You are on page 1of 2

MGA KABABAIHAN

KONTRIBUSYON
Sa pakikipaglaban para sa kalayaan, hindi lamang kalalakihan ang maituturing na
mga bayani. Ang mga Pilipina ay nagpakita rin ng sariling pamamaraan upang
makamit ang kalayaan mula sa kamay ng mga mananakop.

PANAHON NG MGA ESPANYOL

💡 Ang kanilang pakikilahok ay animo’y pagpapatuloy na nasimulan na Logia


de Adopcion, ang kauna-unahang masoneriya para sa kababaihan sa
Pilipinas. Pinamunuan ito ni Rosario Villaruel. Kabilang dito ang mga
kapatid ni Jose Rizal na sina Trinidad at Josefa. Bilang maybahay ni
Andres Bonifacio, kinilalang “Lakambini ng Katipunan” si Gregoria de
Jesus. Kabilang sa mga unang kasapi ng Katipunan sina Josefa Mercado,
Marina Dizon, at Angelica Lopez ang mga itinuturing na unang
kababaihang kasapi ng Katipunan.

Ipinagkatiwala rin sa kababaihan lalong-lalo na kay “Oryang”, palaway ni De Jesus


ang mahalagang dokumento ng kilusan at ito ay nagamapanan niya nang buong
husay.
Nang sumiklab ang himagsikan, ang kababaihan ang nangalaga sa mga
katipunerong maysakit at nasugatan. Pinakatanyag sa kanila si Melchora Aquino, na
mas kilala bilang “Tandang Sara”. Binuksan niya ang kanyang tahanan upang
arugain ang mga Katipunerong sugatan.
Dahil dito ay itinawag siyang “ Ina ng Katipunan”. Dahil dito, siya ay hinuli ng mga
Espanyol at ipinatapon sa Guam.
Ang maybahay ni Emilio Aguinaldo na si Hilaria Aguinaldo, ang boluntaryong nars
para sa mga sundalo na si Cresencia Sanchez at ang nars na si Trinidad Tecson ay
ilan sa mga kilalang nangalaga ng mga may sakit at sugatang Katipunero. Si Tecson
ay nakilala bilang “Ina ng Biak-na-Bato”. Nakilahok din siya sa mga labanan sa
Bulacan at Nueva Ecija.

MGA KABABAIHAN 1
BUKOD KAY TRINIDAD TECSON, NARITO PA ANG ILANG
KABABAIHANG HUMAWAK NG ARMAS PARA SA BAYAN:
1. AGUEDA KAHABANGAN - Sinasabing natamo siya ang titulong “Henerala” hindi
lamang dahil sa kanyang asawa kundi dahil sa kanyang
pakikipaglaban sa mga Espanyol sa San Pablo, Laguna.

2. SALOME SIAPOCO - Siya ay kasama ni Tecson na lumaban sa Nueva Ecija sa


ilalim ng pamumuno ni Heneral Mariano Llanera: hinuli siya sa San Isidoro,
Nueva Ecija.

3. TERESA MAGBANUA - Nagmula siya sa Iloilo at nakilala bilang “Joan of Arc” ng


Pilipinas dahil sa kanyang husay sa pakikipaglaban.

LARANG NG PAGGAWA
Sa pagbubukas ng ika-19 na siglo, maraming hanapbuhay ang lubos na
nakadepende sa kababaihang manggagawa, lalo na sa industriya ng paggawa. Dito
naipakita ng kababaihan ang kanilang husay sa paggawa pati mapagpaumanhin, at
pag-iwas sa paggawa ng katiwalian. Magagaling ang mga Pilipina sa paghahabi
gamit ang iba’t-ibang uri ng hibla — gaya ng abaka, piña, seda, at bulak — na mga
pangunahing materyal sa paggawa ng iba’t ibang tela.

PANAHON NG AMERIKANO
Sa pagdating ng mga Amerikano ay naipagpatuloy ng kababaihan ang kanilang
pagpupunyagi sa larang ng paggawa. Noong una ay itinuring lamang na libangan ay
paghahabi, subalit sa kalauna’y naging matagumpay na negosyo na ito sapagkat
pinagkakakitaan ng kababaihan ang pagtitinda nito sa mga pampublikang pamilihan.
Ang pagbuburda ay isa pang gawaing kinakikitaan ng husay ng kababaihan. Ito ang
naging pangunahing produktong iniluluwas noong 1921. Ang halaga ng mga iniluwas
ay umabot sa labinlimang milyong piso. Samantala, ang mga iniluwas namang
sombrero ay nagkahalaga ng halos isa’t kalahating milyon. Dahil dito, naipakita ng
kababaihan ang ambag nila sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

MGA KABABAIHAN 2

You might also like