You are on page 1of 1

1.

Sosyolohiko

Ang tulang isinulat ni Andres Bonifacio na may titulong “ Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ay naglalahad

ng hindi pantay na katayuaan ng mga mamamayan noon pa mang panahon ng mga Kastila. Sa isang saknong na

ito ,“Ang nangakaraang panahon ng aliw, ang inaasahang araw na daratingng pagka-timawa ng mga alipin, liban

pa ba sa bayan tatanghalin?”, ay mababatid natin kung gaano hinangad ng mga nasa ibaba o tinatawag na mga

alipin na umangat ang kanilang pamumuhay bilang mga mamamayang malaya na kung tawagin noon na timawa.

Isa pang halimbawa ay ang pag tawag sa atin ng mga Kastila na Indio. Ito ay tila pang-aalipusta sa ating lahi na

nangangahulungan utusan laman o alipin. Makikita sa tula ang paghihirap na nararanasan ng mga alipin na

kasalungat sa maayos na pamumuhay ng nasa taas. Ang ganitong sitwasyon ay patuloy pa rin nating nararanasan

dahil hindi na naalis sa sistema natin ang klasipikasyon sa lipunan.

Sa kabilang dako ay makikita rin natin sa tula ang kadakilaan ng mga Pilipinong lumaban para sa ating

kalayan. Ang pagmamahal nila sa sariling bayan ang nag-udyok sa kanila na ibuwis ang kanilang buhay upang

makalaya sa mga mananakop. Ang kadakilaang ito ay kailangan nating ipagmalaki at bigyang importansya dahil

sila ang dahilan ng kalayaang ating nararanasan. Ang saknong na ito na nagsasabing,”Pati na’ng magdusa’t

sampung kamatayan, wari ay masarap kung dahil sa Bayan at lalong maghirap. O! himalang bagay, lalong pag-

irog pa ang sa kanya’y alay”, ay nagpapakita ng lubos na pagmamahal ng ating mga bayan na nag resulta ng

rebulosyon noong unang panahon.

2.Humanismo

Isa sa mga mabubuting katagian na nais ituro sa atin ni Andres Bonifacio sa kanyang tula na

pinamagatang “ Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ay ang pagiging matapang at pagtayo sa sariling paninindigan.

Ipinakita sa tula kung paano umusbong ang pagmamahal sa bayan ng mga Pilipino na nagdulot ng

pakikipaglaban sa mga Kastila. Nalinang rin ang kaalaman sa pag-susulat at paggawa ng mga akdang pumukaw sa

puso at isip ng mga Pilipino. Dahil sa mga babasahin at lathain na pinaghirapang gawin ng mga matatapang na

awtor, ay nabuhay ang pagka Pilipino ng marami sa kanila at nag desisyong lumaban at ibuwis ang kanilang

buhay. Higit pa dito, nabuhay ang pagkakaisa at kooperasyon ng mga Pilipino na gumawa ng paraan upang

makalaya sa mga nananakop. Nais ni Bonifacio na ilaan lamang nila ang kanilang lakas sa paggawa ng kabutihan

para sa ating bayan at huwag gumamit ng dahas para sa sariling kagustuhan.

Ang bawat taludtud sa tula ay nagbigay lakas sa mga pilipino na lumaban at mas mahalin pa ang sariling

bansa. Ang mga kabutihang dulot nito sa mga nagbabasa ay ang dahilan kung bakit lubos na nakilala ang nasabing

tula. Ito ay puno ng mga aral at mga salitang nagpatibay ng ating pagkamakabayan.

You might also like