunod na pagkatalo laban sa mga Allied Powers
C. Pagbagsak ng mga kilalang imperyo tulad ng Alemanya, Austria-Hungary, Russia, at Ottoman
D. Paglabas ng labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson ukol sa pagpapanatili ng kapayapaan
5. Alin ang HINDI kabilang sa mahahalagang pangyayaring naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Pagtataguyod ng mga hukbong militar
B. Pagpapasinaya sa Nagkakaisang Bansa
C. Pagkakabuo ng Triple Alliance at Triple Entente
D. Pagdanas ng krisis ng mga estado ng Balkan at sa Morocco
6. Ang mga sumusunod ay salik ng Unang Digmaang Pandaigdig maliban sa isa. Ano ito?
A. Alyansa C. Militarismo
B. Nasyonalismo D. Totalitaryanismo
7. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa masidhing pagmamahal sa sariling bayan o bansa?
A. Nasyonalismo C. Pasismo
B. Militarismo D. Sosyalismo
8. Ano ang tawag sa pagpapalakas o pagpapaigting ng sandatahang lakas ng isang bansa sa pamamagitan ng
pagpaparami ng armas at sundalo?
A. Imperyalismo C. Militarismo
B. Nasyonalismo D. Totalitaryanismo
9. Aling salik ng Unang Digmaang Pandaigdig ang tinutukoy kapag may pag-angkin ng teritoryo para sa pang-
ekonomiya at pulitikal na katanyagan at kapangyarihan?
A. Imperyalismo C. Militarismo
B. Nasyonalismo D. Totalitaryanismo
10.Alin sa mga bansang ito ang HINDI kabilang sa nagpulong upang magkaroon ng kasunduang pangkapayapaan
noong Unang Digmaang Pandaigdig?
A. France C. Italy
B. Great Britain D. United States
11.Aling organisasyon ng mga bansa ang nabuo pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig?
A. European Union C. North Atlantic Treaty Organization
B. League of Nations D. United Nations
12.Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag ng katagang ito, “Ang sariling pagkakakilanlan ay
nawawala dahil sa impluwensiyang dayuhan.”?
A. Napapanatili ang kultura ng isang bansa
B. Pinakikinabangan ng mga dayuhan ang likas na yaman ng mga kolonya
C. Ang kulturang dayuhan ang pinahalagahan ng mga bansang umuunlad pa lamang
D. Nababago ng mga dayuhan ang kultura ng kolonya sa pamamagitan ng iba’t ibang impluwensiya
13.Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI naging bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Lumaganap ang Spanish Influenza C. Naantala ang mga gawaing pangkabuhayan
B. Maraming ari-arian ang nawasak D. Maraming tao ang namatay, nagkasakit at naghirap
14.Lingid sa kaalaman ng Great Britain, France at iba pang bansa, ang ibang miyembro ng Alyado ay gumawa ng
lihim na kasunduan. Alin sa mga sumusunod ang naganap?
1. Nagdesisyon silang hatiin ang kolonya at teritoryo ng Central Powers
2. Pinangakuan ang Italy ng teritoryong hindi naman nito sakop
3. Ang Turkey ay maaaring paghati-hatian ng ibang maimpluwensiyang bansa
4. Pinagbawalang gumawa ng armas at amyunisyon ang Estados Unidos
A. 123 C. 134
B. 234 D. 124
15.Isa sa napagkasunduan sa kasunduan sa Versailles ay ang pagbayad ng malaking halaga ng Germany sa mga
bansang napinsala nito bilang reparasyon. Ano ang dahilan ng kanilang pagbabayad?
A. Mas marami ang napinsalang ari-arian ang Germany
B. Naging malakas at makapangyarihan ito sa pagsiklab ng digmaan
C. Malawak ang lugar na nasakop ng Germany at maraming buhay at ari-arian ang nawasak at namatay
D. Upang lubusang pilayan ang Germany nang hindi na ito muling magtangkang gambalain ang kapayapaan ng
daigdig
16.Ang pagbalangkas ng kasunduang pangkapayapan upang maiwasan ang digmaan ay pinangunahan ng mga
pinuno na tinatawag na Big Four. Sino sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa Big Four?
A. George Clemenceau C. Vladimir Lenin
B. Vittorio Orlando D. Woodrow Wilson
17.Alin sa mga sumusunod na bansa ang higit na naparuhasan ng naging kasunduan sa Versailles?
A. France C. Great Britain
B. Germany D. Italy
18.Sino ang pinunong lumagda ng Proclamation of Neutrality?
A. Adolf Hitler C. Vladimir Lenin
B. Vittorio Orlando D. Woodrow Wilson
19.Aling kasunduan ang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Kasunduan sa Minsk C. Kasunduan sa Versailles
B. Kasunduan sa Paris D. Kasunduan sa Tordesillas
20.Binalangkas ang isang kasunduang pangkapayapaan sa Paris noong Enero 1919 upang matapos ang digmaang
pandaigdig. Ano ang naging batayan ng pangunahing nilalaman ng kasunduan?
A. Liga ng mga Bansa C. Kasunduan sa Versailles
B. Labing-apat na Puntos D. Konstitusyon ng Britanya
C.
D.

“Walang mahalagang hindi inihandog


Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
Dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod,
Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot.”
- Isang sipi mula sat ula na pinamagatang, Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Gat Andres Bonifacio

Inihanda nina:

VANESSA R. ORDINARIO EDNILYN P. CO ROXANNE KATE A. ALABAS


T-I, AP Department T-I, AP Department T-III, AP Department
Paalala:
Ibalik at huwag sulatan ang Summative Test.
Isulat ang sagot sa sagutang papel na nasa
huling pahina.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Solano High School
Solano, Nueva Vizcaya
IKAAPAT NA MARKAHAN
ARALING PANLIPUNAN 8
SUMMATIVE TEST NO. 2 Week 3-4

Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
SAGUTANG PAPEL.

1. Ito ay ang dalawang alyansang nabuo sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.


A. Allied Powers at Central Powers C. NATO at MAPHILINDO
B. European Union at NATO D. Triple Alliance at Triple Entente
2. Anong mahalagang pangyayari sa kasaysayan ang naganap noong Setyembre 1, 1939?
A. Ikalawang Digmaang Pandaigdig C. Kasunduan sa Versailles
B. Kasunduan sa Paris D. Unang Digmaang Pandaigdig
3. Aling bansa ang HINDI kasama sa bumubuo sa Allied Powers?
A. Germany B. Great Britain C. Russia D. United States
4. Aling mga bansa ang kabilang sa Central Powers?
A. Austria, Germany, Japan C. Germany, Japan, Italy
B. China, Japan, United States D. Great Britain, Japan, United States
5. Bakit itinuturing na pinakamapanirang digmaan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Maraming namatay
B. Malalakas ang armas
C. Maraming namatay at ari-ariang nasira
D. Malaki ang nagastos ng mga bansang nasangkot sa digmaan
6. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tumutukoy sa naging epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
maliban sa isa. Ano ito?
A. Ang Totalitariyanismo ni Hitler, Pasismo ni Mussolini at Imperyong Hapon ni Hirohito ay nagwakas.
B. Ang pagkamit ng kasarinlan ng mga bansa mula sa pagiging kolonya o pananakop ng mga taga-kanluran
C. Ang pandaigdigang ekonomiya ay pansamantalang natigil at bumagal ang pag-unlad ng kabuhayan sa mundo
D. Ang pagpigil sa Alemanya na lumikha ng mga armas pandigma at pagtitiwalag dito bilang kasapi ng Liga ng
mga Bansa
7. Bakit naging dahilan ang Treaty of Versailles sa pagkakaroon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Hindi ito sinuportahan ng United States
B. Hindi naging makatuwiran sa Germany ang naging kasunduan
C. Ito ay nagsasaad nang kasunduang pansamantalang itigil ang labanan
D. Dahil ang Treaty of Versailles ay hindi kasunduang pangkapayapaan
8. Nakilala sa buong mundo si Winston Churchill bilang isang:
A. Amerikanong Heneral
B. Tagasuporta ni Hitler
C. Lider ng mga manggagawa
D. Punong Ministro ng Britanya
9. Aling pangkat ang nakaranas ng pinakamatinding pagmamalupit at pinsala sa buhay na dulot ng mga Aleman
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Amerikano B. Hapon C. Hudyo D. Italyano
10.Ano ang tawag sa taktikang pandigma na ginamit ng mga Nazi?
A. Biological Warfare C. Luftwaffe
B. Blitzkrieg D. Trench Warfare
11.Ano ang pangunahing layunin ng bansang Hapon nang kanyang itatag ang Greater East Asia Co-Prosperity
Sphere?
A. Makatulong sa mga bansang sakop ng mga Europeo sa Asya
B. Makontrol ang daloy ng kalakalan sa Pasipiko
C. Mapabilang sa mga bansang kaanib ng Nagkakaisang Bansa
D. Mapalaganap ang kaisipan at imperyo ng mga Hapon sa Asya
12.Noong ika-6 ng Hunyo, 1944 ay naganap ang D-Day sa Normandy na kilala sa kasaysayan bilang:
A. Malawakang pagdating ng suporta mula sa mga hukbo ng Allied Powers
B. Malawakang paghuli at pagpatay sa mga Hudyo na naninirahan sa Europa
C. Mabilis na pakikipaglaban at pagsalakay ng mga Aleman laban sa mga Ingles at Amerikano
D. Mahigpit na patakarang ipinatupad laban sa pagsuko ng mga Aleman at Italyano matapos ang digmaan
13.Ayusin ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig:
1. Ang D-Day ng mga Allied Powers sa Pransya
2. Ang pagsalakay ng mga Hapon sa Pearl Harbor
3. Ang pagpasok ng Alemanya sa Poland
4. Ang pananakop ng Hapon sa Manchuria
Ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ay:
A. 2 4 3 1 C. 4 3 2 1
B. 1 4 3 2 D. 3 4 2 1
14.Ang mga probisyon sa Kasunduan sa Versailles ay tumutukoy sa:
A. Pakikipagtunggali ng Alemanya laban sa kontrol ng Inglatera sa kalakalan sa mga katubigan
B. Pagkilala sa pagkakapangkat-pangkat ng mga bansa sa pagitan ng Triple Alliance at Triple Entente
C. Pagkuha ng Rusya sa magagandang daungan ng Constantinople para makaiwas sa matinding taglamig
D. Pagbabaha-bahagi ng mga teritoryong dating nasasakop ng Germany sa pagitan ng mga bansang magkaka-
alyado
15.Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula dahil sa:
A. Pagpatay sa napakaraming Hudyo sa Europa
B. Pagsalakay ng mga Aleman sa Poland noong 1939
C. Pagdating ng mga armas galing sa Estados Unidos para sa Inglatera
D. Pagkatalo ni Adolf Hitler laban sa magigiting na hukbo ng Inglatera
16.Dahil sa mailap ang Japan sa pagsuko, ipinasya ng United States na gamitin nito ang bago nitong sandata ang
Atomic Bomb upang wakasan ang digmaan. Saan ito unang ibinagsak?
A. Hiroshima C. Nagasaki
B. Kokura D. Tokyo
17.Aling bansa ang umabot sa tugatog ng tagumpay at nagtatag ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere?
A. Germany C. Japan
B. Italy D. United States
18.Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga bansang naging malaya dahil sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?
A. China C. Pilipinas
B. Malaysia D. Thailand
19.Bakit itinatag ang United Nations?
A. Upang mangalagaan ang seguridad at kaayusan ng mundo.
B. Upang matulungan ang mga mahihirap na bansa sa daigdig.
C. Upang itaguyod ang karapatan ng mga bata sa buong mundo.
D. Upang itaguyod ang karapatang pantao sa mga bansa sa mundo.
20. Isang bagong daigdig ang umusbong pagkalipas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Alin ang HINDI kabilang
sa mga pangyayari pagkatapos ng digmaan?
A. Naitatag ang United Nations C. Nawala ang Fascism at Nazism
B. Nagkaroon ng World War III D. Nagkaroon ng labanan ng ideolohiya sa daigdig
A.
B.

“Ang katuturan ng karanasan at istoriya'y di ang pagtanda sa mga pangyayari, kundi ang pagtatamo ng aral sa kanila.”
― Amado V. Hernandez, Mga Ibong Mandaragit
Inihanda nina:

VANESSA R. ORDINARIO EDNILYN P. CO ROXANNE KATE A. ALABAS


T-I, AP Department T-I, AP Department T-III, AP Department
18.
19.
20.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Solano High School Republic of the Philippines
Solano, Nueva Vizcaya Department of Education
Region II – Cagayan Valley
IKAAPAT NA MARKAHAN Schools Division of Nueva Vizcaya
ARALING PANLIPUNAN 8 Solano High School
Solano, Nueva Vizcaya
Pangalan: Petsa: IKAAPAT NA MARKAHAN
Baitang/Seksyon: Iskor: ARALING PANLIPUNAN 8

SUMMATIVE TEST NO. 1 Week 1-2 Pangalan: Petsa:


1. Baitang/Seksyon: Iskor:
2.
3. SUMMATIVE TEST NO. 3 Week 5-6
4. 1.
5. 2.
6 3.
7. 4.
8. 5.
9. 6
10. 7.
11. 8.
12. 9.
13. 10.
14. 11.
15. 12.
16. 13.
17. 14.
18. 15.
19. 16.
20. 17.
18.
SUMMATIVE TEST NO. 2 Week 3-4 19.
1. 20.
2.
3. SUMMATIVE TEST NO. 4 Week 7-8
4. 1.
5. 2.
6 3.
7. 4.
8. 5.
9. 6
10. 7.
11. 8.
12. 9.
13. 10.
14. 11.
15. 12.
16. 13.
17. 14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.

You might also like