You are on page 1of 3

KABANATA 27: Ang Prayle at ang Pilipino

Tauhan:
Padre Fernandez
Isagani
Tagpuan: unibersidad (Ateneo de municipal)
TALASALITAAN:
Capista, Ampliacion, Paghuhulo, Nagkibit-balikat, Itututop, Orden, Subasta, Kuwalta,
Alguacil, Dunong

PAGTATALAKAY:
 Habang nagtatalumpati sa kalagitnaan ng pagpupulong ng mga estudyante,
nilapitan si Isagani ng isang capista at sinabihan ito na nais siyang makapanayam
ni Padre Fernandez.
 Natanawan ni Padre Fernandez ang pagtatalumpati ni Isagani at ibinahagi ang
panghanga sa mga kabataang katulad niya na malayang nakakapagpahayag ng
kanilang mga saloobin.
 Inalok na umupo ni P. Fernandez si Isagani ngunit ito’y nanatiling nakatindig,
taas-noo, at hinintay ang sasabihin ng propesor.
 “Kung ganoon, pangatawanan ninyo ang magiging bunga ng inyong ginawa. Hindi
ko kayo sinisisi sa mga pagtuligsa laban sa mga Dominiko. Hindi sa amin kayo
(nag) aral dahil ngayong taon lamang naparito at marahil ay hindi na kayo
mapapasok muli.”
o Dito nabanggit ni P. Fernandez ang pagkahanga sa malayang
pagpapahayag ng mga saloobin ng mga kabataan/estudyante particular na
kay Isagani at sa kaniyang katapangan na nalumpati sa harap ng marami.
o Naipaliwanag din ni P. Fernandez na tunay ngang kahanga-hanga ang
kaniyang ginawa ngunit kailangan niyang harapin ang mga kinahihinatnan
ng kaniyang ginawa. Isa na doon na ang hindi pagkapasok niya muli sa
unibersidad.
 “Ako’y may walong taon nang nagtuturo at mahigit na dalawang libo’t
limandaang estudyante na ang aking nakilala. Tinuruan ko sila, sinikap kong
magkaroon sila ng katwiran at karangalan. Wala akong nakitang nagkaroon ng
lakas ng loob na panindigan ang mga upasala sa amin sa talikuran. Sa harapan,
ang aming mga kamay ay hinahagkan. Ano ang ibig ninyong gawin naming sa mga
taong ito?”
o May kamalayan (awareness) si P. Fernandez sa mga pananalita tungkol sa
kaniya at sa kapwa niyang propesor/kura sa tuwing nakatalikod sila. Pero
kapag naman nakaharap na sila parang santo pa na niluluhuran ang
kapwa-kura ni P. Fernandez.
o Tinanong ni P. Fernandez kung ano ang pwede nilang magawa sa mga
pakitang-tao na sinasabi niya at ito ang nagpasimula ng intelektwal na
usapan.
 “Hindi nila sarili ang pagkakasala, padre. Kasalanan din ng mga nagturo sa kanila
na sumisiil sa kanilang malayang pagpapahayag. Ipinalalagay ng mga nagtuturo sa
kanila na sila’y filibuster kapag hindi sang-ayon sa kanilang iniisip.”
 “Baliw ang mga taong nagpapahayag ng pagkakasalungat at titiisin ang pag-
uusig!”
o Dinedepensahan ni Isagani ang kabataan na sinisisi ni P. Fernandez dahil
yung mga nagturo naman sa kanila na manahimik ay yung mga propesor
mismo kasi male-labelan silang Filibustero kapag sumalungat sila.
o Pino-point out ni Isagani na ang contradictory naman kapag tinatanggap
mo ang pag-iisip nila pero sa kaloob-looban mo sumasalungat ka.
 Napamangha si P. Fernandez kay Isagani dahil may higit na pagkamalaya ito kaysa
sa kanyang inaakala. Propesor ang titulo ni P. Fernandez ngunit tila magkapantay
sila ni Isagani dahil sa kaniyang mga mapangahas na mga mungkahi.
 “Mangagsitupad kayo sa inyong tungkulin.”
o Namangha pa lalo si P. Fernandez kay Isagani dahil ‘di niya inasahan na
lumagpas ito sa kaniyang mga ekspektasyon sa kaniya mula sa kaniyang
mga pananalita.
 Kinuwestyon ni P. Fernandez si Isagani hinggil sa kaniyang mapangahas na
pahayag.
o “Bakit, hindi ba kami tumutupad sa dapat naming gawin? Anu-ano bang
obligasyon ang maidaragdag pa ninyo upang balikatin namin?”
 “Ang kabataan ay hinubog hindi lamang pangkaisipan kundi sa pangkatawan man
upang maakay sila sa kaligayahan, bumahagi sa isang bayang maunlad, matalino,
mabait, dakila, at tapat.”
o
o Dito ipinapaliwanag ni Isagani ang iba pang importanteng mga aspekto sa
pagtuturo bukod sa edukasyon sa Katolisismo, sa pamahalaan, sa buong
sangkatauhan; na kung saan nakikitaan niya ng pagkukulang at pinupunto
niya na hindi nila pagtupad sa obligasyon nila.
 Kinuwestyon muli ni P. Fernandez si Isagani sa kaniyang pagpapaliwanag.
o “Bakit, hindi ba?”
 “Paano ang ginagawa ng nagsisiyasat sa pagtuturo sa bayan-bayan.
Hinahadlangan! Binabawasan naman ng nagtuturo ang pagkaalam ng mag-aaral.”
 “Ano ang masasabi natin sa mga taong nagdadala ng pagkain na matapos makuha
ang kasunduan ay babayaang mamatay sa gutom ang mga bilanggo dahil sa ang
binigay ay pawis at tiring pagkain!”
 “Ano ang masasabi kung magkasama ang pamahalaan at nagpapakain sapagkat
sa bawat salarin, labindalawang kuwalta ang tinatanggap ng isa at lima naman sa
isa?”
o “Kung titingnan naman, wala kayong naibibigay ng anumang bagay na
ikatutuwa naming mga kabataan. Pero kakaiba ang ipinapakita niyo sa mga
bilanggo. May subasta pa kayo mabigyan lang ng sapat na pagkain ang
mga criminal. Bakit, mas mahalaga ba ang mga bilanggong nakukulong sa
piitan kaysa sa mga kabataang ang tanging pangarap ay makapasok sa
paaralan?” -ISAGANI
o Ipanaparating ni Isagani ang kawalan ng motibasyon ng mga nagtuturo sa
pagpapalawak ng talino ng mga estudyante.
o Na sa halip na mapaunlad ang kanilang mga isipan, yung mga kura pa
mismo ang nagbabaon sa kanila sa kumunoy ng kamangmangan.
(Metapora)

You might also like