You are on page 1of 1

BAITANG 9

Mga Babaeng Palaban

Sa kasaysayan ng Pilipinas maraming kababaihan ang kinilalang bayani kagaya nila


Melchora Aquino at Gabriela Silang. Ang pagtulong ni Melchora Aquino sa mga bayaning
nakipaglaban para sa kalayaan ng ating bansa noong panahon ng mga Espanyol, ngunit kaunti
lang ang kasinggaling ni Prinsesa Chitrangada sa pakikipaglaban sa digmaan. Isa na rito ang
Pilipinang bayani na si Gabriela Silang. Matapang siyang nakipaglaban sa mga Espanyol upang
ipagtanggol ang kasarinlan ng bansa.
Siya ang kauna-unahang babaeng namuno ng rebolusyon sa Pilipinas. Sa pangunguna
niya’y buong tapang na sinalakay ng mga gerilya ang mga mapagsamantalang dayuhan sa Ilocos.
At dahil dito’y lalong tumindi ang pagnanais ng mga Espanyol na patayin siya.
Hindi ito ang nagpahina ng loob ni Gabriela bagkus ay lalo pang sumidhi ang kanyang
katapangan. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman pinaghandaan sila ng mga kalaban. Nang
sinugod nilang muli ang mga kalaban, marami sa mga kasamahan niya ang nasawi. Ilang araw
bago sila magapi ay nahuli siya kasama ang iba pa niyang kasamahan at sila ay agad na
pinugutan ng ulo sa plasa ng Vigan, Ilocos Sur.
Sa kasalukuyan isang samahan ng kababaihan ang ipinangalan sa kanya. Ang layunin ng
GABRIELA ay upang ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan at ipakita ang kanilang
kalakasan. Dumadami ang mga kababaihang nagtatagumpay sa iba’t ibang larangang dati rati’y
mga lalaki lamang ang sumusubok, nabago ang tingin ng mga tao sa kababaihan. Pinatunayan
nilang hindi totoo ang de-kahong pananaw ng nakararami na ang mga babae ay ang mas
mahinang kasarian at sila’y pambahay lamang. Kitang-kita na ang kababaihan sa kasalukuyan ay
kayang ipakita ang pinakamagaling nilang katangian, ang malakas nilang pagkatao

You might also like