You are on page 1of 8

Ang

Partisipasyon ng
Kababaihan sa
Himagsikan
Mahalaga ang naging ambag ng kababaihan
sa himagsikang Pilipino. Ipinamalas din nila ang
kanilang katapangan at pagpupunyagi na
palayain ang bayan. Pinatutunayan nito na ang
pagmamahal sa bayan ay walang pinipiling
kasarian. Nasa talahanayan ang ilan sa
magigiting na kababaihan at kanilang ambag
sa himagsikan.
Agueda Kahabagan
Si Agueda Iniquinto Kahabagan ay kilala bilang si
"HeneralaAgueda".Siya ay nagmula sa bayan ng
Sta. Cruz, Laguna.Kinikilala si Henerala sa
kanyang katangi-tanging katapangan
Siya ay nakikitang nakadamit ng puti at may
dalang Gulok at Riple sa magkabilang kamay
habang nakikipaglaban

Si Henerala ay kinomisyon ni Heneral Miguel


Malvar upang pamunuan ang isang kawan ng mga
sundalo noong Mayo 1897. Siya ay isa sa mga
nanguna kasama si Heneral Artemio Ricarte sa
pagsalakay ng Garrison ng mga Espanyol sa San
Pablo, Laguna noong Oktubre 1897.

Pinaniniwalaan na si Heneral Pio del Pilar ang


nagrekomenda na mabigyang Titulo bilang
Honoraryang Henerala si Henerala Agueda. Siya
ang nag-iisang naitalang Henerala sa listahan ng
mga Heneral ng Republika ng Pilipinas. Natamo
niya ang ranggo noong Enero 4, 1899.
Gliceria Marella de Villavicencio
Binuksan ang
kanilang tahanan sa
Taal, Batangas para
sa pulong ng mga
rebolusyonaryo. Nag-
ambag ng salapi at
ng sasakyang
pandigma (SS
Bulusan) para sa
himagsikan
Gregoria Montoya
 Matagumpay na
nakidigma sa Labanan
sa Binakayan
· Namuno sa hukbo sa
labanan sa Noveleta,
Cavite
· Nagbuwis ng buhay sa
Labanan sa Dalahican
matapos tamaan ng bala
ng kanyon
Patrocinio Gamboa
 Nangalap ng mga
pagkain at armas para
sa mga rebolusyonaryo
· Ipinuslit ang bandila at
mga nobela ni Jose Rizal
sa gitna ng labanan sa
Santa Barbara, Iloilo
noong 1898
· Kasapi ng provinsional
revolutionary
government na itinatag
sa Jaro, Iloilo
Teresa Magbanua
Tinaguriang “Joan of
Arc” ng Kabisayaan
· Nanguna at nagwagi

sa mga labanan sa
Barrio Yating sa
Pilar, Capiz at sa
Burong ng Sapong sa
Sara, Iloilo
Trinidad Tecson
 Tinaguriang “Ina ng Biak-
na-Bato”
· Manggagamot sa
hukbong Pilipino
· Nakibahagi sa 12
labanang pinamunuan
ng limang Pilipinong
heneral

You might also like