You are on page 1of 1

A.

P Week 7
Kababaihan sa Pilipinas

Pagkilala sa ating kasaysayan na binigyan kulay ng ating mga


karakter na kababaihan. Sikil ang kalayaan ng ilang kababaihan sa
ilang bahagi ng Asya ngunit sa Pilipinas mga kababaihan ay may
kakayahang kumilos ng malaya at gawin ang nais tulad
ng,pakikipagkalakalan,maging pinuno ng baranggay ,mangagamot at
maging pakikibaka ay hindi pinalagpas. Taong 1565 pagdating ng
mga Espanyol nagsimulang malimitahan ang galaw ng
kababaihan,ipinagbawal sa kanila ang nakasanayang gawaing
nabanggit sa itaas na bahagi.Iniukit na ang tunay na katangian ng
isang babae ay mahinhin at maalam sa gawaing pantahanan. Unti-
unting nabigyan ng pagkakataon makapag-aral ang kababaihan sa
huling taon ng rehimen ng mga Espanyol sapagkat iginiit nila ang
kanilang karapatan.Nagkaroon din ng mahalagang papel ang ilang
kababaihan sa panahon ng pag-aalsa tulad nila Melchora Aquino at
Gabriela Silang. Higit na nabigyan ng pagkakataon mapaunlad ang
mga kababaihan sa panahon ng Amerikano. Marami naging
propesyunal na Pilipina.

You might also like