You are on page 1of 7

MGA URI NG BALITA

» Balitang Pambansa

Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari sa loob ng bansa na mahalaga sa nakararaming mga mamamayan
gaya ng eleksyon, rebolusyon o pag-aaklas, at iba pang paglalahad maaaring

Hal.Marawi rehab aabutin ng P90B ang gastos – mayor

Tumataginting magdulot ng epekto o impluwensya sa mamamayan ng bansa.


na P90 bilyon ang kinakailangan upang maayos ang Marawi City ayon sa kanilang alkalde ngayong
Biyernes

» Balitang Pangkaunlaran

Ito ay balitang kapupulutan ng mga aral at halimbawa tungo sa pagpapaunlad ng buhay.


Hal.Programang pangkaunlaran, patuloy na isinusulong sa San Juan

Patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ng bayan ang mga programang pangkaunlaran tulad ng
mga gawaing pang-imprastraktura na pakikinabangan ng mga mamamayan.

Ayon kay Municipal Administrator Frank Ilustrado, kulang sa 20 porsiyento na lamang ang di pa naaayos
sa mga farm-to-market roads (FMR). Hangad nila na mas lalong mapadali ang pagsasaayos nito upang
mapakinabangan ng mga residente sa mga barangay na sakop nito.

» Balitang Pandaigdig

Ang balitang tulad ng paglulunsad ng mga programa o pagpapasa ng mga batas na sangkot ang iba't
ibang bansa tulad ng United Nations, ASEAN, World Health Organization (WHO) at iba pang
organisasyong panrelihiyon at pampamahalaan.
Hal. 305 patay sa terror attack sa Ehipto

Ayon sa panig opisyal ng Ehipto Sabado, Nobyembre 25, 2017, di-kukulangin sa 305 kataop ang namatay
sa teroristikong pag-atake na

» Balitang Panlibangan

Ang ganitong balita ay tumatalakay sa mga libangan, hobbies o recreation na karaniwang


kinatatampukan ng mga sikat na personalidad at naglalayong makapagbigay ng impluwensya o
kasiyahan.
Hal. Andador, liyamado sa Bato Chess Cup

NAKATUTOK ang atensiyon kay 1996 Philippine Junior Champion at National Master Rolando Andador sa
pagtulak ng pinakaaabangan na 3rd edition ng PNP chief Director General Ronald Dela Rosa “Bato
Invitational Chess Cup” ngayon sa Camp Crame, Quezon City.
» Balitang Pampalakasan

Ang mga halimbawa ng balitang ganitn ay mga ukol sa isports tulad ng basketbol, boksing, bilyards dito
man sa bansa o pandaigdig.
Hal.NAIWASAN ng University of Santo Tomas ang masaklap sanang walang panalong taon matapos
lumusot sa University of the East, 88-85 kahapon sa umaatikabong huling araw ng UAAP Season 80
men’s baskeball tournament sa Smart Araneta Coliseum.
» Balitang Pangkabuhayan

Ang mga balitang ukol sa hanapbuhay gaya ng pagbaba ng halaga ng piso, pagtaas ng presyo ng mga
bilihin at iba pang balita na may tiyak na epekto sa kaunlaran ng bansa.

Hal.Nagpalabas ng P500 milyon si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo upang pondohan ang mga
livelihood at amnesty program ng pamahalaan.

Ayon sa ulat ng GMA News Flash Report nitong Martes, panimulang pondo lamang ang ipinalabas ng
Pangulo habang pinamumunuan ang pulong ng National Security Council (NSC).

LECTURE NOTE (TALA SA PANAYAM)


1. Epiko

Ang epiko ay isang uri ng mahabang tula na nagsasalaysay. Kuwento ng mga diyos at diyosa o
kaya’y alamat ng mga tradisyonal na bayani ng isang bayan ang mga kadalasang itinatampok sa
mga epiko. Nanggaling ang salitang epiko sa salitang Griyego na epos, na ang ibig sabihin ay
salita o istorya.

Hal. Hudhud:

Ang Kuwento ni Aliguyon

(Epiko ng mga Ifugao)

Sa mga hinagdang taniman sa bulubundukin naninirahan si Aliguyon, isang mandirigmang Ipugaw na


mabilis at magaling sa paghawak ng sibat.  Anak siya ni Antalan, isa ring mandirigma.  Maagang natuto
ng pakikipaglaban si Aliguyon sa tulong ng kanyang ama.  Ang unang larangan ng digma ni Aliguyon ay
ang matitigas na lupa sa tabi ng kanilang tahanan.  Ang unang sandata niya ay ang trumpo at ang mga
unang kalaban niya sa larong ito ay ang mga bata rin sa kanilang pook.  Kapag pinawalan ni Aliguyon ang
kanyang trumpo, matining na matining na iikot ito sa lupa o kapag inilaban niya ito sa ibang trumpo,
tiyak na babagsak na biyak ang laruan ng kanyang kalaban.

Tinuruan din siya ng kanyang ama ng iba’t-ibang karunungan: umawit ng buhay ng matapang na
mandirigma, manalangin sa Bathala ng mga mandirigmang ito at matutuhan ang mga makapangyarihang
salita sa inusal ng mga pari noong unang panahon.

Ikinintal ni Amtalan sa isip at damdamin ng anak ang katapangan at kagitingan ng loob.  Talagang
inihanda ng ama si Aliguyon upang maipaghiganti siya ng anak sa matagal na niyang kaaway, kay
Pangaiwan ng kabilang nayon.  Nang handang-handa na si Aliguyon, nagsama siya ng iba pang
mandirigma ng kanilang nayon at hinanap nila ang kalaban ni Antalan.  Subalit hindi si Pangaiwan ang
natagpuan kundi si Dinoyagan, ang anak na lalaki nito.  Mahusay din siyang mandirigma, tulad ni
Aliguyon, inihanda rin siya ng kanyang ama sa pakikipaglaban upang maipaghiganti siya ng anak sa
kalaban niyang si Antalan.

Kaya anak sa anak ang nagtagpo.  Kapwa sila matatapang, kapwa magagaling sa pakikipaglaban lalo na
sa paghawak ng sibat.

Itataas ni Aliguyon ang kanyang sibat.  Nangingintab ito lalo na kung tinatamaan ng sikat ng araw.
Paiikutin ang sibat sa itaas saka mabilis ang kamay ng binatang kalaban.  Aabangan ng matipunong
kanan ang sibat na balak itimo sa kanyang dibdib.

Tila kidlat na paroo’t-parito ang sibat.  Maririnig na lamang ang haging nito at nagmistulang awit sa
hangin.

Nanonood ang mga dalagang taga-nayon at sinusundan ng mga mata ang humahanging sibat.  Saksakin
mo siya, Dinoyagan!

Sasawayin sila ng binata, Kasinggaling ko siya sa labanang ito.

Araw-araw ay nagpatuloy ang kanilang laban hanggang sa ito’y inabot ng linggo, ng buwan.  Kung saan-
saan sila nakarating.  Nagpalipat-lipat ng pook, palundag-lundag, patalun-talon sa mga taniman.

Namumunga na ang mga palay na nagsisimula pa lamang sumibol nang simulan nila ang labanan.  Inabot
ng taon hanggang sa sila’y lubusang huminto ng pakuluan ng sibat.  Walang nasugatan sa kanila. Walang
natalo.

2. Awiting bayan

Ang awiting bayan ay tinaguriang matandang sining ng Pilipinas pagkat ito'y mula sa ating mga
ninuno.Ito ay inaawit padin hanggang ngayon mapa-bata man o matanda/ Ilan sa mga
halimbawa nito ay "Leron-Leron Sinta" ,"Bahay Kubo" at iba pa..

Manang Biday Lyrics

Manang Biday, ilukatmo man


'Ta bintana ikalumbabam
Ta kitaem 'toy kinayawan
Ay, matayakon no dinak kaasian

Siasinnoka nga aglabaslabas


Ditoy hardinko pagay-ayamak
Ammom ngarud a balasangak
Sabong ni lirio, di pay nagukrad

Denggem, ading, ta bilinenka


Ta inkanto 'diay sadi daya
Agalakanto't bunga't mangga
Ken lansones pay, adu a kita
No nababa, dimo gaw-aten
No nangato, dika sukdalen
No naregreg, dika piduten
Ngem labaslabasamto met laeng

Daytoy paniok no maregregko


Ti makapidut isublinanto
Ta nagmarka iti naganko
Nabordaan pay ti sinanpuso

Alaem dayta kutsilio


Ta abriem 'toy barukongko
Tapno maipapasmo ti guram
Kaniak ken sentimiento
Manang Biday, ilukatmo man
'Ta bintana ikalumbabam
Ta kitaem 'toy kinayawan
Ay, matayakon no dinak kaasian

Siasinnoka nga aglabaslabas


Ditoy hardinko pagay-ayamak
Ammom ngarud a balasangak
Sabong ni lirio, di pay nagukrad

Denggem, ading, ta bilinenka


Ta inkanto 'diay sadi daya
Agalakanto't bunga't mangga
Ken lansones pay, adu a kita

No nababa, dimo gaw-aten


No nangato, dika sukdalen
No naregreg, dika piduten
Ngem labaslabasamto met laeng

Daytoy paniok no maregregko


Ti makapidut isublinanto
Ta nagmarka iti naganko
Nabordaan pay ti sinanpuso

Alaem dayta kutsilio


Ta abriem 'toy barukongko
Tapno maipapasmo ti guram
Kaniak ken sentimiento
3. Alamat

-Alamat ay nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, lugar, pangyayari o katawagan.


Maaaring totoo o likha lamang ng malawak na imahenasyon ng isang manunulat ang mga
pangyayari sa alamat.

Hal. Alamat ng Ampalaya

Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang
kagandahang taglay.

Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis, si Luya na may
anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si
Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na ma manipis na balat, at si Patola na may
gaspang na kaakit-akit.

Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may maputlang
maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.

Araw araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyan itsura at lasa sa kapwa niya
gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niyang mga gulay.

Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay at
kanyang isinuot.

Tuwang tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan.
Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan.

Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking gulat nila ng makita nilang
hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay, nanlaki ang kanilang mga mata ng
tumambad sa kanila si Ampalaya.

Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain, isinumbong nila ang
ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang diwata at lahat ng magagandang katangian na
kinuha sa mga kapwa niya gulay.

Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa niyang
kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag iba ang kanyang anyo.

Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nag-away sa loob
ng kanyang katawan maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay naghatid ng di magandang panlasa sa
kanya at pait ang idinulot nito, at ang kanyang kulay ay naging madilim.

4.Kasabihan

-Ang kasabihan ay pahayag na nagbibibigay ng payo o nagsasaad ng katotohanan kung saan ang
mga salitang ginagamit ay payak at madaling maintindihan.

- Ang taong nagigipit sa patalim kumakapit

-Kahit saang gubat ay maroong ahas

-Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin


-Kung ano ang puno siya rin ang bunga

5. Salawikain

-Ang salawikain ay isang patalinhagang pahayag na ginagamit ng matatanda noong unang


mangaral, magpayo, at ituwid ang mga kabataan sa tamang landas at kabutihang asal.
Karaniwan itong may sukat at tugma.

“Anak na di paluhain, magulang ang patatangisin”

“Ang lumakad nang matulin, kung matinik ay malalim”

Kung ano ang itinanim, siyang aanihin (You reap what you sow)

Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot (When the blanket is short, learn to curl up)

6. Bugtong

-isang pangungusap o tanong na kadalasang nilalaro ng mga batang pinoy, at ng mga


nakakatanda. Ito ay may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan.  

Ang bugtong ay gumagamit ng talinghaga, o mga metapora sa pagsasalarawan isang partikular na bagay o
mga bagay na hulaan. Madalas itong nangangailangan ng katalinuhan at maingat ng pagninilay-nilay para
mahulaan ang palaisipan o tanong. isang pangungusap o tanong na kadalasang nilalaro ng mga batang
pinoy, at ng mga nakakatanda. Ito ay may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang
palaisipan.  

1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.


Sagot: kandila

2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.


Sagot: langka

3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.


Sagot: ampalaya
4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
Sagot: ilaw
7. Palaisipan

-Ang palaisipan ay isang suliranin o uri ng bugtong (enigma) na sinusubok ang katalinuhan ng
lumulutas nito. Sa karaniwang palaisipan, inaasahan na lutasin ang palaisipan sa pamamagitan
ng pagsama-sama ng mga piraso sa isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon.
Kadalasang nililikha ang mga palaisipan bilang isang uri ng libangan, ngunit maaari rin namang
magmula ito sa seryosong matematikal at lohistikal na suliranin — sa mga ganitong kaso, ang
kanilang matagumpay na pagkalutas ay isang mahalagang ambag sa pagsaliksik sa matematika.

1. Ako ay nasa gitna ng dagat, nasa huli ng daigdig, at nasa unahan ng globo!
Sagot: letrang 'G'

2. Sa umaga ay apat ang paa. Sa tanghali ay dalawa lang. Sa gabi ay tatlo. Ano ako?
Sagot: tao

3.  Si Mario ay isa sa limang magkakapatid. Ang mga pangalan nila, umpisa sa panganay ay sina Enero,
Pebrero, Marso, Abril at ___________. Ano ang pangalan ng bunso sa magkakapatid? 
Sagot: Mario

4. Kung ang gumagapang sa aso ay pulgas, sa damo ay ahas, sa ulo ng tao ay kuto... ano naman ang
gumagapang sa kabayo?
Sagot:  Plantsav

You might also like