You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 8

SECOND QUARTER (TEST #2)


S.Y. 2023-2024

Name: _____________________________ Grade & Section:_____________

I. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Ano ang tawag sa mga karaniwang tao sa lipunang Roman?


A. plebeian B. republic C. patrician D. senate

_____2. Ano ang binubuo ng 300 konseho ng mga patricians?


A. Mababang kapulungan B. Punong-lungsod C. kagawaran D. senado

_____3. Alin sa mga sumusunod ang katawagan sa unang talaan ng mga nakasulat na batas ng mga
Romano?
A. Kodigo ni Hammurabi B. Twelve Tables C. Konstitusyon D. Batas ng Sumer

_____4. Alin sa sumusunod ang katunggali ng Rome sa Digmaang Punic?


A. Persia B. Sicily C. Carthage D. Greece

_____5. Sino ang kinilala bilang Augustus?


A. Julius Caesar B. Nero C. Octavian D. Mark Anthony

_____6. Sino sa sumusunod ang pinakahuli sa mabubuting emperador?


A. Nerva B. Trajan C. Marcus Aurelius D. Hadrian

_____7. Ano ang lumaganap sa Roma noong panahon ng Pax Romana?


A. kapayapaan B. kaguluhan C. digmaan D. pananakop

_____8. Sino ang emperador ng Rome na nagpatayo ng amphitheater para sa mga labanan ng mga
gladiator?
A. Nero B. Vespasian C. Hadrian D. Tiberius

_____9. Sinong emperador ang nagbawal sa pagpapahirap sa mga Kristiyano?


A. Antoninus Pius B. Vespasian C. Hadrian D. Tiberius

_____10. Ano ang tawag sa kasuotang pambahay na hanggang tuhod ng mga


lalaking Roman?
A. tunic B. toga C. stola D. palla

_____11. Sino sa sumusunod ang hindi kabilang sa First Triumvirate?


A. Julius Caesar B. Crassus C. Pompey D. Octavian

_____12. Sinong emperador ang naglustay ng pera ng imperyo para sa maluluhong kasayahan at palabas?
A. Nerva B. Hadrian C. Tiberius D. Caligula

_____13. Alin sa sumusunod ang katawagan sa sentro ng Lungsod ng Rome?


A. Agora B. forum C. Polis D. basilica

_____14. Sino sa sumusunod ang hindi kabilang sa Second Triumvirate?


A. Julius Caesar B. Marcus Lepidus C. Mark Anthony D. Octavian

_____15. Ano ang tawag sa isang bulwagan na nagsisilbing korte at pinagpupulungan ng Assembly?
A. Agora B. forum C. Polis D. basilica
_____16. Anong daan ang ginawa ng mga Romano na nag-uugnay sa Rome at timog Italy?
A. Appian Way B. Silk Road C. Royal Road D. Stone Way

_____17. Ano ang katawagan sa mga maharlika ng lipunang Romano?


A. Patricians B. Noble C. Plebeians D. Imperial Family

_____18. Sino ang kambal na nagtatag ng Rome ayon isang matandang alamat?
A. Remus at Romulus C. Remi at Romulos
B. Roman at Remus D. Rome at Romulus

_____19. Sino sa sumusunod na emperador ang nagkaloob ng pautang sa bukirin at ang


kinitang interes ay inilaan para tustusan ang mga ulila?
A. Nerva B. Octavian C. Tiberius D. Caligula

_____20. Sino ang inihahalal sa oras ng krisis?


A. Consul B. Senate C. Diktador D. Tribune

II. Tukuyin ang sumusunod na konseptong inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang iyong sagot mula sa
kahon at isulat ito sa sagutang papel.

________________1. Ito ang kauna-unahang nasusulat na batas sa Rome at naging ugat ng Batas
Roman.

________________2. Salitang nangangahulugang tutol o di pagsang-ayon.

________________3. Isang heneral ng Carthage na namuno sa pakikipaglaban sa Rome.

________________4. Kasuotang pambahay ng mga lalaking Roman na hanggang tuhod.

________________5. Sa kanila natutuhan ng mga Roman ang arch na ginamit sa paggawa ng mga templo
at iba pang gusali.

________________6. Nangangahulugan itong Panahon ng Kapayapaan sa Rome.

________________7. Isang ampitheater para sa mga labanan ng mga gladiator.

________________8. Kasuotan ng mga babaing Roman kapag lumalabas sila ng bahay.

________________9. Isang unyon ng tatlong makapangyarihang tao na nangangasiwa ng pamahalaan.

________________10. Karaniwang mga kriminal, alipin o bihag na nakikipaglaban sa isa’t isa o sa


mababangis na hayop.

You might also like