You are on page 1of 3

Chelsea Nacino Hunyo 25, 2019

12- B

Si Anto
Rogelio L. Ordonez
( Buod )

Ang nakatira sa siyudad na si Manong Roger ay nagtungo sa liblib na lugar sa probinsya


ng Batangas kung saan simple lang ang buhay. Siya ay nakitira sa kaniyang pinsan na si Mando.
Bago magdilim, umiinom sila ng tuba at may napansin siyang isang matipunong lalaki papunta
sa kanila habang hinihila ang lambat na puno ng isda. Dito nakilala ni Mang Roger si Anto. Si
Anto ay kumuha ng ilang isda at inilagay sa inuupahan nilang bangka para gawing pulutin.
Inalok naman ni Mang Roger si Anton a uminom at manigarilyo ngunit wala palang bisyo si
Anto dahil pangingisda lang at pagtatanim ang kaniyang gawain. Nagkakwentuhan si Mang
Roger at Mando tungkol sa buhay ni Anto at doon nila nalaman ang masaklap na buhay na
mayroon si Anto. Mayroon silang bahay noon ngunit giniba na ng bagong nag mamay-ari. Si
Anto ay sampung taong gulang noong may taga bayan na kotse ang dumating doon at
nangangkin ng lupang tinutuluyan nila Anto, pinaaalis sila ng mayaman na taga bayan ngunit
ang ama ni Anton a si Ka Basilio ay kumuha ng itak at hinabol ang mayaman at tatagain niya
sana ito ngunit madaling nakasakay sa kotse ang mayaman. Dahil dito ay nauwi sa demandahan
at natalo sila Ka Basilio dahil wala silang titulo. Ilang araw ang lumipas ay bumalik muli ang
taga bayan at may kasama ng pulis upang paalisin sila Anto. Inatake sa puso at namatay ang
kanyang nanay na si Ka Benita dahil sa sama ng loob. Pagkalibing kay Ka Benita pagkalipas ng
isang araw ay dumating nanaman ang taga bayan at may kasama nanamang pulis at gigibain na
ang bahay nila Anto. Sa galit ng kanyang ama ay kinuha ang kanyang itak at pinaghahabol sila
ng taga bago pa siya mabaril ng pulis ay dalawa na ang napatay niya, ang isa ay may laslas ang
tiyan at ang isa naman ay muntik ng matanggalan ng ulo. Niyakap ni Anto ang bangkay ni Ka
Basilio at hinimatay ang kaniyang dalagang kapatid na si Juliana. Maganda siya at walang arte sa
katawan ngunit siya ay nanilbihan sa bayan, sa magandang bahay na malapit sa munisipyo ng
isang mayaman. Natagpuan siyang nakabitin sa silid at siya ay nagbigti dahil sabi nila’y ginahasa
siya ng anak ng amo.
Si Anto na lamang ang natira ngunit sa kabutihang palad ay kinupkop siya ni Ka Masyong
kung saan siya nanunuluyan ngayon. Dahil sa kuwento na ito ni Mando, napasulat si Mang
Roger sa kaniyang makinilya. Magmula noon ay lagi na niya inaabangan si Anto na umuwi
galing sa pangingisda na siya ring nagbibigay ng pulutan. Isang hapon, umiinom si Ka Roger
mag-isa dahil si Mando ay nagtungo sa bayan at nakita niya na maaga pumalaot si Anto sapagkat
maalon ang dagat, nais siyang bigyan muli ni ANto ng pampulutan na tinanggihan ni Ka Roger
dahil wala rin mag-iihaw. Nagmadaling umalis si Anto ng walang paalam. Damidilim na ng
biglang nasa tabi na pala ni Mang Roger si Anton a nagbigay ng inihaw na isda at nasarapan dito
si Ka Roger, pinuri niya si Anto at halata sa kanyang mata ang kanyang kasiyahan. Si Anto ay
nag-aalala kay Ka Roger dahil uulan na ng malakas kaya’t niyaya niya si Ka Roger na sa bahay
na muna nila ito magpatila, napansin din niya na ubos na ang sigarilyo ni Ka Roger kaya
nagkusang loob siyang bumili kahit malayo. Hindi na nila namalayan ang tagal ng kanilang
kuwentuhan habang umuulan. Kinabukasan ay sinipon at nilagnat si Ka Roger at nabalitaan ito
ni Anto kaya naman dinalan siya ng isang bote ng gatas ng kambing. Si Mando ay nagtataka
dahil bihira na lamang si Anto roon at halos isang buwan na si Ka Roger doon.

Isang araw ay nagpaalam na si Ka Roger at dinalan siya ni Anto ng isang galong tuba at
nagkaldereta siya ng kambing na alaga niya. Sila ay nagsaya at nag inuman habang si Ka Orger
ay nagnilay sa baybayin sinundan siya ni Anto at lumapit ito sa kanya. Humingi ng pabor si Ant
okay Ka Roger at ito ay kung maaari ba siyang sumama sa siyudad at sa kanya na manuluyan.
Kinabukasan, bago pa sila umalis ay dumaan na muna sila kay Ka Masyong bilang respeto sa
pagsama sa kanya ni Anto. Hindi nagtagal ay nagging parte nan g pamilya ni Ka Roger si Anto.
Siya ay hindi nagging pabigat ngunit hindi pa nila nasilayan si Anto na ngumiti. Bumili siya ng
dalawang daang sisiw para kay Anto upang siya’y may libangan. Siya ay napamahal sa kanyang
mga sisiw ngunit isang umaga ay bigla nilang narinig ay napamura na napakalakas si Anto dahil
patay na ang kanyang limang sisiw dahil kinagat ang mga ito ng daga. Hindi natulog si Anto
upang mahuli ang peste. Pagkagising ni Ka Roger ay sa unang beses ng kanyang buhay ay nakita
si Anton na nakangiti habang hawak ang dalang malalaking daga sa buntot.

Isang hapon naman ay pinabili si Anto sa tindahan at nang pagbalik niya ay masayang
masaya siyang naghatid ng balita tungkol sa pagkamatay ni Ka Berta na binangungot nakangiwi
at kagat ang kaniyang dila. Ganado kumain si Anto sa kanilang hapunan. Naulit ang ganitong
pangyayari at habang bitit ni Ka Roger ang regalong sapatos para kay Anto, sinalubong siya nito
nang nakangiti at naghatid ng balita na ang bahay dawn g isang mayaman na propiyetaryo na
may ari ng 20 hektaryang bukid sa lugar nila na si Ka Ignacio ay nasunog at walang nailigtas.
Hindi manlang sinilip ni Anto ang kaniyang regaling sapatos. Isang hapon, dala dala ni Anto sa
bukid ang kaniyang ama, namimilipit sa sakit ng tiyan at nanlalamig na ang buong katawan at
dahil malayo ang bayan, ipinasundo niya kay Anto si Ka Mamerto na isang albularyo ngunit di
rin nito nagamot ang sakit ng kanyang ama kaya napilitan silang dalhin siya sa mahusay na
doctor dahil malala na ang ulser at kailangan na itong operahin. Isinanla nila ang lupa kay Ka
Mamerto na isa ring propiyetaryo sa kanilang bayan na mayroong kasunduan na kung hindi
matutubos ang lupa ay eembarguhin na iyon.

Umayos na ang kalagayan ng kaniyang Ama at nailabas na sa ospital, isang buwan na


lamang ay makakabayad na sila kay Ka Mamerto dahil malapit na ang anihan at masayang
masaya si Anto dahil matatapos na rin ang kanilang problema. Sa kasamaang palad, bago ang
anihan ay sumalanta ang isang malakas na bagyo at napinsala ang lahat ng kanilang pananim
kasama ang mga manok. Panatag ang kaniyang ama dahil makikiusap daw siya kay Ka Mamerto
na sa susunod na anihan na lang sila magbabayad ngunit hindi ito napakiusapan. Sila ay
nangamba at nawalan nalang ng pag-asa si Ka Roger kaya naman ay bumili na lamang siya ng
hinebra at nagulat siya dahil tatagay din si Anto. Kinabukasan ay kumalat ang balita na pinatay si
Ka Mamerto, ginilit ang leeg at may laslas ang tiyan. Simula noon ay nawala na rin si Anto.

You might also like