You are on page 1of 3

"DESAPARESIDOS"

ni Lualhati Bautista
TAON NG PAGKASULAT:1998

MAY-AKDA: LUALHATI TORRES BAUTISTA

-Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Pilipinong manunulat.


Ipinanganak noong 2 ng Disyembre 1945 sa Tondo Maynila,Pilipinas.Nagtapos siya sa Emilio
Jacinto Elementary School noong 1962.

 Ano ang DESAPARESIDOS?

-Isang Portuges na salita na nangangahulugang “nawala”.Ang mga desaparacidos


ay mga tao na kinuha ng mga ahente ng militar o pulisya nang walang anumang abiso o
paliwanag at hindi na natagpuan pa,sila ay inaakala na pinaslang sa ganitong at iba pang
paraan.

 Ang nobelang "Desaparacidos" ni Lualhati Bautista ay isang akda na tumatalakay sa mga


isyu ng paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas. Ito ay isang kuwento ng mga
nawawalang indibidwal, partikular na mga aktibista, na tinawag na desaparacidos. Ang
nobela ay sumasalamin sa mga pangyayari sa panahon ng Batas Militar sa Pilipinas. Ito
ay naglalayon na magbigay ng boses sa mga nawawalang indibidwal at ipakita ang mga
suliranin at panggigipit na kanilang kinakaharap mula sa mga pwersang militar at iba
pang mga mapang-api.
Ito ang kuwento ni Anna, isang inang napawalay sa kanyang sanggol nang madakip siya
ng militar dulot ng kanyang pakikibahagi sa rebolusyonaryong aktibidad laban sa
rehimeng diktadurya ni Marcos. Mga dalawampung taon pagkaraan,at walang
kasiguraduhan kung nabubuhay pa nga ba ang anak,patuloy si Anna sa paghahanap.Sa
nobelang ito iginuguhit ni Bautista kung paano nawasak ng batas militar ang
napakaraming pamilya, atkung paanong ang galitat sakit na dulotnito ay di sinasadyang
naipamamana ng mga magulang sa kanilang mga anak.

 Mga Tauhan;
 Anna o ka leila- ina na pilit hinahanap ang anak na si malaya sa napakahabang panahon.
Isang NPA
 Ronildo o ka roy- isa ring NPA at napangasawa ni anna na naging triggerman ng kilusan.
 Karla- kasamahan na pinaghabilinan ng anak ni anna.
 Jinky- asawa ni karla na pinatay ng mga kasamahang NPA dahil ito ay nagtaksil sa kilusan
 Lorena o Lorie- anak ni anna at roy.
 •Emmanuel o Emman Kaibigan ni Lorena simula pa noong bata pa silanang iwanan si
Lorena sa ibat-ibang bahay
 Malaya- Anak ni Anna na nawalay sa kanya at kinupkop ni Karla sa loob ng 21 taon

 DESAPARESIDOS
Nagumpisa ang kwento sa panahon ng Martial law at sa pagkawala ng asawa ni Leila
na si Nonong. Si Nonong ay nahuli ng mga sundalo at pinatay at idinisplay ang kanyang
bangkay sa plasa .Siniguro ni Leila na si Nonong na kanyang asawa nga ito at ipinaalam
sa mga magulang ni Nonong upang makuha ang bangkay. Subalit ang nanyari ay pinatay
rin at pinahirapan ang tatay ni Nonong ng kukunin na nito ang bangkay sa mga
sundalo.Naiwan si Leila at ang kanyang 5 buwang gulang na sanggol na pinangalanan
niyang Malaya. Pinayuhan sila ng nakatataas na mas magiging ligtas ang bata kung ito ay
ihahabilin sa mga nasa labas na kasamahan. Si Jinky ay isang lalaki na kasamahan nila
Leila sa kilusan ay nagmagandang loob na isama si Leila sa kanyang asawang 6 na
buwang buntis upang ito ang mangalaga sa bata habang sila ay nakikibaka para sa
kalayaan ng bansa.Si Karla ang asawa ni Jinky na 6 na buwang buntis ang nag-alaga sa
anak ni Leila na si Malaya at ang magiging anak ni Karla ay papangalanan ding Malaya
kapag ito ay nailabas na. Laking pasasalamat ni Leila na bukal sa kalooban ni Karla ang
arugain ang kanyang anak.Habang nakikibaka ang mga NPA ay nagkaroon ng leak sa
loob ng nga
sundalo at lumabas ang pangalan ni Ka Roy,hinanap ng mga sundalo ang pamilya ng mga
Magdangal sa mga bayan na kanilang pinuntahan.Natunton ng mga sundalo ang mga
magulang ni Ka Roy at bago pa may madamay na iba ay umamin na si Mang Kardo na
anak niya si Roy,sinunog ang kanilang tahanan at lahat ng miyembro ng pamilya ay
pinatay kahit ang 6 na taong gulang na si Nene.Ang sumunod na eksena ay ang
pagkakadakip kay Jinky at Leila ng sila ay bumaba upang tingnan ang kalagayan ni Karla
at Malaya.Si Leila ay ginahasa ng mga sundalo at walang sinabi na kahit anong
impormasyon sa mga sundalo,
Manhid na ang mukha ni Anna se maraming sampal, Putak no ang bibig niya. Tumutule
se ilang niya ang magkahalong sipon at dugo
Pangalan mo?“Hindi ko po alam”“Putanginang to, ginagago mo ba kami? Pangalan mo,
hindi mo alam?”
Hindi siya tinanggalan ng blindfold kahit pagdating sa masikip at maamoy na kwarto.
Tinanggalan siya ng posas Pero kung inakala niya na bumait na ang mga sundalo, doon
siya nagkakamali, Tinanggalan lang pala siya ng posas para mas madali siyang
mahubaran. Pinagpasa-pasahan siya na parang bola. Inihagis ng isa, sinalo ng isa,
sinuntok ng isa, bumagsak sa kamay ng isa. Sinikmuraan, tinadyakan, itiniwarik,
pinagpistahan. Hindi siya makapanlaban, hindi siya makakalmot man lang, ni hindi
makapagmura. Nang matapos ang lahat at makaahon siya nang buhay, galit na galit siya
sa sarili na ni kalmot, ni mura, ay hindi siya makalaban at sasabihin sa kanya ng mga
psychologist na ang hindi paglaban ng biktima ay isang uri ng preserbasyon na rin ng
sarili. Para hindi lalong ma-provoke ang nandadahas na magsasanhi ng ibayong
karahasan.
Pinalaya si Roy at Leila. Si Leila ay ginamit na ang tunay niyang pangalan na Anna at
nagkaroon sila ng pag-ibig ni Roy, nagbunga ito ng isang anak si Lorena. Subalit
kailangan pa rin nilang iwan si Lorena noon upang makibaka.Nagkaroon ng People
power,napaalis ang pamilya marcos patungong Hawaii at ang mga nakulong sa ilalim ng
Martial law ay pinalaya.Nakasama na nila Roy at Anna si Lorena subalit malayo ang loob
nito sa kanila sapagkat may hadlang ang kanilang komunikasyon. Iniisip pa rin ni Anna
ang kanyang anak na si Malaya.Pinuntahan ni Anna at Roy ang mga magulang ni Jinky at
nalaman dito na nagpunta si Karla bago ito
umalis papuntang Canada kasama si Malaya.Nagkaroon ng problema sina Anna at Roy
sa anak nilang si Lorena sa pagiging mapanghinala nila na maaring mawala o madukot
ang kanilang anak ay nasasagi na nila ang privacy ng kanilang dalagita.Nagkita si Leila at
Malaya sa di inaasahang pagkakataon. Hinimatay si Leila ng malaman ang kwento ni
Malaya at humiling siya.na makipagkita kay Karla.Sa ikalawang pagkakataon ng kanilang
pagkikita,inamin Naman ni Karla na si Malaya nga ang anak ni Leila ang kanyang
pinagbubuntis noon ay namatay.Inako niyang anak si Malaya at pinalaki itong mabuti at
marangal.Nagkakilala sina Lorie at Malaya at nalaman nilang sila ay
magkapatid.Nalaman na ni Lorie ang nararamdaman ng kanyang ina ng mawalay sa
kanyang ate.Sa huli ikinasal si Malaya at naging isang buong pamilya na sina
Roy,Anna,Malaya,at Lorie.Ang pagpapatawad at pagkalimot ng nakaraan at pagkatuto
sa buhay ang nagbuklod sa kanila.

You might also like