You are on page 1of 2

AKO AY FILIPINO

Ako ay Filipino

Ang dugo na nananalantay

Sa aking mga ugat

Ay dugo ni Lapu-Lapu

Na pumatay kay Ferdinand Magellan

Na Lider ng mga dayuhan na umalipin sa ating bayan.

Ako ay Filipino

Pinagbunye ko si Emilio Aguinaldo na

naging Presidente ng Pilipinas

at unang pumunit sa kanyang sedula

upang ipabatid sa mga dayuhan

na tanging mga Filipino, ay hindi kailanman

maging estranghero sa sariling bayan.

Ako ay Filipino

Ini-idolo ko si Andres Bonifacio

Na naging leader ng himagsikan

Nagbuwis ng kanyang buhay para sa ating bayan na may dangal,

Sariling wika at kalayaan.


Ako ay Pilipino

Pinupuri ko si dating Presidente

Manuel Quezon

Na nag utos na mahalin

ang sariling wika

na ipagtanggol ang ating karapatan

Igalang ang ating bandila, na

Naging sagisag ng ating kalayaan.

Kaming mga kabataan ay pag-asa

ng ating bayan,

Sa ating mga kamay ay nakasalalay ang ating kinabukasan

Tuparin ang ating mga tungkulin.

Itaguyod an gating karapatan,

At mahalin ang sariling

wika, Ngayon at kailanman.

You might also like