You are on page 1of 6

Book Report

Pamagat: Kamagong

Awtor: Carlo J. Caparas

Dyanra: Drama, Aksyon, Pakikipagsapalaran

Tagpuan: sa Maynila at Burol sa Malabon

Tauhan: Manuel, Ariel, Lorenzo, Emilio, at Tata Sotero

BALANGKAS:

a.) Pangunahing Pangyayari

- Sa burol ng Malabon ay may dalawang lalaki na nagngangalang Lorenzo at Emilio na


maglalaban ng maginoo. Ito ay labanan gamit ang Arnis na gawa sa puno ng Rattan. Si
Tata Sotero ang nagsilbing tagahatol at nagbigay ng panuto na sila’y maglalaban ng
maginoong mandirigma ng Arnis at hindi dapat manaig ang init ng dugo, poot ng dibdib,
at mapapatunayan lang na panalo kung sino ang maunang magbitaw ng Arnis.
Nagsimula na ang laban at parehas silang nagpapalitan ng hampas ngunit sa
pandaraya ni Lorenzo ay napatay n’ya si Emilio at nagdiretso ang bangkay pababa ng
burol, agad namang lumapit si Ariel ang nakababatang kapatid ni Emilio para tulungan
ito. Sa sobrang sama ng loob ni Ariel ay hindi n’ya matanggap ang pagkamatay ng
kapatid n’ya ngunit pinigilan ito ng kaibigan ng kanyang kuya na si Manuel na magtanim
ng sama ng loob, kaya naman s’ya ay nag-ensayo kung paano lumaban gamit ang
Arnis upang mapaghiganti ang kuya n’ya kay Lorenzo at gusto n’yang makuha ang
Kamagong na pagmamay-ari ni Tata Sotero. Tinuruan ni Tata Sotero at Manuel si
Ariel kung paano gumamit ng Arnis at habang lumilipas ang araw ay unti-unting
natututo si Ariel kung paano ang tamang paggamit nito.
b.) Pasidhi o Pataas na Pangyayari

- Isang araw, habang nag-eensayo si Ariel kasama si Tata Sotero ay may lumapit na
matanda at inalok kung 2aling2 pumunta sa Maynila upang lumahok sa labanan ng
Arnis at ang magiging katunggali ay si Lorenzo. Dahil sa 2aling2 maipaghiganti ni Ariel
ang yumaong kapatid ay agad n’yang tinanggap ang alok ng matanda kahit na
pinagsabihan ni Tata Sotero na kulang pa ang kanyang karanasan sa Arnis.
Kinabukasan ay nagtangkang kunin ni Ariel ang Kamagong na Arnis ngunit nahuli s’ya
ni Tata Sotero at Manuel, kaya’t agad pinigilan nila si Ariel na lumuwas ng Maynila. Sa
kasamaang palad, ay tumanggi si Ariel na umatras at bago umalis ay naibalik ang
Kamagong na Arnis kay Tata Sotero dahil kinuha ni Manuel ang Kamagong sa kanyang
mga kamay. Hindi naman naging hadlang kay Ariel ang pagkawala ng Kamagong na
Arnis sa kanya at pagkatapos ay dalos-dalos s’yang pumunta sa kanyang sundo at
pumunta na s’yang Maynila. Kahit na masama ang loob ni Manuel kay Ariel ay gusto
n’ya parin suportahan ang bata sa laban na magaganap kay Lorenzo dahil kilala n’ya si
Lorenzo na 2aling2 hindi lumalaban ng patas at 2aling2 nandaraya. Dumating ang araw
ng laban ni Ariel at Lorenzo at nandoon si Manuel at Tata Sotero para suportahan ito.
Sa kasamaang palad, natalo ni Lorenzo si Ariel at muntik pa itong mamatay at dahil sa
nakitang nahihirapan na ang bata nina Tata Sotero at Manuel ay agad na sinaklolohan
ni Manuel si Ariel at hinamon niya si Lorenzo ng laban doon sa burol at ipinangakong
mag-aantay s’ya araw man o gabi at tinaggap naman ni Lorenzo ang hamon sa kanya
ni Manuel. Ipinangako naman ni Manuel sa kanyang sarili na tatalunin n’ya si Lorenzo
upang matapos na ang kasakimang ginagawa nito at para na rin matulungan n’ya si
Ariel sa tromang pagkamatay ng kanyang kapatid at 2aling araw ay ibibigay n’ya ang
Kamagong na Arnis sa mga kamay ni Ariel.

c.) Kasukdulan

- Dumating ang araw ng pagtutuos ni Manuel at Lorenzo sa burol at maraming tao


ang dumalo upang manood at may isang tao na nag-aayos ng mga pusta nila sa laban.
Nagsimula ang laban ng wala si Tata Sotero sa kadahilanang may pumigil sa kanya na
pumunta sa burol. Habang naglalaban ay dinaya agad ni Lorenzo si Manuel sa
pamamagitan ng pagsilaw sa mata nito gamit ang Arnis na hawak n’ya at natamaan
n’ya si Manuel sa pisngi at ito’y natumba. Agad na tumayo si Manuel at dahil sa
nawalan s’ya ng pokus ay patuloy lang ang pagsalag at pag-ilag n’ya sa mga atake ni
Lorenzo. Muling natumba si Manuel at halos duguan pero si Lorenzo ay wala pa
masyadong kagalos-galos sa katawan.

c.) Kakalasan o Pababang Aksyon

- Habang nakahalandusay si Manuel sa lupa ay unti-unti itong bumabangon dahil hindi


nakatingin sa kanya si Lorenzo. Pagkatayo ni Manuel ay sunod-sunod n’yang inatake
si Lorenzo hanggang sa parehas na silang sugatan at napatumba n’ya ito. Ginamit ni
Manuel lahat ng teknik sa pakikipaglaban ng Arnis na turo sa kanya ni Tata Sotero at
bigla n’yang naalala ang sinabi sa kanya ni Tata Sotero na lumipad s’ya na parang ibon
at lumapag s’ya sa tuyong dahon. Sa pagtalon ni Manuel ay ginamit n’ya ang kanyang
sarili para patingalain si Lorenzo sa langit at sa pagbaba ni Manuel ay sinabihan n’ya
si Lorenzo na tapos na ang laban at sa pagtanggi ni Lorenzo ay agad na inatake ni
Manuel ito hanggang sa mapapunta sila sa gilid ng burol kung saan may bangin at
naputol ni Manuel ang Arnis ni Lorenzo at nagmakaawa si Lorenzo kay Manuel na talo
na at huwag s’yang patayin. Ngunit sa pagtalikod ni Manuel ay kumuha si Lorenzo ng
bato na s’yang dapat ihahampas nito kay Manuel ngunit agad itong napigilan ni Ariel at
gamit ang Kamagong na Arnis ay inihampas ni Manuel ito sa mata ni Lorenzo at
tuluyang nahulog si Lorenzo sa bangin.

d.) Konklusyon

- Sa pagkamatay ni Lorenzo ay lumuwag na ang loob ni Ariel dahil napaghiganti na n’ya


ang yumao n’yang kuya sa tulong ni Manuel. Nagpasalamat si Ariel kay Manuel at
sinabing matatahimik na din sa wakas si Emilio ang kanyang yumaong kuya.
Pagkatapos, ay muling ipinaalala ni Manuel kay Ariel na s’ya mismo ang magbibigay sa
kanya ng Kamagong na Arnis at sa huli ay ibinigay n’ya ito kay Ariel dahil nagtitiwala si
Manuel na s’ya ay karapat-dapat na magmay-ari ng Kamagong na Arnis.
1. If you go to watch a movie, will you choose to watch this particular film? Why or
why not? Elaborate your answer.

-Oo, dahil maganda naman ang pelikula at marami akong natutunang aral. Gaya ng
tamang paggamit ng arnis at kung paano ito sanayin ng mabuti at nalaman ko din na
ang nag paunlad ng arnis ay ang mga Sinaunang Pilipino bilang isang sandata upang
ipagtanggol ang kanilang sarili. At sa Huli Napagtanto ko din na ang mga pilipino ay
malikhain dahil sa simpleng patpat pwede mo nang ma dipensahan ang iyong sarili.

2. Apart from fun and entertainment, what other good reasons could you have
for choosing the see at particular movie?

-Bukod sa kasiyahan at libangan, mayroon pang ibang dahilan sa pagpili ng


panoorin sa pelikula. Isa na dito ang mga aktor o mga gumaganap. Nakakaakit
panoorin ang isang pelikula kung nakakaakit din ang mga gumaganap at magagaling
ito sa pag-akto. Ang pelikulang may magandang sinematograpia ay nakakapukaw ng
pansin sa mga tao na nagiging dahilan din sa pagpili nila dito. Ang mga tao ay nanonood
ng pelikula upang madama at makatakas mula sa katotohanan dahil ito ay nagdadala
sa atin sa ibang panahon, lugar, o sitwasyon na maaaring hindi natin maranasan. Ang
mga emosyon na nararamdaman natin kapag tayo ay nakikipag-ugnayan sa pelikula
ay nagiging rason din kung bakit natin ito pinipili. At syempre, hindi mawawala sa isang
pelikula ang tinatawag na "trailer", kung saan mas nakakalakas ng dating sa pelikula
kaya't ito ang pinipiling panoorin.

3. What values pointed out in the movie? List it and cite the scene where it was
shown.

 Disiplina- nung nag eensayo palang sila sa arnis nung tumalon si Ariel at nag
dabog at sinabing bawal mag dabog pinakita dito ang pagiging desiplinado ng
isang tao.
 Lakas, tapang at malinis na layunin - nung pinapaubaya ni tata sutero ang
kamagong kay manuel na sinabi niya na hindi lang lakas at tapang ang
kaylangan upang maging karapat-dapat sa paghawak ng kamagong higit sa
lahat ang malinis na layunin at dakilang misyon.
 Linis ng puso at talas ng isip – pinakita nung kinuha ni Ariel ang kamagong
upang labanan si Lorenzo sinabi ito ni tata sutero kay Ariel dahil ito ang
mahalaga sa pag hawak ng kamagong
4. What principle of arnis is being shown in the movie?
• Redonda - Patuloy na drill na gumagamit ng dalawang baton ng tuluy-tuloy.

• Sinawali - “to weave,” ibig sabihin ang tuloy-tuloy na paghahabi na galaw na


ginagamit ng isang tao sa pamamagitan ng dalawang batuta, kutsilyo, o kamay
upang pag-ugnayin ang magkasabay na hampas at pagharang.

• Abanico - "fan," lateral (side to side) na mga galaw na ginawa gamit ang
nakatuwid na braso bilang isang blocking maneuver,

• Banda y Banda - Papunta at pabalik. side to side slash o strike.

• Rompida - pataas at pababang slash o strike na inihahatid sa isang x pattern.

• Sungkiti - Hooking thrust.

5. What Filipino value is being highlighted in the movie? Explain your answer.

-Ang mga filipino values na naipakita sa palabas na ito ay una ang pagiging
matapang dahil likas na ang pagiging matapang at makabayan ng mga Pilipino,
Ipinagtangol nila ang ating bayan noong tayo ay sinakop ng mga dayuhan. Ginamit
nila ang kanilang lakas at katalinuhan sa pakikipaglaban. At ang isa pang filipino
values na napakita sa palabas na ito ay ang mabuting pakikitungo dahil kilala ang
mga pilipino sa mabuti at magiliw na pagtanggap. ibig nilang masiyahan at maging
maginhawa ang kanilang mga panauhin. nagsisilbi sila ng pinakamasarap na
pagkaing kanilang makakaya at naghahanda ng maayos na tulugan para sa mga
bisita. Nagbibigay pa sila kung minsan ng mga regalo kapag paalis na ang kanilang
mga panauhin.

6. What is the moral lesson of the story?

-Hitik sa gintong aral ang pelikulang Kamagong, hindi man ito direktang
ipinapahayag ng mga karakter sa pelikula ay mahihinuha mo naman ang mga ito
kung pagtutuunan mo ng maigi ang daloy ng istorya. Isa na nga sa mga aral na
ating makukuha dito ay ang konsepto na hindi sa lahat ng pagkakataon ay
matutumbasan ng pera ang mga bagay-bagay. Sa halip, sipag at tiyaga, linis ng
puso, at talas ng isip ang makakatulong sa iyo upang makamit ang iyong inaasam.
Isa pa sa mga aral na makukuha sa pelikulang ito ay kailanman ay hindi
mananatiling nasa itaas ang mga mandaraya, sapagkat, talo at daig ng taong may
malinis na intensyon ang sinumang mapangahas na nandadaya.

7. If you were the writer, how will you end the story?

-Kung ako ang susulat ng pelikulang ito, aking itong tatapusin sa paraang
ikagugulat ng mga manonood at mag-iiwan ng kaba sa kanilang nararamdaman ng
dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Na may muling magbabalik at babangon sa
kaniyang kinahihigaan. Ang mas pinalakas at mas pinaghandaan. Ang taong
gustong patunayan na siya ang mas karapat-dapat para sa patpat ng kamagong.

GROUP 3

AGUILERA, KYLE VINCENT MENIL, CHLOE SYDNEY


BANA, JOHNPAOLO MALAYAN, HANNAH
LAT, MARC ANDREW PLAZA, ASIAH

LAT, JEFFREY

BANADERA, JAMES

RECREO, DARREN

OROLA, CARL BRYAN

You might also like