You are on page 1of 1

ANDRES BONIFACIO

Si Andres Bonifacio ang "Supremo" ng Katipunan. Si Bonifacio at iba pang makabayang


Pilipino ang nagtatag ng ng samahang tinawag na "Kataastaasang Kagalanggalang na Katipunan
ng mga Anak ng Bayan" o Katipunan. Layunin ng Katipunan na maghimagsik laban sa Espanya
at palayain ang bansang Pilipinas. Pinaglingkuran niya ang bansang Pilipinas. Dahi din sa kanya
nagkaisa at nagbikis ang samabyang Pilipino upang maghimagsik sa Espanyol para palayain ang
Pilipinas. Ipinaglaban niya ang kalayaan nating mga Pilipino sa pamamagitan ng himagsikan

Noong bata pa ako, natutunan ko sa Hekasi ang tungkol sa kadakilaan ng ating mga
Bayani: narinig ko ang ukol sa katalinuhan at kasipagan ni Jose Rizal; nabasa ko ang tungkol sa
pagmamahal at pagsasakripisyo ni Melchora Aquino; at syempre, natuklasan ko ang katapangan
at kabayanihan ni Andres Bonifacio. Sa pagtalakay ng kasaysayan, aking nabatid na ang mga
suliranin ng ating mga bayani noon ay hinaharap pa rin natin hanggag ngayon. Aking nabatid na
ang kalupitan ng mga gwardya sibil, ang katiwalian ng mga prayle, at ang kahirapan ng mga
indio ay laganap pa rin sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, nakkiita ko si Andres Bonifacio sa mga
araw-araw na naglalakad mula bahay hanggang paaralan dahil sa kakulangan ng pamasahe; sa
mga buong-pusong nangangampanya para sa kanilang mga paninindigan; at sa mga walang-takot
na nakikipaglaban at nakikibaka para sa kanilang mga prinsipyo’t adhikain.

Sa mga sakripisyo na ginagawa natin hanggang ngayon, napapatunayan natin sa atng mga
sarili at sa mga taong nasa paligid natin na magagawa natin ang lahat ng ito, na tayo ay may
kakayahang maging bayani. Now, whether or not we do become heroes is up to us. Ang
pagiging isang bayani ay maaaring maging isang bagay na pinili, ngunit ito ay isang pagpipilian
na kailangan nating gawin araw-araw. Kahit na mapatid pa tayo, malaglag sa kalupitan ng
mundo, at masugat-sugatan ang ating idealismo, hindi tayo susuko. ‘Pag tayo’y natisod sa gitna
ng daan, bumangon tayo muli. Balikan natin ang mga ehemplong ipinakita ng ating mga Bayani
sa mga buhay nilang puno ng tapat na paglilingkod at maalab na pagmamahal sa bayan.
Lumingon tayo sa ating pinanggalingan at piliin muli natin ang daan tungo sa kabayanihan.

You might also like