You are on page 1of 10

BUOD:

• Pagkatapos matalo ang serpyente, ikinwento ni Don Juan ang mga pangyayari sa
balon. Sa sobrang inggit, pinagtangkaang pagtaksilan ni Don Pedro si Don Juan.
Naalala ni Prinsesa Leonora na ang kanyang singsing ay nasa balon kaya nais itong
kunin ni Don Juan. Pagbaba sa balon ay pinutol ni Don Pedro ang lubid at nahulog
sa ilalim. Nag-alala si Prinsesa Leonora at inutusan ang kanyang lobo na gamutin si
Don Juan. Habang ito ay nangyayari, pinipilit ni Don Pedro na siya na lang ang
mahalin ng prinsesa. Dahil ayaw ng prinsesa sa kanya, sapilitang dinala ni Don
Pedro si Prinsesa Leonora sa Berbanya samantalang naiwan naman si Don Juan sa
loob ng balon.
Si Don Juan at Ang
Mahiwagang Lobo
LAYUNIN
• Nabibigyang-kahulugan ang ilang mga salita sa
teksto.
• Nakikipagtalastasan at naibabahagi nang epektibo
ang mga konsepto at ideyang nalalaman gamit ang
Carousel Brainstorming
• Nagagamit ang teknolohiya tulad ng social media
gaya ng Instagram sa pagbibigay pag-asa sa mga
taong nakararanas ng pagsubok
PAGTALAKAY
Mga Tauhan
Don Juan- Ang prinsipeng hinang-hina ngunit
hindi naglaon ay gumaling din sa tulong ng isang
mahiwagang lobo.

Ang Mahiwagang Lobo- Ang inutusan ni prinsesa


Leonora na hanapin si Don Juan, at kung ang
prinsipe ay nasaktan, agad nitong gamutin.
Saknong 730
“ Siyam na araw na singkad
buong reyno ay nagalak
Maginoo’t mga hamak
Sa kasala’y nagyayakap.”
Saknong 732
“Nang abutan niyong Lobo
Katawan ay lunung-luno
Lasog pati mga buto’t
Dugo’y nunukal sa ulo
Saknong 740
“Prinsipe’y agad lumakas
Nabahaw ang mga sugat,
Nakatindig at ang gilas
Ngayon ay lalong tumingkad.”
BUOD
• Natagpuan ng lobo si Don Juan na nag-aagaw buhay.
Bali ang mga buto ng prinsipe at sugatan. Ginamot ng
lobo ang prinsipe gamit ang tubig mula sa Ilog jordan.
Agad na lumakas si Don Juan. Gumaling ang kanyang
mga sugat at mas tumingkad pa ang kanyang tindig
kaysa dati. Matapos makuha ang singsing, umahon na
ang prinsipe kasama ang lobo sa balon at tuluyang
naghiwalay. Ang lobo ay sa kabundukan at si Don Juan
nama'y sa daan patungong kaharian.

You might also like