You are on page 1of 3

Pambansang Mataas na Paaralan ng Arnedo

Araling Panlipunan 8
Ikalawang Markahang Pagsusulit
October 17-18, 2019

Pangalan:________________________________ Seksyon:__________
Guro:___________________________________ Iskor:____________

I. Bilugan ang titik ng PINAKATAMANG sagot. (20pts)

_____1. Sa paningin ng dayuhang mananalakay, ang mga Greeks ay tila madaling talunin at sakupin dahil
a. Sila ay mahihina
b. Kulang sila sa mga armas pandigma
c. Kaunti lamang ang kanilang populasyon
d. Sila ay nahahati-hati sa iba’t-ibang lungsod estado na hindi nagkakaisa
_____2. Nagtagumpay sana ang mga Spartans laban sa mga Persians kung
a. Bawat isa ay tapat na sumunod sa plano sa pakikidigma
b. Dinagdagan pa nila ang kanilang mga armas.
c. Nagsanay pa sila nang husto sa pakikipaglaban.
d. Gumamit sila ng bomba sa pakikipaglaban
_____3. Bagamat kakaunti, nagawa ng mga Greeks na talunin ang mga Persians dahil
a. Napagod na ang Persians sa pakikipaglaban sa mga Spartans
b. Pinantayan nila ng mas maliliit ngunit mas epektibong armas ang mga armas ng Persians
c. Nagdasal sila sa kanilang mga diyos
_____ 4. Pagkatapos matalo ang mga dayuhan, mga kapwa Griyego naman ang naglaban-laban at nagpatayan dahil sa
a. Pagsisisihan tungkol sa mga nawalang yaman sa digmaan
b. Kawalang pagkakaisa dahil sa mga heograpikal na balakid
c. Pagkagahaman sa kapangyarihan
_____5. Sa huli, nabura ang sibilisasyong Sparta at Athens dahil
a. Nagpatuloy sila sa pagpapatayan sa halip na magkaisa at maghanda sa pagpasok ng mas malaking kaaway
b. Pinarusahan sila ng kanilang mga diyos dahil sa kanilang mga kalapastanganan
c. Naubos ang kanilang populasyon dala ng laganap na pagpapatayan
_____6. Nagtatag ang Rome ng pamahalaang Republika dahil
a. Nais nilang gayahin ang demokratikong sitema ng pamahalaan ng Athens
b. Kinasuklaman nila ang masalimuot na karanasan sa ilalim ng isang tiranikong hari
c. Gusto nilang mag-imbento ng bagong klase ng pamahalaan
_____7. Hindi maganda ang istruktura ng Republika ng Rome dahil
a. Ang mga lider na bumubuo nito ay pawang mga mayayaman lamang
b. Hindi pinapayagang bumoto ang lahat ng mamamayan
c. Hindi ganap ang kapangyarihan ng konsul
_____8. Natakot ang mga Patricians sa pagrerebelde ng mga Plebeians dahil
a. Mas malaki ang populasyon ng ikalawa kaysa sa una
b. Mawawalan ng silbi ang Republika at ang mga Plebeians ay maaaring makapagtatag ng sariling sibilisasyon na
sasalungat sa kanila
c. Mawawalan sila ng mga alipin at sa gayo’y mawawalan ng silbi ang kanilang kapangyarihan at kayamanan d. Lahat
ng nabanggit
_____9. Upang maibalik ang tiwala ng mga Plebeians sa Republika, sila ay
a. Pinangakuan ng kayamanan
b. Binigyan ng mas maraming karapatang pantao
c. Pinayagang umupo bilang mga senador at konsul
_____10. Pinatay si Julius Caesar ng mga senador dahil
a. Masyado siyang matalino at malakas
b. Hindi siya sumusunod sa mga payo ng senador
c. Natatakot ang mga senador na mawalan sila ng puwesto sa pamahalaan
_____11. Ang pagpatay kay Caesar ay nagpapahiwatig na
a. Mas binibigyang halaga ng isang politiko ang kanyang posisyon kaysa ang ikabubuti ng kanyang bayan
b. Karapatan ng pamahalaan na alisin o patayin ang suwail na pinuno
c. Ang mga politico o pinuno ng pamahalaan ay handang gawin ang lahat (kahit masama) upang protektahan ang
estado
_____12. Sa huli, bumagsak ang Republika ng Rome dahil
a. Hindi na napapamunuang mabuti ng pamahalaan ang mga mamayan dahil ang mga pinuno mismo ay nag-aaway-
away at nagpapatayan
b. Ang pagkagahaman sa kapangyarihan ang nagtulak upang maitatag ang isang emperyo na pinamunuan ng isang
emperor
c. Nawala ang kaayusan sa lipunan dahil sa kaguluhang sibil na nangailangan sa kapangyarihan ng isang ganap ng
pinuno tulad ng isang emperador
_____13. Ang kasaysayan ng pagbagsak ng Republika ng Rome ay nagpapahiwatig na
a. Kailangan ng mga mamamayan ng mga nagkakaisang pinuno
b. Ang pamahalaan ay para sa mga mamamayan hindi para sa mga piling tao lamang
c. Kapag ang mga pinunong inihalal ng mamamayan ay kumilos alang-alang lamang sa pansariling kabutihan,
mawawalan ng kaayusan sa lipunan
d. Lahat ng nabanggit
_____14. Nang maitatag ang Imperyong Romano, naranasan ng mga Romans ang mahabang panahon ng kapayapaan, ngunit
muling nagsimula ang kawalan ng kaayusan sa lipunan nang
a. Mamatay ang magaling na pinuno at ang mga sumunod ay pawang mga walang alam
b. Magsimulang maging maluho ang mga pinuno at winalang halaga ang papel ng mga mamamayan at mga
kasundaluhan
c. Dumami ang kaaway ng Rome bunsod ng maraming pagsakop na kanilang ginawa. d. A at B e. B at C
_____15. Habang sumisikat at yumayaman ang Roman Empire dahil sa lawak ng kanilang imperyo, dumarami naman ang mga
mahihirap na Roman dahil sa
a. Laganap na korapsyon
b. Kawalan ng hanap-buhay dahil lahat ng trabaho ay ibinibigay sa mga alipin
c. Ginagawang pagganti ng mga kaaway ng Rome sa mga ordinaryong mamamayan
d. A at B
_____16. Dahil sa kakulangan sa mga sundalo, ang imperyo ng Rome ay umupa ng mga mersenaryo para pumrotekta sa kanila
laban sa mga kaaway, subalit, sa halip na maging kaibigan, ang mga mersenayo ay kanilang naging kaaway dahil
a. Traydor ang mga ito
b. Masyadong maliit ang binibigay na bayad sa kanila
c. Inabuso sila ng Romans at hindi trinato nang maayos
_____17. Ang pangyayaring ito sa kasaysayan ng Rome ang nagpababa sa moral ng mga Romano at nagbigaybahid sa kanilang
tanyag na pangalan
a. Pagkain sa kapwa-tao dala ng gutom
b. Pagpapatiwakal dala ng kawalang pagasa
c. Pagbenta sa sariling anak upang magkapera
_____18. Sa huli, bumagsak ang Rome dahil sa
a. Kawalan ng kaayusan sa pamahalaan
b. Kawalan ng matatag na militar
c. Pagsakop ng mga barbaro
d. Lahat ng nabanggit
_____19. Ang Middle Age ay tinawag na Middle Age dahil
a. Ito ang panahon sa gitna ng kapanganakan ni Hesu Kristo at ni Muhammad
b. Ito ang panahong nakapagitna sa pagbagsak ng Roman Empire at pagsilang ng Renaissance.
c. Ito ang naisip ng mga historyador
_____20. Binansagan ni Petrarch ang Middle Age bilang Dark Age dahil ayon sa kanya, sa panahong ito ay
a. Laganap ang gutom, kahirapan, sakitkaramdaman at kamatayan
b. Halos hindi sumisikat ang araw
c. Walang isinilang na magaling na lider

II. A. Punan ang mga patlang upang mabuo ang mensahe ng teksto. May mga ibinigay ng una o huling titik bilang clue.
(10pts)

Ayon sa isang matandang alamat, ang Rome ay itinatag ng kambal na sina 1. _____________ at 2. ____________. Sila ay
sinagip at inaruga ng isang 3. _________________________, ngunit nang sila ay lumaki, pinatay ni 4. ______________ ang
kanyang kapatid upang pamunuan ang kaharian.
Ang mga Roman ay tinalo ng mga 5. E___________n, ang kalapit na tribo sa hilaga ng Rome, at namahala sila sa mahabang
panahon. Ngunit sang-ayon sa tradisyon, pinaalis ng mga Roman ang punong Etruscan at nagtatag ng 6. _________________,
isang pamahalaang walang hari.
Sa halip na pumili ng hari, naghalal ang mga Roman ng dalawang 7. ______________ na may pantay na kapangyarihan at
nanunungkulan sa loob ng isang taon.
May dalawang uri ng mamamayan sa Rome, ang mga 8. _________________ na mayayaman, at mga 9.
___________________ na mahihirap. Tanging mga 10. ______________________ lamang ang maaaring maging pinuno sa
Republika.

B. 1. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari. Isulat ang A – E.


____1. Pinatay si Julius Caesar.
____2. Sa simula, makapangyarihan ang Carthage sa buong Mediterranean.
____3. Binuo ang 1st Triumvirate.
____4. Sumiklab ang Punic War, at natalo ang Carthage ng tatlong beses.
____5. Nagkaroon ng relasyon sina Julius Caesar at Cleopatra.

B.2. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari. Isulat ang F – J.


____1. Naganap ang Pax Romana o mahabang panahon ng kapayapaan sa Rome.
____2. Dineklara ni Octavian ang kanyang sarili bilang Unang Emperador ng Rome.
____3. Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng pinagsamang pwersa nina Cleopatra at Mark Antony laban kay Octavian.
____4. Nagkaroon ng relasyon sina Mark Antony at Cleopatra.
____5. Nagpakamatay sina Mark Antony at Cleopatra.

III. A. Punan ang patlang upang mabuo ang nilalaman ng teksto.

Sa loob ng mahabang panahon, ang Europa ay yumakap sa iba’t-ibang relihiyon at nanalig sa maraming Diyos. Nang pumasok
ang mga Hudyo sa kontinente, sila ay inalipusta dahil sa kanilang paniniwala sa iisang Diyos at, sa panahon ni Emperador Nero
sa Imperyong Roman, maraming Kristiyano ang pinatay sa pamamagitan ng pagsunog at pagpako sa Krus. Habang ang Roman
Empire ay nasa tugatog ng kaningningan at tagumpay, ang Kristiyanismo ay nasa kadiliman, ngunit unti-unting nagbago ang
lahat nang maging emperador si 1. C_______________________ na siyang nagtatag ng Kristiyanismo bilang opisyal na
relihiyon ng imperyo bagama’t hindi lubusang nabura ang kultura ng paganismo.

Nang bumagsak ang Rome dahil sa magulong pamamahala at sa pagsalakay ng mga barbarong tribo na kung tawagin ay 2.
V_________________, nagsimulang tumingkad ang liwanag ng Kristiyanismo-ito ay sa panahong ang Rome naman ang nasa
kadiliman. Ang mga dating “amo” ay ginawang alipin, ninakaw ang lahat ng kanilang mga kayamanan, sinira ang kanilang mga
tirahan at marami sakanila ang pinatay. Sa paglaganap din ng epidemya na kung tawagin ay 3. B_____________ plague, lalo
pang naging mahirap ang buhay sa Europa, at habang dumidilim at sumasalimuot ang kalagayan ng lipunan, nagsimulang
dumami ang mga mananamplataya ng Kristiyanismo. Naging kaakit-akit ang nasabing relihiyon dahil ayon sa katuruan, ang
isang mananamplatayang Kristiyano na nakararanas ng kahirapan ay tatamasa ng walang hanggang 3.
K___________________________ sa 4. L __________________. Dahil nga sa kaganapang ito, nagsimulang maging
makapangyarihan ang 5.S____________________ na nagsimulang gumawa ng mga katuruan na ang isang tao ay kailangang
sumanib ditto upang tumanggap ng kaligtasan sa kabilangbuhay. Ang kauna-unahang barbarong hari na naging Kristiyano ay si
Clovis, ngunit si 6.___________________e ang naging kauna-unahang hari ng Holy Roman Empire. Siya ay kakaiba sa lahat ng
mga naunang pinuno sa gitnang panahon dahil kaiba sa kanila, siya ay mayroong mataas na pagpapahalaga sa 7.
______________________n. kaya nagpatayo siya ng maraming paaralan. Pinilit niya na ang lahat ng napasailalim sa
kapangyarihan ng imperyo ay maging Kristiyano kaya lahat ng ayaw sumunod ay kanyang 8. P______________________. Tila
bumubuti na ang kalagayan ng buhay sa ilalaim ng kanyang pamumuno ngunit sa huli ay bumagsak ang imperyo dahil sa
kawalan ng 9. m___________________ na p_________________ at pagsalakay ng mga 10.V__________________________.

Inihanda ni: ______________________


JOSSIE D. DELACRUZ

You might also like