You are on page 1of 3

MOCK TEST

Araling Panlipunan - Imperyong Roma

I. MULTIPLE CHOICE. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ang pagbagsak ng Republika ng Roma noong 59 BC ay sinasabing nagsimula nang mabuo ang
alyansang tinatawag na ‘Unang Triumvirate’. Sinu-sino ang bumubuo sa alyansang ito?
A. Gaius Julius Caeasar, Pompey the Great, at Marcus Licinius Crassus
B. Gaius Julius Caesar, Mark Antony, at Marcus Grotius
C. Octavian, Mark Antony, at Lepidus
D. Leonidas, Spartacus, at Maximus Decimus ‘Are You Not Entertained?’ Meridius

2. Isang matalik na kaibigan ni Julius Caesar, siya ang itunuturong pinuno ng pagpatay kay Caesar
sa Senado, sa kadahilanang nais nilang pigilan ang pagbabalik sa isang monarkiya.
A. Blutus C. Cassius
B. Brutus D. Casio

3. Siya ang unang emperador ng Roma at ang kanyang pamamahala ay kilala bilang Pax Romana,
isang mahabang panahon ng kapayapaan at karangyaan sa Imperyong Roma.
A. Augustus Caesar C. Saladus Caesar
B. Julius Caesar D. Montanus Caesar

4. Ang prinsipyong ito ay nagtatalaga ng kapangyarihan sa emperador na personal na pumili sa


tagapagmana ng kanyang trono. Pinapahalagaan nito ang pagpili ng pinuno na may abilidad sa
pamahalaan at militar.
A. Principle of royal succession C. Principle of royal adoption
B. Principle of royal secession D. Principle of royal indoctrination

5. Binansagan bilang isang Philosopher-King, siya ay isa sa mga ‘Mabubuting Emperador’ ng


Roma. Isang pilosopong Stoiko, isinulat nya ang librong Meditations na nagtuturo ng klarong
pag-iisip at lohikal na pananaw sa mundo.
A. Claudius C. Grotius
B. Marcus Aurelius D. Marcus Maximus

6. Dahil masyado nang malawak ang teritoryong sinasakupan ng Imperyong Roma, nagpasya ang
emperador na ito na hatiin ang imperyo sa dalawa: ang Kanlurang Imperyong Roma at ang
Silangang Imperyong Roma. Ano ang opisyal na tawag sa Silangang Imperyong Roma?
A. Byzantium o Imperyong Byzantine C. Betadinium o Imperyong Betadine
B. Easteros D. Easterium o Imperyong Eastine

7. Sinong emperador ng Roma ang naghati sa Imperyong Roma sa dalawa?


A. Dionysus C. Darius
B. Diocletian D. Dione

8. Ano ang naging dahilan ng paghina at ‘pagbagsak’ ng Roma?


A. Mga kurakot na opisyal at mga digmaang sibil
B. Ang pag-atake ng mga tribong barbaro tulad ng mga Visigoth, Huns, Franks at Vandals
C. Paghina ng hukbong Romano bilang pwersang lakas dahil karamihan na sa mga
miyembro nito ay mga bayarang sundalo o mersenaryo
D. Lahat ng binanggit
E. Wala ni isa sa binanggit

9. Ang unang emperador ng Silangang Imperyong Romano. Siya ang nagpalaganap ng bukas na
pagtanggap at pananampalataya sa Kristiyanismo sa imperyo.
A. Constantino C. Scipio Afrikano
B. Justiniano D. Misteryoso
10. Nang sinalakay ng mga tribong barbaro ang siyudad ng Roma, saan inilipat ang kabisera ng
Imperyong Roma?
A. Constantinople C. Cannae
B. Athens D. Sicilia

II. MODIFIED TAMA O MALI. Sabihin kung tama o mali ang mga sumusunod na
pangungusap. Kung MALI, tukuyin kung aling kataga ang nagpapamali sa pangungusap at isulat
ito sa patlang.

________________ 1. Ang Pangalawang Triumvirano ay isang alyansang maka-Caesar na


binubuo nina Octavio, Marco Antonio, at Lepido.

___________________ 2. Nang manalo si Octavio sa digmaang sibil laban kay Marco Antonio,
idineklara nya ang kanyang sarili bilang diktador habambuhay.

___________________ 3. Si Marcus Cocceius Nerva ang emperador na nagsimula ng praktis ng


pag-aampon ng tagapagmana na ang pangunahing basehan ay ang kakayahan at hindi dugo o
relasyon.

__________________ 4. Dinagdagan ni Trajan ang pondo sa edukasyon upang matamasa rin ito
ng mga mahihirap at binigyan ng pribileheyo ang mga guro at pilosopo.

__________________ 5. Ang pagtanggap at pagpapalaganap sa Kristyanismo ay isa sa mga


dahilan ng paghina ng Roma, dahil sa pagtakwil ng mga tao sa mga kaisipan at asal Romano.

III. MATCHING TYPE: Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot mula sa Column B
na tumutugma sa emperador na tinutukoy sa Column A.

Column A Column B
_____ 1. Marcus Aurelius A. Embraced Christianity for the Roman Empire
_____ 2. Julius Caesar B. Declared himself Roman dictator for life
_____ 3. Augustus Caesar C. Roman general defeated by Julius Caesar
_____ 4. Hadrian in the Roman Civil War
_____ 5. Antoninus Pius D.Prioritized education for all Roman citizens
_____ 6. Nero E. Known as the Philosopher-King
_____ 7. Diocletian F. First split the Roman Empire into two
_____ 8. Claudius G. Infamous for “watching Rome burn”
_____ 9. Constantine H. Started the Empire’s Pax Romana
_____ 10. Trajan I. Led the conquest for Britain
J. Under whose rule was the peak of Roman power
K. Poisoned his father to become emperor
L. Had built a great wall in Britain

IV SANAYSAY. Sagutin ang mga tanong gamit ang buong pangungusap. Isulat ang iyong
sanaysay sa likod ng papel na ito.

1. Mula sa linya ng limang ‘Mabubuting Emperador’, pumili ng dalawa at magbigay ng dalawang


naging kontribusyon nito sa Imperyong Roma.

2. Sa iyong pananaw, maaari rin bang kupkupin sa kasalukuyang Pilipinas ang kaugalian ng mga
emperador na personal na pagpipili ng kanilang tagapagmana? Makabubuti ba sa Pilipinas kung
bibigyan din ng ganitong kapangyarihan ang Pangulo ng Pilipinas? Bakit? Ipaliwanag sa loob ng
4-6 na pangungusap.

You might also like