You are on page 1of 1

Ang Kagitingan ni Elias Magbanua

at ng mga Bayani ng Guintabuan


by Raffy L. Berina
_________________________________________________________________________

Si Elias Magbanua ay ang nakababatang kapatid ni Teresa Magbanua na kinikilala


bilang Joan of Arc ng Visayas. Si Elias Magbanua ay ipinanganak noong 1880, anak nina
Doña Alejandra Ferraris at Don Juan Magbanua, isang hukom sa Iloilo. Lumaki siya sa
Pototan kasama ang kanyang mga kapatid na sina Maria, Teresa, Paz, Manuel, at Pascual.

Noong Hulyo 1899, pinamunuan ni Elias ang mga Pilipinong sundalo mula sa Santa
Barbara, Iloilo. Sila'y naglayag patungo sa Manapla at tumungo sa San Isidro sa bayan ng
Saravia o mas kilala ngayon bilang E. B. Magalona.

Noong Agosto 19, 1899, ang grupo ni Elias Magbanua at ang kanilang mga kasama
mula sa isla ng Negros ay nagtipon sa Sitio Gintabuan upang maghanda para sa kanilang
labanan laban sa mga Amerikanong sundalo. Ngunit hindi nila alam na alam na pala ito ng
mga Amerikano matapos nilang makatanggap ng ulat na iniwan na ng mga Pulis mula sa
Silay at Talisay ang kanilang mga pwesto bitbit ang kanilang mga armas.

Isang Pilipinong nagngangalang Solitario ang umano'y binayaran ng 50 Mexican


Pesos upang tulungan ang pwersa ng mga Amerikano na marating ang Sitio Gintabuan.
Walang kamalay-malay ang grupo ni Kapitan Elias na sila'y natiktikan na pala ng kanilang
mga kalaban. Bagama't kulang sa sandata laban sa mga Amerikano, lumaban si Elias at
ang kanyang mga kasama hanggang sa abot ng kanilang makakaya.

Bagaman mahina sa sandata, puno naman ng pagmamahal sa bayan. Ibinuwis ni


Elias ang kanyang buhay sa pakikipaglaban para sa Kalayaan sa edad na 19. Ang
kagitingang ipinamalas ni Elias Magbanua sa murang edad ay hinahambing ng mga
historyador sa kabayanihan ni Gregorio del Pilar.

Ang Guintabuan ay isang salitang Hiligaynon na ang ibig sabihin ay "meeting place"
o tagpuan. Dito sa Sitio Guintabuan sa Bayan ng E. B. Magalona, itinayo ang isang
monumento ng isang sundalong nakasuot ng Katipunan Rayadillo Uniform na may hawak
na Pistola at Espada. Itinuturing ang Monumentong ito bilang National Shrine bilang
pagkilala sa kabayanihan ni Elias Magbanua at ng iba pang mga Pilipinong nagbuwis ng
buhay sa labanan sa Sitio Guintabuan.

Patuloy nating bigyan ng halaga ang kagitingan ng ating mga bayani. At sa bawat
pag-awit natin ng Lupang Hinirang, sana'y maisapuso natin ang kahulugan ng linyang, "Ang
mamatay nang dahil sa iyo."

You might also like