You are on page 1of 2

MODYUL SA FILIPINO 8

UNANG PANAHUNAN
SALAMIN NG KAHAPON…BAKASIN NATIN NGAYON

FILIPINO 8
PAKSA: EPIKO
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang
pagkakaugnay-ugnya ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. (PN)

PAALALA PARA SA MGA MAGULANG:


GABAYAN ANG INYONG MGA ANAK SA PAG-UNAWA SA MGA KAALAMAN NA
NAKAPALOOB SA PAKSANG ITO. KUNG HINDI MAUNAWAAN ANG PAKSA O KUNG MAY
KALITUHAN AY MAAARING MAGTANONG SA GURO. MAGPADALA LAMANG NG MENSAHE
SA PAMAMAGITAN NG TEXT O MESSENGER.

I. BASAHIN AT UNAWAIN
Panitikan
Ang Hudhud ni Aliguyon
Isang Buod na Halaw mula sa The Epics ni Damiana Eugenio
Ipinanganak si Aliguyon sa bayan ng Hannanga. Si Amtalao ang kaniyang ama, at si Dumulao ang kaniyang
ina. Nang maliit pa lang siyang bata, madalas siyang kuwentuhan ng kaniyang tatay ng mga
pakikipagsapalaran niya sa digmaan. Tinuruan din siya ng kaniyang tatay na gumamit ng sibat at kalasag.
Mabilis na natuto si Aliguyon. Ilang taon pa ang lumipas, at ginawan ni Amtalao si Aliguyon ng isang
trumpo. Tinuruan niya si Aliguyon kung paano ito paikutin, at kung paano ito gamitin upang talunin at
wasakin ang trumpo ng iba pa niyang kalaro. Tinuruan din niya si Aliguyon kung paanong lumikha ng mga
sibat na gawa sa runo at kung paanong makipaglaban gamit ito. Habang tumatanda, madalas makinig si
Aliguyon sa mga dasal pandigma ng tribu. Kalaunan, natutuhan din niyang usalin ang mga dasal at salitang
makapangyarihan. Dahil sa mga angking galing ni Aliguyon, siya ang naging pinuno ng mga kabataan sa
kanilang tribu. Nang naging binata na si Aliguyon, tinipon niya ang kaniyang mga kasama upang lusubin
ang kalaban ng kaniyang tatay, si Pangaiwan ng bayang Daligdigan. Subalit nang makarating sila sa
Daligdigan, ang nakaharap niya ay hindi si Pangaiwan, kundi ang anak nitong si Pumbakhayon. Kasintapang
at kasinggaling ni Aliguyon si Pumbakhayon. Tumagal ang digmaan ng tatlong taon, nang hindi malinaw
kung sino ang nanalo. Dahil sa haba ng digmaan, natutuhang irespeto ng dalawang bayani ang husay ng
bawat isa. Dahil tila magkapantay sa galing sa pakikipagdigma, nagpasya silang tapusin ang digmaan. Sa
harap ni Pangaiwan, nagkasundo silang pananatilihin ang kapayapaan sa pagitan ng kanilang mga pamilya.
Nang matapos ang pagkakasundo, niligawan ni Aliguyon ang pinakabata at pinakamaganda sa mga kapatid
na babae ni Pumbakhayon, si Bugan. Iniuwi 27 ni Aliguyon si Bugan sa Hannanga, at lumaki siyang isang
napakagandang dalaga. Dumalaw si Pumbakhayon sa Hannanga upang saksihan ang kasalan sa pagitan ni
Aliguyon at ng kaniyang babaeng kapatid. Naging matapat at makatwirang pinuno ng tribu sina Aliguyon at
Bugan, at minahal sila ng kanilang mga katribu.
II. PAGPAPAYAMAN
MGA GABAY NA TANONG
1. Ano-ano ang sinaunang paniniwalang ipinakita sa Hudhud ni Aliguyon? Ano ang halaga ng mga
paniniwalang ito sa mga katutubong Ifugao?
2. Ilarawan si Aliguyon bilang bata. Bakit kaya ganito ang napiling katangian ng bidang tauhan ng mga
mananalaysay?
3. Balikan ang labanan sa pagitan ni Aliguyon at Pumbakhayon. Paano mo ilalarawan ang labanang ito?
Paano ito natapos?
4. Ano kaya ang sinasabi ng epikong ito tungkol sa pagturing ng mga Ifugao sa digmaan?
III. REPLEKSYON
Sa Epikong binasa, aking natutunan na…
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
__________________________________________________.

INIHANDA NI:

REYNALYN P. ROMALES
GURO I

You might also like