You are on page 1of 3

Fallen 44, isinabuhay na Mistah?

'Higit dalawang dekada mula noon, ilang taon pa bang didiligin ng dugo ang lupa ng Mindanao?'
Sanay tayong isinasapelikula ang buhay ng isang tao. Pero sa nangyari sa 44 na miyembro
ng Special Action Forces of the Philippine National Police (PNP-SAF), hindi ko maiwasang isipin
na naisabuhay ang ilang eksena sa pelikulang Mistah. 1994 noong unang ipalabas ang pelikula
na pinagbibidahan ni Robin Padilla at ng kanyang mga kapatid. Ipinakikita ng pelikula ang
buhay at sakripisyo ng ating mga sundalo sa Mindanao.
Kung paanong pilit nilang inaaliw ang kanilang mga sarili sa kabila ng pangungulila sa pamilya
at araw-araw na pangambang anumang oras ay maaaring magwakas ang kanilang buhay sa
labanan. Sabi sa pelikula ay dito wala kang pamilya. Tayu-tayo ang pamilya dito.
Kuwento noon
Elementary pa lang kami noon noong una namin itong napanood kasama ng mga kapatid at
pinsan ko. Isa iyon sa mga paborito naming pelikula na pinapaulit-ulit namin. Dati, ang reaksiyon
ko ay normal sa isang bata na namamangha sa astig na fighting scenes. Pero noong pinanood
namin ito ulit noong nakaraang linggo lamang ay panay na ang iyak ko habang nanonood.
Madalas kong matanong sa sarili ko, ganito ba ang kinasapitan ng Fallen44?
Policemen close the highway leading to Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao on January
25, 2015.
Sa climax ng pelikula, may Cease Fire Order noon dahil kasalukuyang nagaganap ang peace
talks sa pagitan ng pamahalaan at grupo ng mga rebeldeng Muslim kaya ang mga sundalo ay
kampante sa kanilang kampo. Ngunit isang araw ay bigla na lamang sinugod ng mga rebeldeng
Muslim ang kanilang kampo. Hindi bat ang tanong ng bayan ngayon ay bakit nangyari ang
ganoon sa Fallen44 gayong kasalukuyang isinusulong ang Bangsamoro Law noong naganap
ang enkwentro sa Mamasapano?
Sa kabila ng pagkabigla ng mga sundalo sa pelikula, buong tapang at alerto silang lumaban.
Subalit kahit anong gawin nilang laban ay dehado sila sa dami ng kalabang Muslim na tila hindi
nauubos. Kung may maitumba man silang isang grupo ay may paparating na namang isang

pulutong ng mga Muslim na susugod. Naisip ko, ganito rin ba naging kadehado ang ating
Fallen 44 kaya kahit anong pilit nilang lumaban ay natapos rin ang kanilang buhay?
Mga buhay na nawala
Sa pagtatapos ng labanan sa pelikula, limang sundalo na lamang ang natirang buhay at handa
silang lumaban ng itak sa itak na lamang kahit daan-daang Muslim pang natitira ang kanilang
haharapin.
Matapang na nilang haharapin ang kamatayan dahil sabi nga ng bidang si Cari, mainam na
yung namatay kang lumalaban. Ngunit bago pa magpang-abot ang dalawang panig ay
dumating na ang reinforcement ng mga sundalo kaya nasagip ang buhay ng limang natira.
Buti pa sa pelikulang Mistah may dumating na reinforcement. Nakakadurog ng puso na sa ating
mga pulis, help never arrived ika nga ni Director Getulio Napeas.
Sa pagtatapos ng pelikula ay ang monologue ni Cari:

HOME. Police officers carry the remains of Sr Insp Ryan Pabalinas upon arrival at the General
Santos City airport, January 31, 2014. Photo by Edwin Espejo
Napakaraming buhay ang nawala dahil sa digmaang walang kabuluhan. Kristiyano, Muslim,
Pilipino laban sa kapwa Pilipino. Si Malik, si tinyente, ako, buhay. Pero para sa amin kami ang
nangamatay dahil habang kamiy nabubuhay ang ala-ala ng malagim na labanan ay mananatili
sa aming pusot isipan. At silang mga nasawi, silang mga nangamatay, sila ang buhay dahil
para sa kanila ang digmaang ito ay matagal ng tapos.
Paano ngayon dadalhin ng lone survivor ng engkwentro sa Mamasapano, Maguindano at alaala ng malagim na labanan na humantong sa brutal na kasawian ng kaniyang 44 na
kasamahan?
Kung kayo ang tatanungin, sino nga ba ang biktima?Ang mga namatay o ang mga naiwan
nilang hanggang sa ngayon, hanggang sa kasalukuyan, ay patuloy na pinagdurusahan ang
kalupitan at kalagiman ng digmaan," dagdag ng karakter ni Cari.

Kuwento hanggang ngayon


Ang simpatya at pakikiramay ng sambayanan sa pamilya ng #Fallen44, kahit paano, ay
nakatulong upang maibsan ang bigat ng kalooban na kanilang dinadala.
Ngunit ang tunay na pagharap nila sa pangungulila ay pagkatapos ng lahat ng seremonyas.
Wala ang pisikal na presensiya ng mga taong nais makiramay dahil umuwi na din sa kanikanilang bahay.
Ang mga naulila ng #Fallen44 ay umuwi din sa kanilang mga bahay ng sila na lang. Wala na
ang asawa, ama, kapatid o anak na dati ay hinihintay na bumalik galing sa trabaho o misyon.
Nakakadurog ng puso isipin na kahit gaano katagal sila maghintay hindi na babalik ang mahal
nila sa buhay. Nasa panghabang buhay na misyon na sa kabilang buhay.
Ang pelikulang Mistah ay alay sa mga kawal na Kristiyano at mandirigmang Muslim na
nagbuwis ng buhay sa Mindanao. Panalangin na mamayani ang pagpapahalaga sa buhay

You might also like