You are on page 1of 2

TUNGAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Tungawan, Zamboanga Sibugay

ARALING PANLIPUNAN G9

PANGALAN:________________________________________ Taon/Seksyon:______________ Iskor:__________

I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang tamang letra ng tamang sagot at isulat sa
patlang bago ang bilang.

_____ 1. Paano nagsimula ang Rome?


a. Nagsimula ang Rome sa isang matalinghagang kuwento.
b. Nagsimula ang Rome sa isang alamat ng kambal na sina Remus at Romulus.
c. Nagsimula ang Rome sa mga unang taong nagsasalita ng Latin na nagtatag ng kaharian sa Tiber River.
d. Nagsimula ang Rome sa pamumuno ng dayuhang Etruscan.
_____ 2. Bakit iniiwan ng Sparta ang mga depektibo at hindi malulusog na mga sanggol sa paanan ng bundok at hina-
hayaang mamatay?
a. Dahil ayaw ng Sparta ang mga pabigat sa kanilang lungsod.
b. Dahil ayon sa kanilang paniniwala ay isang salot ang batang hindi malulusog.
c. Dahil nangangailangan sila ng malalakas na sundalo para sa estado ng Sparta.
d. Dahil wala silang hilig sa mga batang may deperensiya kaya iniiwan nila ito.
_____ 3. Gumamit ng magandang istilo sa pakikipaglaban ang Greece laban sa Persia na naging susi ng kanilang tagum-
pay maliban sa…
a. Pakikipagsundo at paghingi ng tulong sa mga bansa sa Europa.
b. Pagbabangga ng maliit na barko ng Greece sa malalaki ngunit mahihinang barko ng Persia.
c. Dahil sa kasanayan ng mga sundalong Griyego at kahusayan sa pakikipaglaban.
d. Dahil sa pagtutulungan ng bawat estado ng Greece upang labanan ang puwersa ng Persia.
_____ 4. Ang salitang ito ay nangangahulugang “LUNGSOD-ESTADO”. Ano ito?
a. Sparta b. Polis c. Metropolis d. Acropolis
_____ 5. Sa labanan ng 300 na sundalong Spartans at Persians, sino ang pinuno ng 300 na sundalong Spartans?
a. Pericles b. Xerxes c. Leonidas d. Darius I
_____ 6. Sa Republikang Romano, ang mga maharlika lamang ang maaaring humawak ng posisyon sa pamahalaan at
sila ay tinatawag na….
a. patrician b. konsul c. plebeian d. diktador
_____ 7. Ang gusaling ito ang nagsisilbing amphitheater ng mga Romano na kadalasan dito isinasagawa ang labanan ng
mga gladiator.
a. basilica b. stucco c. arch d. coliseum
_____ 8. Ang salitang ito ay tumutukoy sa “pamilihang bayan” maliban sa…
a. merkado b. palengke c. dry goods d. agora
_____ 9. Ipinakita ng mga Romano ang galing nila sa paggawa ng daan at tulay na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin
upang pag-ugnayin ang malalayong lugar sa Italy. Anong daan ito?
a. Rome-Milan Way b. Appian Way c. Florence Road d. Geneva-Rome Road
_____10. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa Crete. Ito ay yumaman sa pakikipagkalakalan sa ibayong
dagat. Ano ang pangunahing dahilan nito?
a. Napakalakas ng puwersang pangmilitar ng Minoan.
b. Napalilibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito.
c. Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete.
d. Napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete.
_____11. Ang sinaunang Greece ay binubuo ng iba’t ibang lungsod-estado na ang bawat isa ay malaya at may sariling
pamahalaan. Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng hiwa-hiwalay na lungsod-estado?
a. Iba`t iba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan ng Greece.
b. Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa silangan ng Europe na isang mabundok na
lugar.
c. Mahaba ang mga daungan ng Greece kaya nagkaroon ng maraming mangangalakal sa bawat lungsod-
estado.
d. Iba’t iba ang kulturang nabuo sa Greece kaya iba’t ibang kabihasnan ang umusbong dito.
_____12. Ano ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng Rome bilang pinakamakapangyarihan sa Mediterranean?
a. Nakatulong ang maunlad na aspetong pang-ekonomiya ng Rome kung ikukumpara sa mga karatig-
lugar.
b. Natalo at nasakop ng Rome ang malalakas na kabihasnan sa Mediterranean tulad ng Carthage at
Greece.
c. Naipagpatuloy ng Rome ang kalakasan ng kulturang Greece.
d. Wasto ang lahat ng nabanggit.
“ Our constitution is called a democracy because power is in the hands not of a minority but of the whole
People. When it is a question of settling private disputes, everyone is equal before the law….”
-PERICLES
_____13. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
a. Nasusunod ang kagustuhan ng minorya sa pamahalaang demokrasya.
b. Nakasalalay sa kagustuhan ng nakararami ang ikauunlad ng bansa.
c. Nakabatay sa batas at kapakanan ng nakararami ang pamahalaang demokrasya.
d. Naipahahayag ng mga mamamayan ang kanilang saloobin sa pamahalaan.
_____14. Mga bihag ng digmaan ng lungsod-estado ng Sparta na ginagawa nilang tagapagsaka ng kanilang malalawak
na lupain.
a. phalanx b. gladiator c. helot d. ostrakon
_____15. Tawag sa hukbong Greek na karaniwang binubuo ng hanggang 16 na ng mga mandirigma.
a. phalanx b. gladiator c. helot d. ostracon
_____16. Pinakamalupit na pinunong Romano, ipinapatay niya ang lahat ng hindi niya kinatutuwaan.
a. Cicero b. Nero c. Mark Anthony d. Julius Caesar
_____17. Isang manunulat at orador na nagpahalaga sa batas Romano.
a. Cicero b. Nero c. Mark Anthony d. Julius Caesar
_____18. Bakit mahalaga sa Rome ang pagkakapanalo sa Digmaang Punic?
a. Upang makontrol nila ang kalakalan sa dagat Mediterranean.
b. Dahil hihina ang Macedonia pagmanalo ang mga Romano.
c. Upang maimpluwensiyahan ang Rome ng kulturang Greek.
d. Para sa kapayapaan ng Imperyong Romano.
_____19. Alin sa mga sumusunod ang hindi pamana ng Rome sa kabihasnan?
a. 12 tables, coliseum, basilica c. demokrasya, polis, ostracism
b. aqueduct, paggawa ng alak, arch d. Appian Way, tribune, stucco
_____20. Bakit maituturing na Kabihasnang Klasikal ang Kabihasnan ng mga Romano?
a. Dahil unti unti itong sinunod ng ibang lahi sa mundo.
b. Dahil bigla itong naglaho sa iba’t ibang lipunan.
c. Dahil hanggang ngayon ay makikita pa rin ang kulturang Romano sa iba’t ibang bansa.
d. Dahil ang kabihasnang ito ay biglang lumitaw sa kasaysayan.

II. GRIYEGO O ROMANO? Panuto: Isulat ang titik G kapag galing sa mga Griyego at titik R kapag may kaugnayan
sa mga Romano.

______ 1. Digmaang Punic ______6. metropolis


______ 2. veto! ______ 7. tribune
______ 3. Pilosopiyang Stoic ______ 8. First Triumvirate
______ 4. Dorian ______9. The Republic
______ 5. Anabis ______10. Pax Romana

III. PAGPAPALIWANAG: (10 Puntos)

A. Ano ang kahalagahan ng isang mabuting pinuno sa pananatili ng isang imperyo?

….. sa lahat ng nakikita ay may aral na makukuha... VLRD

You might also like