You are on page 1of 9

Region I

LA UNION SCHOOLS DIVISION OFFICE


San Fernando City

Pebrero 22, 2018


Huwebes (1:00-2:00 PM)

Isang Detalyadong Banghay Aralin


sa Filipino 10

I. Layunin: Pagkatapos matalakay ang aralin tungkol sa kabanata XXVII ng


El Filibusterismo, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natatalakay ang mahahalagang pangyayari sa kabanata XXVII ng El


Filibusterismo;
b. naipapahayag ang sariling saloobin, pananaw at damdamin tungkol sa
ilang napapanahong isyu kaugnay ng isyung tinalakay sa akda; at
c. nakagagawa ng sariling hatol sa mga sitwasyong nakapaloob sa nobela
sa pamamagitan ng paglikha ng isang maikling komposisyon sa
pamamagitan ng Larong Sagot mo, I-send Mo.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Nobelang El Filibusterismo
Kabanata XXVII: “Ang Prayle at ang Estudyante”
Sanggunian: https://prezi.com/omds7dhpmfsl/-el-filibusterismo
Pahina 124-131
Kagamitan: Modyul, Smart TV, libro o teksbuk, laptop, manila paper
at paper strips

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

Panimulang Gawain
A. Panalangin
B. Pagtala ng liban
C. Pagbabalik aral

A. Aktibidades

Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o


pagsisimula ng bagong aralin

Bago tayo magsisimula sa panibagong aralin


o talakayan, nais ko munang tayo ay
magbalik aral sa ating tinalakay kahapon.

Ano nga ba ang naging talakayan natin


kahapon klas?
Region I
LA UNION SCHOOLS DIVISION OFFICE
San Fernando City

Ang tinalakay po natin ay tungkol po


sa “Ang mga Paskil” na mababasa po
sa Kabanata 26.
Mahusay! Ngayon naman isa-isahin natin
ang mahahalagang pangyayaring naganap
sa piling kabanata. Ano nga ba ang mga ito?
Ang pagpunta ni Basilio sa
Pamantasan upang kunin ang
kanyang lisensya sa medisina.

Ang kaguluhang naganap sa


Pamantasan dahil sa mga paskil na
nakita sa harapan ng Unibersidad.

Ang pagkakasangkot ng mga mag-


aaral na naroon sa salo-salo na sila
na gumawa ng paskil.

Ang pagkakadakip kay Basilio at


Makaraig.
Mahusay! Batid kong inyong naunawan ang
ating talakayan noong ating nakaraang
pagkikita.

Pagganyak
Panuto: Sa pamamagitan ng dalawang
larawang aking ipapakita, ano ang nasa
isipan ninyo hinggil sa mga larawang ito
klas?

Guro, ang namumuo sa aking isipan


hinggil sa dalawang larawan na aking
nakikita ay sila po ang mga prayleng
kastila na namamahala sa atin noon
at ang mga bayaning Pilipino na
handang ipaglaban ang mga
karapatan ng bawat Pilipino noon
para sa kalayaan ng bawat isa.
Region I
LA UNION SCHOOLS DIVISION OFFICE
San Fernando City

Batay sa mga larawan na ito, maaari bang


paghambingin ang dalawa batay sa kanilang
taglay na katayuan at pag-uugali. Ang unang larawan po ay ipapakita
ang mga prayle na namahala sa atin
noon na may taglay silang ugali na
makasarili, walang pinipiling panahon
sa pagpapasakit sa mga Pilipino at
pagpapahirap.

Sa ikalawang larawan po ay
ipinapakita rito ang mga bayaning
Pilipino na walang ibang ginawa
kundi ang mabigyan tayo ng kalayaan
at pag-asang malalampasan natin
ang panahon na dinanas nila.

Napakahusay! Batay sa inyong ginawa o


ibinahagi sa klase, ano kaya ang ating
magiging talakayan sa araw na ito klas?

B. Pagsusuri

Mukhang handa na kayo sa ating talakayan


sa araw na ito. Base po sa mga larawang naipakita,
maaaring ang ating talakayan po sa
araw na ito ay tungkol sa mga Prayle
at Pilipino po guro.

Nagbasa ba kayo klas? Opo guro.

Ipinatakdang aralin ko iyan upang maging


maganda ang daloy ng ating talakayan at
alam niyo ang inyong isasagot sa ating
magiging talakayan.

Sino ang isa sa mga katedratiko na nais Ang katedratikong nais makipag-usap
makipag-usap kay Isagani? o ang nagpatawag kay Isagani ay si
Padre Fernandez.
Region I
LA UNION SCHOOLS DIVISION OFFICE
San Fernando City

Tama! Habang nagtatalumpati si Isagani ay


kanyang ipinatawag ito na naging sanhi ng
pagkagulat ng binata sapagkat ang Padre ay
sadyang iginagalang ng binata.

Anong pag-uugali ang hinangaan ni Padre Ang pagiging matuwid, may sariling
Fernandez sa mga kabataan? paninindigan at may kakayahang
magpahayag ng sariling pag-iisip.

Tama! Sadyang hinangaan ito ng Pari


sapagkat sila pa lamang ang tanging mag-
aaral na may lakas ng loob gaya ni Isagani
kaya ipinatawag niya ito upang kausapin at
alam niyang sila’y kasama sa mga kabataan
na may paninindigan at upang siya’y
makapagpaliwanag.

Sa papaanong paraan o sa anong


kadahilanan na humanga si Padre
Fernandez sa mga mag-aaral? Humanga si Padre Fernandez sa
mga mag-aaral na katulad ni Isagani
sapagkat sila ay may kakayahang
ipahayag ang kanilang naiisip at mga
saloobin.
Tama! Sadyang humanga ang Padre sa
pagiging matapang ng mga mag-aaral.

Sa papaanong paraan daw iginagalang ng


mga mag-aaral ang mga prayle? Sinusunod na lamang po nila ang
kagustuhan ng mga prayle.

Hinahalikan nila ang mga kamay ng


mga prayle.
Magaling! Ganoon igalang ng mga Pilipino
ang mga Prayle?

Anong nais ipakahulugan ng pahayag na ito.


“Sa bayang ito, ang magsasalita at
magpahayag ng sariling kaisipan At
damdamin ay pinaparatangang Pilibustero”.
Region I
LA UNION SCHOOLS DIVISION OFFICE
San Fernando City

Ipinapahayag ni Isagani na ang mga


Pilipino ay walang kalayanng
magsalita o maglabas ng kanilang
Magaling! Ang mga Pilipino o Indiyo ay sariling saloobin.
walang kalayaang magsalita ng nais nilang
iparating.

Ano ang nais iparating ni Isagani kay Padre


Fernandez at sa mga prayle? Nais iparating ni Isagani kay Padre
Fernandez na dapat tumupad ng
tama ang mga prayle sa kanilang
tungkulin.

Hubugin ang kabataang Pilipino sa


pinakatamang paraan.

Nais ng mga mag-aaral na ituro ang


sapat na karunungan upang maging
isang marangal na tao.

Gawing dakila at tapat sa


mamamayan sa bayang ito.
Mahusay! Nais talaga ng binata na iparating
sa mga prayle ang mga suliraning kanilang
nakikita o napapansin ukol sa pagbibigay ng
tamang karunugan o edukasyon sa mga
mag-aaral na Pilipino.

Ano-ano ang mga sakit ng mga prayle sa


pagtuturo? Binabawasan ang pagbibigay ng
kaalaman. Pinapatay ang mga sigla
at sigasig ng mga mag-aaral.

Nais nilang matutunan ng mga mag-


aaral ang kaisipang luma sa
pamamagitan ng pagtuturo sa mga
kabataan na magmemoryado sa
buong aklat sa halip na kanilang itong
analisahin kung ano nga ba ang nais
ipakahulugan nito.
Region I
LA UNION SCHOOLS DIVISION OFFICE
San Fernando City

Mga lisyang simulating kasalungat ng


pagsulong ng kamalayan.
Magaling! Inhayag ni Isagani ang kanyang
mga nakita sa paligid.

Bakit inihalintulad ni Isagani ang kanilang


kalagayan sa bilanggo?
Inihalintulad ni Isagani ang kanilang
kalagayan sa mga bilanggo sapagkat
wala silang kalayaang magpahayag
ng kanilang mga saloobin o opinion.
Magaling! Wala silang kalayaang gawin ang
lahat ng gusto nila pati na rin ang magsalita
ng walang laya.

Ayon kay Padre Fernadez, para kanino


lamang daw ipinagkakaloob ang mga
karunungan? Ayon po sa Padre, ang Karunugan ay
ipinagkakaloob lamng sa karapat-
dapat. Iyan ay hindi ibinibigay sa mga
taong kapos sa wastong asal.
Magaling! Ang tinuran ng Padre ay sadyang
kinamumuhian ng mag-aaral.

Paano ginamit ni Isagani ang putik bilang


paghahalimbawa niya kay Padre
Fernandez? Ginamit ni Isagani ang putik sa
paghahalimbawa po kay Padre
Fernandez dahil sa maling
paghuhulma nila sa mga karunungan
ng bawat kanilang mag-aaral.
Tama! Ginamit ang putik bilang
representasyon ng pagkakahulma ng mga
mag-aaral.

Sa papaanong paraan itinago ng pari ang


kanyang pagtatalo sa dikusro nila ng mag-
aaral? Ibinaling po niya ang kanilang usapan
sa pamahalaan.
Region I
LA UNION SCHOOLS DIVISION OFFICE
San Fernando City

Magaling! Sapagkat napagtanto na niya na


siya ay natatalo nang isang mag-aaral
lamang.

Ano ang naging pananaw ni Padre


Fernandez sa nagging talumpati ni Isagani? Nabago ang pananaw ng Padre dahil
sa mga tinuran ni Isagani at labis
nitong ikinahanga ng Padre. Sa
buong buhay niya ngayon lamang
siya natalo ng isang mag-aaral.
Magaling! Labis na humanga ang Padre sa
mga tinuran ng binata.

Bakit nasabi ni Padre Fernandez na naiinggit


siya sa mga Heswita? Ipaliwanag
Nainggit si Padre Fernandez dahil sa
mga itinuro ng Heswita kay Isagani
habang siya ay ikinulong noon.
Mahusay! Sadyang kanyang kinainggitan
ang mga pagtuturo nila sa kanilang mga
mag-aaral at may sariling paninindigan.

Paano ba dapat isisi ang naging resulta ng


paghuhubog sa mga estudyante? Sa mga
gurong prayle o sa pamahalaan? Maaaring sa mga prayle sapagkat sila
ang tagahubog ng mga kaisipan at
karunugan ng mga mag-aaral.

Pamahalaan po sapagkat sila ang


nagbibigay batas upang mahubog pa
lalo ang karunungan ng mga mag-
aaral at mapabago ang kalakaran ng
C. Abstraksyon kanilang pag-aaral.

Naintindihan ba klas ang kuwento o


nobelang ito?

Kung gayon, tungkol saan ang ating aralin


ngayon?
Opo/hindi po.
Region I
LA UNION SCHOOLS DIVISION OFFICE
San Fernando City

Guro, tungkol po sa mga prayleng


kastila at ang mga estudyanteng
Pilipino na kung saan
pumapatungkol ito sa karunungan
mayroon ang mga kabataang Pilipino
na kayang magpahayag ng kanilang
sariling kaisipan at saloobin.
Ano pa ang inyong nauwaan sa kabanatang
ito klas? Pinakita pa sa kabanatang ito kung
paano ipinaglaban ng mga
estudyanteng Pilipino ang kanilang
karapatan bilang isang natatanging
mag-aaral na dapat lamang silang
turuan ng magandang asal at
kaisipan.
Tunay ngang naunawaan niyo ang daloy ng
kuwento.

D. Paglalapat

Panuto: Batay sa puwang na nakalaan sa


ibaba, ipaliwanag ang mga mahahalagang
elemento ng kuwentong natalakay at isulat .
ito sa isang buong papel. Bibigyan ko
lamang kayo ng limang minuto para sa
gawain na ito.

Pamagat ng Kuwento:

Problema Solusyon
Region I
LA UNION SCHOOLS DIVISION OFFICE
San Fernando City

IV. Pagtataya

Panuto: Sagot mo, I-send Mo! Hatiin ang klase sa ilang pangkat na binubuo
ng limang miyembro. Gamit ang limang minuto ay sasagutin ang katanungang ibibigay
sa pamamagitan ng apat na pangungusap. Bawat grupo ay dapat may tig-iisang
selpon dahil ipapasa ninyo ang inyong mga kasagutan sa numerong nasa pisara.

Tanong: Sa henerasyon ngayon, sa paanong paraan ninyo ipapakita ang


pagmamahal sa inyong bayang sinilangan?

PAMANTAYAN SA PAGSASAGOT
PAMANTAYAN BAHAGDAN
Kaakmahan sa Tema 35%
Nilalaman 50%
Maayos na Paglalahad 15%
Kabuuan: 100%

V. Kasunduan

Ang inyong takdang aralin sa araw na ito, basahin at unawaing mabuti ang
Kabanata 28 sa pahina 131-137 ng aklat bilang paghahanda sa susunod na talakayan

Inihanda ni: Pinagtibay at inaprobahan ni:

DANMAR C. CAMILOT G. JON-JON E. LAGUING


Student Teacher Tagapatnubay

Binigyang-pansin ni:

GNG. RACEL S. ORDINARIO


Punong Guro

You might also like