You are on page 1of 1

1. How or what is the life of Filipino’s during the reign of Spaniards?

Ang buhay ng mga Pilipino noon sa mga kamay ng mga Espanyol ay napakahirap. Ang mga
Pilipino ay naabuso, namaltrato at pinagmamalupitan. Ang mga lalaki ay pinagtatrabaho ng
walang tigil at walang pahinga. Sapilitan po nilang pinagtrabaho ang mga kalalakihang 16 –
60 taong gulang na maglingkod sa pamahalaan sa loob ng 40 araw sa isang taon. Ito yung
tinatawag nila na polo y serbicio na sapilitan ring pinairal.  Sila ay gumagawa ng mga
istruktura kagaya ng mga daan, tulay, gusali, simbahan nang walang pahinga at tuluy-tuloy.
Ang mga kalalakihang miyembro ng mga may-kayang pamilya ay hinahayaang magbayad ng
multa o “falla” upang makaiwas sila sa paglahok sa “polo y servicio”. Binibili rin ng
pamahalaan ang mga ani ng mga magsasaka sa murang halaga o kaya inuutang pa ang
produkto na madalas ay hindi na rin nababayaran. Ang mga babae noon sa panahon ng
Espanyol  nasa loob lamang ng tahanan. Ang kanilang tradisyunal na gampanin ay para sa
tahanan lamang. Sila ay sinasanay na maging mabuting ina at asawa, at hindi nila
kinakailangang mag-aral. Ngunit sadyang may mga Espanyol ang malupit, inaabuso at
ginagawa nilang parausan ang mga kababaihan noon.

2. What or where the challenges that Rizal had to face in his fight with the Spaniards?
Simula pagkabata pa lamang si Rizal hanggang sya ay lumaki ay nakaranas na ng
diskriminasyon at walang katarungan ang kanyang pamilya sa kamay ng mga Espanyol. Mula
sa kanyang mga kaklase na madalas sya ay pinagtatawanan hanggang sa kanyang ina na
nakulong dahil sa maling paratang. Sa ibang mga Pilipino na nakikita nyang naaubuso at
namamaltrato. Ito ang nag-udyok kay Rizal upang isulat ang kanyang 2 noble na “Noli Me
Tangere” at “El Filibusterismo” na naglalaman ng kalupitan ng mga Espanyol noon. Ngunit
nagalit ang mga kastila sa kanya dahil ito din ang sanhi kung bakit lumalakas na ang
paghihimagsik ng mga Pilipino noon. Gumawa ng masasamang kwento ang mga Kastila
tungkol kay Rizal at siya rin ay pinakulong sa Fort Santiago sa kadahilanang hindi pagsunod
sa mga pari. Pag katapos ipinatapon pa siya sa Dapitan. Sa takot ng mga kastila na si Rizal ay
may gawin ulit laban sa kanila, si Rizal ay pinahuli at pinakulong muli. Kahit pa malinaw na si
Rizal ay hindi kasama sa paghihimagsikan, sya ay pinatangan pa rin ng kamatayan.

3. What made Rizal the National Hero?


Si Jose Rizal ang tinaguriang pambansang bayani ng Pilipinas sapagkat siya ay isa sa naging
dahilan upang mabuksan ang isipan ang mga mamamayang Pilipino na mag-alsa at lumaban
sa mga Kastila para sa kalayaan o kapayapaan ng Pilipinas. Ngunit hindi sa pamamagitan ng
dahas niya ipinakita ang kanyang layuning ito kundi ginamit niya ang kanyang talino at
panulat upang maging susi para maliwanagan ang kanyang mga kababayan na panahon na
upang makuha at kunin natin ang kasarinlan na matagal ng nawala sa atin. Siya ay lumaban
sa mapayapa at hindi madugong paraan,pinagkaisa ang mga Pilipino gamit lamang kanyang
mga likha at akda, at nagbuwis ng kanyang buhay para sa bayan.

4. What can we learn from Jose Rizal?


Ang aral na makukuha natin sa buhay ni Dr. Jose Rizal:
- kahit na mag-isa ka lang, kaya mong tumulong sa mga taong inaabuso o hindi
ipinagtatrato ng maayos. 
- kahit na isa ka lang, puwede mong baguhin ang bansa mo.
At higit sa lahat, hindi lahat ng oras ay dahas ang sagot. Sabi nga nila, “Mas
makapangyarihan ang mabuting salita kaysa sa mapusok na paggawa”

You might also like