You are on page 1of 2

Abante, Babae.

"Babae ako, hindi babae lang."

Pamilyar hindi ba? Bakit hindi? Patuloy ang pagsulong ng mga kababaihan kasabay ng pag-
usbong ng mga kakayahang unti-unting nakilala sa buong mundo at nagsisilbing ehemplo at
inspirasyon sa karamihan. Ang henerasyon na ito ay unti-unti ng binabaklas ang kaisipang ang
babae ay isang palamuti lamang o di kaya ay upang magluwal ng sanggol sa lipunan. Ang mga
babae ay bukas na sa mga pantay na responsibilidad sa mga kalalakihan, minsan ay higit pa.

Buksan ang iyong mga mata at tahakin natin ang mga istorya sa likod ng mga katagang "Babae
ako, hindi babae lang".

● Melchora Aquino o mas kilala bilang "Tandang Sora" Isa sa mga pinaka kilala at tanyag
na babae sa ating kasaysayan. Kasapi ng mga rebolusyonaryo sa pagtataguyod ng
kanilang mga hangarin upang makalaya ang Pilipinas sa kamay ng mga dayuhan.
Tinaguriang "Ina ng Rebolusyon" bilang pagkilala sa kanyang natatanging kontribusyon
sa Katipunan.

● Ang pangalang Gabriela Silang ay nagrerepresenta ng kababaihan hindi bilang isang


haligi ng tahanan kundi isa sa mga lider ng lipunan. Sumisimbolo sa katapangan na
maaaring ipamalas ng mga kababaihan bilang isang lider ng isang independiyenteng
kilusan sa Ilocos laban sa mga Kastila.

● Sa pagusbong ng Ikalawang Pandaigdig na Digmaan ay siyang pagkilala kay


Magdalena Leones. Mula sa pagiging isang madre ay naging opisyal sa United States
Army Forces in the Philippines-Northern Luzon kung saan siya ay nagsilbing ahente na
tagapagdala ng mga importanteng datos at mga suplay sa medisina. Bukod pa rito, siya
rin ay naging espiya upang alamin ang mga barko ng kalaban, mga kapitan at ang mga
lulan ng mga barkong ito.
Ayon sa Philippine Veterans Affairs Office, isa si Leones sa patunay na ang mga
kababaihan ay may kakayahang depensahan ang Pilipinas laban sa pananakop at pang
aapi.

● Sa pagsiklab naman ng pananakop ng mga Hapon ay ang pag-usbong ng pangalang


"Kumander Liwayway". At ito ay pagmamay ari ng isang babae. Siya ay si Remedios
Gomez-Paraiso. Pinamunuan at napagtagumpayan ni Kumander Liwayway ang ilang
labanan laban sa mga Hapon.

Patuloy ang pagtamasa ng mga kababaihan ng pantay na karapatan sa mga kalalakihan dahil
sa patuloy ring pagtaguyod ng ilang personalidad upang maisakatuparan ito.

● Ang karapatan ng mga kababaihan na bumoto ay ating nakamit dahil sa mga


Encarnacion Alzona. Mula sa kanya ay ang mga artikulo na nagdidiin sa konserbatibong
mga batas sa Pilipinas na nagiging dahilan ng limitadong pakikilahok ng mga babae sa
pulitika at ang pag alis ng karapatang makaboto.

Taong 1937 nang payagan ang mga babaeng bumoto sa pamamagitan ng pambansang
plebisito na nilahukan ng 90 porsyento ng mga kababaihan na sumasang ayon na sila ay
makaboto upang makalahok sa mga politikal na aktibidad at mga isyu sa lipunan.

● Bagamat hindi tanyag katulad ng ibang babaeng Katipunera, kinilala si Agueda


Kahabagan o mas kilala bilang "Heneral Agueda" bilang kauna unahan at nag iisang
babaeng heneral ng rebolusyon.

Inilalarawan si Agueda bilang isang matapang na babae bitbit ang kanyang tabak at baril sa
pakikipaglaban sa mga Espanyol at Amerikano.

Sila ay iilan lamang sa mga nagpapatunay ng hindi matatawarang kontribusyon ng mga


kababaihan sa mga karapatan na tinatamasa natin ngayon. Na kasaysayan ang magkukuwento
ng mga natatanging kakayahan ng mga kababaihan.

Kabayanihan na kung maituturing ang magsilang ng sanggol at maging isang haligi ng tahanan.
Ngunit higit pa rito ay ang mga hindi mabilang na kakayahang maipapamalas nila.

Sapagkat sa likod ng mga maamong mukha at mahinhing karakter ay ang mas matapang na
mga desisyon at kakayahan.

"Babae ako, hindi babae lang".

Ang kababaihan ay gumagawa ng kasaysayan.

You might also like