You are on page 1of 1

Isang mapagpalang araw po sa ating lahat.

Ako po ay si Precious Sofia Magboo at ako ay naatasan ng


isang napakahalagang responsibilidad na ibigay ang Gawad Katapangan para sa Kababaihan para sa
isang babae na nagpamalas ng kawalang takot kahit pa sa harap ng kaaway . Lubos po akong nagagalak
na ako ang nabigyan ng pagkakataong ito dahil ang taong akin pong ipapakilala ay isang taong lubhang
kahanga-hanga.

Ang babae pong ito ay kilala ng halos lahat ng mga Pilipino, subalit nang dahil sa kasarian ay
hindi masyadong nabibigyan ng lubos na pansin. Siya ay ipinanganak noong taong isalang libo,
pitong raan, tatlompu’t isa sa Caniogan, Santa Ilocos. Ang kanyang ama ay si Anselmo Carino at
ang kanyang ina ay si Dominga de los Santos. Ang babaeng ito ay lumaki na isang Katolikong
Kristiyano at naninilbihan sa simbahan. Ang kanyang ina ay isang Tinguian, isang tribo sa Ilocos
at kalahi ng mga Igorot. Bagamat may dugong Espanyol, pinili niya na isabuhay ang pagiging
isang Igorot at lumaking may pagpapahalaga sa kanilang kultura. Siya ay isang masayahin at
intelihenteng babae na lumaking matapang at may pinaglalaban. Ang tao pong ito ay ang
nagpaibig sa isa rin namang matapang at matipunong lalaki na kilala natin bilang Diego Silang. Si
Diego, kasama ang kanyang asawa, ay buong loob na pinamunuan ang grupo ng mga Igorot para
sa kanilang ipinaglalaban na Kalayaan. Nang mamatay si Diego Silang, ang kahanga-hangang
babaeng ito ang siyang pumalit bilang pinuno ng kanilang reblusyonaryong grupo. Kilala siya
bilang ang babaeng nakasakay sa kabayo at may dalang itak.

Kilala niyo na po ba ang tinutukoy ko? Siyang-siya nga po! Ang babaeng ating pagkakalooban ng Gawad
Katapangan para sa Kababaihan ay walang iba kung hindi si Maria Josefa Gabriela Carino Silang, isang
babaeng kahanga-hanga. Ang karangalang ito para kay Gabriela Silang ay dadalhin sa Pambansang
Museo upang makita ng lahat ng mga Pilipino. Ang kanyang naging laban para sa Kalayaan at liberasyon
ng Bansang Pilipinas ay isang patunay na kailanman ay hindi hadlang ang pagiging babae upang
ipaglaban ay ating minamahal na bayan. Tunay nga na ang Kababaihan tulad ni Gabriela Silang, ay
“Babae”, at hindi “Babae Lang”.

You might also like