You are on page 1of 7

Ako si MELCHORA AQUINO kilala sa tawag na TANDANG SORA. Ako ay tinaguriang Ina ng katipunan.

Hindi ako binigyan ng


pagkakataon na makapasok sa paaralan, ganon pa man, ako’y pinagkalooban ng panlabas at panloob na kagandahan kaya’t ako ang
palaging pinipili na maging Reyna Elena sa aming baryo. Marami akong manliligaw ngunit maaga akong nabyuda. Ako ay ipinatapon
sa Marianas ng malaman ng mga Espanyol na tinutulungan ko ang mga katipunero. Ako ay nagmistulang pulubi dahil wala ng natira
sa aking ari-arian matapos agawin ng mga espanyol.

Ako nga pala si Gabriela Silang, umibig sa isang makisig at makabayang binata na si Diego Silang. Nakaranas ng delubyo ang Ilocos
na kung saan ang mga espanyol ay naghari-harian at inaabuso ang mga magsasaka. Pilit nilang pinagtatrabaho at sinisingil ng
malalaking buwis. Kaya’t nagdesisyon ang aking asawa na si Diego Silang na mamuno sa pag-aalsa…..At ako, ako na babae ay
tumulong sa kanya sa lahat ng laban niya. Ngunit siya ay pinatay ng mga Espanyol. Ako ang nagpatuloy ng kanyang laban. Gumising
ako sa kakaibang katauhan, babaeng pinuno ng himagsikan.

Ako Si Gregoria De Jesus, Bise presidente ng kababaihan ng katipunan! Kartilya ng katipunan ang buhay na hindi itinalaga sa isang
dakilang adhikain ay punong kahoy na walang lihim. Ano? May paparating na guwardiyang sibil? Magtago kayo.. bilisan niyo! Tao
po, tao po, parang awa niyo na gusto ko lang magkaroon ng pansamantalang matutuluyan! Parang awa niyo na ? Papatayin ako ng
mga espanyol kapag nalaman nila tungkol sa katipunan? Andres, parehas tayong hinahanap ng mga kastila sa ngayon. Mag-ingat ka
Andres.. Mahal na mahal kita… Lalaban tayo para sa kalayaan!

Ako si TERESA MAGBANUA Isinusu-ong kahit anong hirap para lang makamit ang aking pangarap. Aking tinuruan ang aking mga
kasama na gumamit ng mga sandata. Ako ay isinilang sa Pototan, Iloilo at madalas na tawagin na Nay Isa. Ako ay mahilig sa
paglalangoy, umakyat sa mga puno at mahilig sumakay sa mga kabayo at kalabaw. Pinag-aral ako ng pitong taon sa Colegio De San
Jose sa Iloilo at Colegio de Santa Catalina sa Maynila. Ako ay nagtapos ng Edukasyon at naging guro pagbalik sa ILOILO.

Ako si Patrocinio Gamboa, tinawag na “Bayani ng Jaro, Ilo-Ilo”. Ako ay nagmula sa isang mariwasang pamilya, nag-aral sa mga
pribadong guro, kinikilálang relihiyosa ngunit may malayàng pag-iisip. “Tiya Patron” ang palayaw nila sa akin. Sinubaybayan ko ang
mga sinusulat ng mga Propagandista at binása ang mga nobela ni Rizal.
Pangalan
Mga Katangian
Nagawa sa Bayan

You might also like