You are on page 1of 10

6

ARALING PANLIPUNAN
KUWARTER 1: IKA-4 NA LINGGO
ARALIN BLG. 4

Capsulized Self-Learning
Empowerment Toolkit

Schools Division Office of Zamboanga City

Region IX, Zamboanga Peninsula
Zamboanga City

“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”

1
AP-K1-L4-A4

CapsLET
Araling Panlipunan
Asignatura at
APG6 KUWARTER 1 LINGGO 4 ARAW
Baitang PETSA
NILALAMAN Ang Partisipasyon ng mga kababaihan sa rebolusyong Pilipino

KASANAYANG
Natatalakay ang partisipasyon ng mga kababaihan sa
PAMPAGKATUTO rebolusyong Pilipino.
AP6PMK-Ie-8

PAALALA: Huwag isulat ang sagot dito. Gamitin ang kalakip na sagutang papel para sa
pagsasanay at pagtatasa para sa iyong mga sagot.

ALAMIN AT UNAWAIN
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipapamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa
globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang pangheograpiya
at ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino.

TUKLASIN: Sa panahon ng himagsikan, ano kaya ang naging papel ng mga

kababaihan? Paano sila nakilahok sa rebolusyong Pilipino?

Basahin at unawain ang teksto sa ibaba.

Ang Partisipasyon ng Kababaihan sa Rebolusyong Pilipino
Malaki ang papel na ginampanan ng kababaihan noong panahon ng himagsikan. Sa
labis na paghahangad nila ng kalayaan, ang iba ay napilitang makipaglaban sa kabila ng
kanilang kasarian. Bukod sa mga labanan, marami rin sa kanila ang tumulong sa
pamamagitan ng pag-aalaga sa mga rebolusyonaryong sugatan o ang may karamdaman.
Narito ang ilan sa kanila:

Hindi matawaran ang ginawang kabayanihan ni

Melchora Aquino o “Tandang Sora” sa kabila ng
kanyang katandaan. Pinatunayan niya na hindi hadlang
ang edad upang magsilbi sa bayan. Bagaman walumpu’t
apat (84) na taong gulang na siya nang sumiklab ang
himagsikan, tumulong pa rin siya sa pamamagitan ng
pagbibigay ng pagkain, pag-aaruga, pagkupkop at
paggamot sa sugatang mga katipunero sa kanilang
tahanan. Ito ang dahilan kung bakit siya ay ipinatapon
ng mga Espanyol sa Marianas Islands.
2
AP-K1-L4-A4

Isang natatanging miyembro ng sangay ng

kababaihan si Gregoria “Oryang” de Jesus, asawa ng
Supremo ng Katipunan na si Andres Bonifacio. Isa siya sa
mga magigiting na babae ng himagsikan na tinaguriang
Lakambini ng Katipunan. Liban sa pagiging katuwang ng
mga katipunero sa pag-iingat ng mga papeles ng Katipunan,
sumama rin siya sa mga aktwal na labanan.

Nakilala naman si Teresa Magbanua ng Capiz sa

Visayas dahil din sa kanyang tapang na namuno at
nakisangkot sa mga labanan. Siya ang nag-iisang babae sa
kasaysayan ng kabisayaan na namuno sa pakikibaka ng
mga mandirigma laban sa mga sundalong Espanyol. Dahil
sa kanyang pakikisangkot sa digmaan sa Panay noong
himagsikang Pilipino, binansagan siyang “Joan of Arc ng
Kabisayaan”.

Lumaki ang bilang

ng mga katipunera at lumawak ang kanilang papel sa
himagsikan. Si Trinidad Tecson ay babaeng bayani ng
rebolusyong Pilipino at kilala bilang “Ina ng Biak-na-Bato”.
Isa siya sa mga kababaihan na humawak ng armas at
nakipaglaban kasama ng mga kalalakihan sa rebolusyon.
Itinuring siyang “Henerala” dahil sa kanyang angking
kakayahang mamuno at makipaglaban. Nakilala rin siya
bilang isa sa mga babaeng tumulong sa pag-aaruga sa mga
sugatang Katipunero.

Si Agueda Kahabagan ng Sta. Cruz, Laguna ay kilala

bilang si “Henerala Agueda”. Kilala siya sa kanyang
katangi-tanging katapangan. Siya ay nakikitang nakadamit
na puti at may dalang Gulok at Riple sa magkabilang
kamay habang nakikipaglaban. Namuno siya sa isang
kawan ng mga sundalo noong Mayo 1897. Siya ang nag-
iisang naitalang Henerala sa listahan ng mga Heneral ng
Republika ng Pilipinas. Natamo niya ang ranggo noong
Enero 4, 1899.

Ilan din sa mga naging gawain ng ibang kababaihan

noong panahon ng rebolusyon ay ang pagiging mamahayag ng samahan at tagatahi ng
bandila ng himagsikan. Bukod rito, sila rin ay sumasayaw, kumakanta at nagbibigay saya
kung may pagpupulong ang mga katipunero upang hindi mahalata ng mga gwardiya sibil
at isipin lang ng mga ito na sila ay nagdiriwang lamang.
3
AP-K1-L4-A4

MAGAGAWA MO. . .
Natatalakay ang partisipasyon ng mga kababaihan sa rebolusyong Pilipino.

Simulan Natin!
(Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel para sa pagsasanay at pagtatasa.)
Gawain 1:

PANUTO: Batay sa nabasang aralin sa unahan, talakayin ang naging partisipasyon ng

mga kababaihan sa rebolusyong Pilipino sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga tanong na nasa graphic organizer.

Ano-ano ang mga ginampanan ng mga kababaihan sa rebolusyong

Pilipino?

Kaya Mo ‘To!
(Isulat ang iyong sagot sa kahong nakalaan sagutang papel para sa
Gawain 2: pagsasanay at pagtatasa.)

PANUTO: Masdan mong mabuti ang mga nakalarawan sa ibaba. Isulat sa katapat na
linya ang pangalan ng babaeng nakalagay rito, gayundin talakayin ang
kanilang mga nagawa o partisipasyon sa rebolusyong Pilipino.

Pangalan: ________________________________________
Mga Nagawa: ____________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________.
______________________________________________
4
AP-K1-L4-A4

Pangalan: _________________________________________
Mga Nagawa: _____________________________________
________________________________________________
________________________________________________.

TANDAAN MO. . .
Tulong-Kaalaman

➢ Isaisip na may mga kababaihang bayani sa panahon ng

rebolusyong Pilipino.
➢ Napakalaki ng ginampanang papel nina Melchora
Aquino, Gregoria de Jesus, Teresa Magbanua, Trinidad
Tecson, Agueda Kahabagan at iba pa noong panahon ng
himagsikan.
➢ Hindi man sila nabigyan nang parehong pagkakataon
kumpara sa mga kalalakihan, ngunit ipinakita nila ang
kanilang katapangan at kakayahan hindi lamang sa mga
gawaing pantahanan kundi maging sa kanilang papel na
ginampanan para makamit ang Kalayaan at
kapayapaang hinahangad.
➢ Kaya tayong mga Pilipino, karapat-dapat lamang na
bigyan natin sila ng ganap na pagpupugay sa mga
naiambag nila para sa ikatatagumpay ng pakikipaglaban.
5
AP-K1-L4-A4

NATUTUHAN KO. . .

Subukin natin kung kaya mo!

PANUTO: Basahin nang mabuti ang bawat aytem. Isulat ang TITIK ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang. Gamitin ang iyong sagutang papel.

____1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagtatalakay sa partisipasyon ni Melchora

Aquino sa rebolusyong Pilipino?
A. Nagmamay-ari siya ng tindahan kung saan nakarinig siya ng mga balita sa pang-
aaping ginawa ng mga Espanyol.
B. Siya ay nakipag-usap sa mga dayuhan upang matigil na ang labanan.
C. Sa kabila ng kanyang edad, tumulong siya sa pamamagitan ng pagbibigay ng
pagkain, pag-aaruga, pagkupkop at paggamot sa sugatang mga katipunero sa
kanilang tahanan.
D. Ang nag-iisang naitalang Henerala sa listahan ng mga Heneral ng Republika ng
Pilipinas na namuno sa isang kawan ng mga sundalo noong Mayo 1897.

____2. Ang mga sumusunod ay nagtatalakay sa mga pamamaraan ng pakikilahok ng mga

kababaihan sa rebolusyong Pilipino, MALIBAN sa isa. Alin dito?
A. Ang mga kababaihan ay tumulong sa mga katipunero sa pamamagitan ng pag-
aalaga sa mga rebolusyonaryo kapag sila ay nasusugatan o may karamdaman.
B. Sila ay nagsasayawan, nagkakantahan at nagsasaya upang hindi mahalata ng mga
gwardiya sibil.
C. Bukod sa pagiging katuwang ng mga katipunero sa pag-iingat ng mga papeles
ng Katipunan, sumama rin ang ilan sa mga aktwal na labanan.
D. Ang ilang mga kababaihan ay nakipagkaibigan sa mga sundalong Espanyol at ang
iba ay nagtago dahil sa takot.

____3. Paano nakilahok ang mga kababaihan sa rebolusyong Pilipino? Sila ay nakilahok sa
pamamagitan ng _____________.
A. pakikipaglaban at pagsama sa mga katipunero sa aktwal na labanan sa kabila ng
kanilang kasarian
B. pagtulong sa pag-aalaga at pagpapakain sa mga Katipunero, paggamot sa mga
may sakit
C. Pagsilbi bilang mamamahayag ng samahan at tagatahi ng bandila ng himagsikan
D. Lahat ng nabanggit

____4. Sa iyong palagay, ano ang dahilan ng pakikilahok ng mga kababaihan sa rebolusyong
Pilipino?
A. Nakilahok sila sa rebolusyonaryong Pilipino dahil sa labis din nilang pagmamahal
sa kalayaan
B. Sapagkat hinikayat silang sumali ng kanilang mga kaibigan, kapitbahay at mga
kamag-anak.
C. Nais nilang ipakita sa lahat ng mga mamamayan ang kanilang katapangan.
D. Dahil gusto nilang makipagkaibigan sa mga dayuhang Espanyol.
6
AP-K1-L4-A4

____5. Si Gregoria de Jesus ay isa sa mga kababaihan na may malaking papel na ginampanan
sa panahon ng rebolusyon. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagtatalakay sa
kanyang partisipasyon sa rebolusyong Pilipino?
A. Sa kabila ng kanyang edad, tumulong siya sa pamamagitan ng pagbibigay ng
pagkain, pag-aaruga, pagkupkop at paggamot sa sugatang mga katipunero sa
kanilang tahanan.
B. Ang babaeng bayani ng rebolusyong Pilipino na humawak ng armas at
nakipaglaban kasama ang kalalakihan at nakilala bilang “Ina ng Biak-na-Bato”.
C. Naging katuwang siya ng mga Katipunero sa pag-iingat ng mga papeles ng
Katipunan at sumama rin siya sa aktwal na labanan.
D. Dahil sa kanyang pakikisangkot sa digmaan sa Panay noong himagsikang Pilipino,
binansagan siyang “Joan of Arc ng Kabisayaan”.

Arlene B. Julian and Nestor S. Lontoc Bagong Lakbay ng lahing Pilipino

927 Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.,
2016, 65-66, 70-71.

Evelina M. Viloria et. al., Isang Bansa Isang Lahi. 1253 Gregorio Araneta Avenue,
Quezon City: Vibal Group, Inc., 2014, 226.

SANGGUNIAN Eric T. Alcos Activity Sheets in Araling Panlipunan. DepEd, Schools Division of
Abra: LRMDS, Cordillera Administrative Region, 2019, 10.

https://www.dreamstime.com/stock-illustration-philippines-boy-pointing-
finger-illustration-image60042620 (Clipart Boy)

https://www.dreamstime.com/one-happy-girl-big-smile-illustration-
image163982210 (Clipart Girl)

DISCLAIMER:

This learning resource contains copyright materials. The use of which has not been specifically
authorized by the copyright owner. We are making this learning resource in our efforts to provide printed
and e-copy learning resources available for the learners in reference to the learning continuity plan for this
division in this time of pandemic. This LR is produced and distributed locally without profit and will be used
for educational purposes only. No malicious infringement is intended by the writer. Credits and respect to
the original creator/owner of the materials found in this learning resource.

Inihanda ni:

EMILOU D. SALIGAN, MT-III

Sinunuc Elementary School
Ayala District
7
AP-K1-L4-A4

Sagutang Papel para sa Pagsasanay at Pagtatasa

Pangalan: _________________________________________________________________
Baitang at Seksiyon: _________________________ Petsa: __________________________
Paaralan: _________________________________________________________________

MAGAGAWA MO. . .
Natatalakay ang partisipasyon ng mga kababaihan sa rebolusyong Pilipino.

Simulan Natin! Gawain 1:

PANUTO: Batay sa araling nabasa sa unahan, talakayin ang naging partisipasyon ng

mga kababaihan sa Rebolusyong Pilipino sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga tanong na nasa graphic organizer.

Ano-ano ang mga ginampanan ng mga kababaihan sa

rebolusyong Pilipino?
8
AP-K1-L4-A4

Kaya Mo ‘To!

Gawain 2:

PANUTO: Masdan mong mabuti ang mga nakalarawan sa ibaba. Isulat sa katapat
na linya ang pangalan ng babaeng nakalagay rito, gayundin talakayin ang
kanilang mga nagawa o partisipasyon sa rebolusyong Pilipino.

Pangalan: _________________________________________
Mga Nagawa: ______________________________________
_________________________________________________

9
AP-K1-L4-A4

NATUTUHAN KO. . .
Subukin natin kung kaya mo!

PANUTO: Basahin nang mabuti ang bawat aytem. Isulat ang TITIK ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.

____1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagtatalakay sa partisipasyon ni Melchora

Aquino sa rebolusyong Pilipino?
A. Nagmamay-ari siya ng tindahan kung saan nakarinig siya ng mga balita sa pang-aaping
ginawa ng mga Espanyol.
B. Siya ay nakipag-usap sa mga dayuhan upang matigil na ang labanan.
C. Sa kabila ng kanyang edad, tumulong siya sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, pag-
aaruga, pagkupkop at paggamot sa sugatang mga katipunero sa kanilang tahanan.
D. Ang nag-iisang naitalang Henerala sa listahan ng mga Heneral ng Republika ng Pilipinas na
namuno sa isang kawan ng mga sundalo noong Mayo 1897.
____2. Ang mga sumusunod ay nagtatalakay sa mga pamamaraan ng pakikilahok ng mga
kababaihan sa rebolusyong Pilipino, MALIBAN sa isa. Alin dito?
A. Ang mga kababaihan ay tumulong sa mga katipunero sa pamamagitan ng pag-aalaga sa
mga rebolusyonaryo kapag sila ay nasusugatan o may karamdaman.
B. Sila ay nagsasayawan, nagkakantahan at nagsasaya upang hindi mahalata ng mga
gwardiya sibil.
C. Bukod sa pagiging katuwang ng mga katipunero sa pag-iingat ng mga papeles ng
Katipunan, sumama rin ang ilan sa mga aktwal na labanan.
D. Ang ilang mga kababaihan ay nakipagkaibigan sa mga sundalong Espanyol at ang iba ay
nagtago dahil sa takot.
____3. Paano nakilahok ang mga kababaihan sa rebolusyong Pilipino? Sila ay nakilahok sa
pamamagitan ng _____________.
A. pakikipaglaban at pagsama sa mga katipunero sa aktwal na labanan sa kabila ng kanilang
kasarian
B. pagtulong sa pag-aalaga at pagpapakain sa mga Katipunero, paggamot sa mga may sakit
C. pagsilbi bilang mamamahayag ng samahan at tagatahi ng bandila ng himagsikan
D. pagmamabutihan at paggamot sa mga maysakit at sugatang sundalong Espanyol.
____4. Sa iyong palagay, ano ang dahilan ng pakikilahok ng mga kababaihan sa rebolusyong
Pilipino?
A. Nakilahok sila sa rebolusyong Pilipino dahil sa labis din nilang pagmamahal sa kalayaan
B. Sapagkat hinikayat silang sumali ng kanilang mga kaibigan, kapitbahay at mga kamag-
anak.
C. Nais nilang ipakita sa lahat ng mga mamamayan ang kanilang katapangan.
D. Dahil gusto nilang makipagkaibigan sa mga dayuhang Espanyol.
____5. Si Gregoria de Jesus ay isa sa mga kababaihan na may malaking papel na ginampanan
sa panahon ng rebolusyon. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagtatalakay sa
kanyang partisipasyon sa rebolusyonaryong Pilipino?
A. Sa kabila ng kanyang edad, tumulong siya sa pamamagitan ng pagbibigay ng
pagkain, pag-aaruga, pagkupkop at paggamot sa sugatang mga katipunero sa
kanilang tahanan.
B. Ang babaeng bayani ng rebolusyong Pilipino na humawak ng armas at nakipaglaban
kasama ang kalalakihan at nakilala bilang “Ina ng Biak-na-Bato”.
C. Naging katuwang siya ng mga Katipunero sa pag-iingat ng mga papeles ng Katipunan at
sumama rin siya sa aktwal na labanan.
D. Dahil sa kanyang pakikisangkot sa digmaan sa Panay noong himagsikang Pilipino,
binansagan siyang “Joan of Arc ng Kabisayaan”.

You might also like