You are on page 1of 3

Noli Me Tangere Buod ng Buong Kwento

Si Juan Crisostomo Ibarra ay isang Pilipino na pinag-aral ng kanyang ama, na si Don Rafael, sa Europa.
Matapos ang pitong taon, siya ay bumalik sa Pilipinas. Sinalubong siya ng isang malaking salo-salo sa
bahay ni Kapitan Tiago, ang ama-amahan ng kaniyang magandang kasintahan na si Maria Clara.
Inimbitahan din ang ilang panauhin katulad nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya
Victorina, at ilang may impluwensya sa lipunan.

Ipinahiya ni Padre Damaso si Ibarra ngunit wala itong ginawa at pinagpasensyahan nalang ang pari.
Magalang itong nagpaalam at nagdahilang may ibang pupuntahan.

Dumalaw si Ibarra kay Maria Clara kinabukasan pagkatapos dumalo sa pagtitipon. Nagkaroon ng
pagkakataon ang magkasintahan na balikan ang kanilang mga ala-ala. Muling binasa ng dalaga ang liham
na binigay ng binata bago pa ito tumungo sa Europa.

Bago pumunta si Ibarra sa San Diego, ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ang nangyari sa
kanyang ama na si Don Rafael. Isinalaysay ng tinyente na naakusahan ito bilang erehe at pilibustero dahil
sa hindi nito pagsisimba at pangungumpisal. Ibinintang din kay Don Rafael ang pagkamatay ng isang
Kastilang kubrador. Si Don Rafael ay nabilanggo, nagkasakit, at namatay. Hindi pa dito natapos ang
pasakit ng kanyang ama. Ipinag-utos ni Padre Damaso sa isang sepulturero na hukayin ang bangkay nito
at ilipat sa libingan ng mga Intsik. Ngunit dahil sa lakas ng ulan ng gabing iyon, itinapon nalang ng mga
sepulturero ang bangkay sa lawa.

Sa kabila ng nangyari sa kanyang ama ay hindi hinangad ni Ibarra na makapaghiganti, bagkus


ipinagpatuloy niya ang adhikain ng ama na makapagtayo ng paaralan. Sa pagdiriwang ng paglalagay ng
unang bato sa paaralan, montik nang mamatay si Ibarra kung hindi ito iniligtas ni Elias. Sa halip, nasawi
ang binayaran ng lihim na kalaban ng binata.

Naghanda ng isang pananghalian si Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas. Muli na namang ininsulto ni Padre
Damaso ang binata. Sa pagkakataong ito ay hindi na nakapagpigil si Ibarra. Montik na niyang saksakin
ang pari kung hindi lang siya napigilan ni Maria Clara. Dahil sa nagawa ni Ibarra ay naging
ekskumunikado siya. Sinamantala ni Padre Damaso ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra at inutusan si
Kapitan Tiago na itigil ang pagpapakasal ni Maria Clara kay Ibarra. Nagpasya si Padre Damaso na
ipakasal si Maria Clara kay Alfonso Linares. Sa labis na pagdaramdam ng dalaga ay nagkasakit ito ngunit
gumaling agad dahil sa gamot na ipinadala ni Ibarra.

Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang bisa ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra. Nagkataon na
may mga taong sumalakay sa kwartel. Ibinintang ito kay Ibarra at siya ay ipinadinakip at binilanggo.
Napawalang bisa ang mga bintang sa naganap na paglilitis dahil walang makapag-sabi na si Ibarra ay
kasabwat sa kaguluhan. Subalit, napasakamay sa hukuman ang sulat ni Ibarra kay Maria Clara, na siyang
naging ibidensya upang siya’y mapahamak.

Kinalaunan ay nagkaroon ng handaan upang ipagdiwang ang kasal ni Maria Clara at Linares. Sinamantala
ito ni Elias upang itakas sa bilangguan si Ibarra. Nabigyan ng pagkakataon ang magkasintahan na
makapag-usap bago tuluyang tumakas si Ibarra. Ipinaliwanag ni Maria Clara na nakuha ng hukuman ang
mga letra ni Ibarra dahil ito’y tinakot at pinagbantaan. Ipinalit niya ang mga letra ni Ibarra kapalit ng
liham ng kaniyang ina, bago siya ipanganak. Dito nakasaad na si Padre Damaso ang totoong ama ni Maria
Clara kung kaya’t tutol ito sa pagmamahalan at planong pagpapakasal ng dalawa. Sinabi ni Maria Clara
na ang pagpapaksal kay Linares ay upang protektahan ang karangalan ng kanyang ina, ngunit patuloy
niyang mamahalin si Ibarra. Ipinagkaloob niya sa binata ang kalayaan at nawa’y maging maligaya at
tahimik ang kalooban nito.

Gamit ang bangka ay tinakas ni Elias si Ibarra. Nakalagpas sila sa ilang gwardiya sibil, ngunit nasundan
pa din ang kanilang bangkang sinasakyan. Inisip ni Elias na iligaw ang mga humahabol na gwardiya sibil
sa pamamagitan ng paglusong nito sa tubig. Sa pag-aakalang si Ibarra ang tumalon ay hinabol at
pinaputukan ito ng mga sibil hanggang sa magkulay dugo ang tubig.

Nawalan ng pag-asa si Maria Clara dahil pag-aakalang patay na si Ibarra. Napagdesisyunan nitong
pumasok sa kumbento upang maging isang madre. Napilitang pumayag si Padre Damaso sa kagustuhan
ng dalaga dahil magpapakamatay daw ito kapag hindi ito pumayag.

Noche Buena na nang makarating si Elias, na sugatan at nanghihina, sa gubat ng mga Ibarra. Doon ay
natagpuan niya si Basilio at ang malamig na bangkay ni Sisa. Bago tuluyang bawian ng buhay si Elias ay
sinabi nito na namatay siyang hindi nakikita ang pagbubukang liwayway ng kanyang bayan at nawa’y ang
makakakita nito ay huwag sanag kalimutan ang mga namatay upang ipagtanggol ang bayan.
The Philippines After Rizal

Ang kamatayan ni Dr. Jose Rizal at ng iba pang ilustrado ang bumuhay sa apoy ng rebolusyon sa
Pilipinas sa ilalim ng pananakop ng Espanya. Sa digmaan sa pagitan ng Amerika at Espanya noong 1898,
kumampi ang mga rebolusyonaryong Pilipino sa mga Amerikano, sa kaisipang magiging malaya na ang
mga Pilipino kapag naitaboy ang mga Kastila. Natalo ng Amerika ang Espanya sa laban ng Manila Bay at
kinalaunan ay idineklara ni Emilio Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite ang kalayaan ng
Pilipinas. Ang unang konstitusyon ay tinawag na Malolos Constitution, na inapprubahan noong Enero 20,
1899. Ito rin ang tinaguriang unang republika ng Pilipinas.

Lingid sa kanilang kaalaman, ibinenta lamang ng Espanya ang Pilipinas sa Amerika sa pamamagitan ng
Treaty of Paris. Pinigilan ng Amerika ang pagsulong ng kalayaan sa Pilipinas. Noong 1916, idineklara
ang Jones Act na nagsasabing ang kalayaan ay maidedeklara lamang kung mayroong maayos at
demokratikong gobyerno ang Pilipinas, na nakabatay sa sistema ng Estados Unidos. Inaprubahan ng
Amerika ang ten-year transition plan noong 1934, at bumuo ng bagong konstitusyon noong 1935.

Naudlot ito nang maganap ang World War II at pagsalakay ng mga Hapon noong ika-8 ng Disyembre
1941. Natalo ang Pilipinas sa laban at nagsimula ang batas militar sa ilalim ng mga Hapon. Panibagong
konstitusyon ang nabuo noong 1943, na binuo ng grupo ng mga Pilipino na tinatawag na Kapisanan sa
Paglilingkod ng Bagong Pilipinas (Kalibapi). Nagpatuloy ang mga kilusang Pilipino na lumalaban sa
pananakop. Kinalaunan noong 1944, nagtapos ang pananakop ng mga Hapon nang sila’y matalo ng
Pilipinas.

Noong Hulyo 4, 1946 naging malaya na ang Pilipinas mula sa Estados Unidos. Nanatili ang sistema ng
gobyerno, na kawangis ng Amerika, na pinamumunuan ng isang Presidente na hinahalal at nagsisilbi ng
apat na taon.

Noong 1965, naging presidente si Ferdinand Marcos at muling nahalal noong 1969. Sa panghuling taon
ng kanyang pangalawa termino, idineklara niya ang Martial Law noong 1972. Binuo rin niya ang 1973
Constitution, kung saan ang termino ng presidente ay anim na taon. Gamit ang kaniyang kapanyarihan, si
Ferdinand Marcos ay naging president mula 1965 hanggang 1986. Libo-libong Pilipino ang naabuso at
namatay, habang siya at ang kanyang pamilya ay patuloy na yumayaman at lumalakas ang kapangyarihan
at impluwensiya sa lipunan. Hanggang ngayon ay marami pa ring kritiko sa pamamalakad ni Marcos at
mga sumunod na presidenteng may kahawig na sistema, tulad ni Presidente Rodrigo Duterte.

Nagwakas ang termino ni Ferdinand Marcos, nang maganap ang “People Power” revolution. Naihalal na
presidente si Corazon Aquino noong Pebrero 25, 1986. Itinatag niya ang 1987 Constitution, na hinati ang
kapanyarihan ng gobyerno sa tatlo: ang Executive, Legislative, at Judiciary. Ito ang kasalukuyang
ginagamit hanggang sa ating modernong panahon.

Ayon sa historya ng Pilipinas, masasabi na ang mga problema sa lipunan ay kadalasang bungga ng pang-
aabuso ng mga makapangyarihan para sa pangsariling dahilan. Ang ating kasalukuyang pamahalaan ay
puno pa rin ng mga kurakot at mapang-abusong lider. Hindi nalutas ng pagkamatay o paglalathala ng mga
nobela ni Dr. Jose Rizal ang mga suliraning ito. Ngunit dahil sa kanyang impluwensiya at paninindigan sa
hustisya at kalayaan, nagawa ng mga ninuno natin ang unang hakbang tunggo sa ating kinalalagyan
ngayon. Ito ay ang makalaya sa pananakop ng mga banyaga at ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino.

You might also like