You are on page 1of 1

Ang Aking Reaksyon sa Nobelang "Noli Me Tangere"

Sumulat ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ng isang nobelang nais
ipabatid kung anong uri ng lipunan mayroon ang Pilipinas at ang mga sinapit ng mga Pilipino
sa pagmamalupit ng mga Kastila na pinamagatang "Noli Me Tangere". Ito ay galing sa
salitang Latin na ang kahalugan sa Tagalog ay "Huwag mo akong Salingin" at "Touch me
Not" sa Ingles. Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng mga
tao. Itong nobelang ito ay isinulat ni Rizal na naglalarawan sa nangyari sa ating lipunan
noong sinakop tayo ng mga dayuhan at kung ano ang mga problema at suliranin ng ating
bansang Pilipinas.

You might also like