You are on page 1of 2

Module 5: Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral

Primum non nocere • FIRST DO NO HARM •

Prinsipyo ng mga doktor na laging may pagnanais na makapagpagaling at iiwasan


ang lahat ng makapagpapalala ng sakit o makasasama sa pasyente.

Lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip at makaunawa sa kabutihan. - Sto.


Tomas de Aquino
Ang pag-alam sa kabutihan ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag-
iisip kundi sa larangan din ng pakiramdam. - Max Scheler
Ninanasa ng tao ang mabuti at hindi ang masama. Walang sinuman ang magnanais
na mapasama siya. Kahit tinatamad akong mag-aral, alam kong mabuti ang mag-
aral. Kahit gustong-gusto kong kunin ang cellphone ng kapatid ko, hindi ko dapat
gawin dahil alam kong masama ito.

Katotohanan: Naaakit tayo sa mabuti

Nararamdaman ko ang mabuti. Nararamdaman ko ang tama kahit na kung minsan


ay parang sinasabi ng isip ko na mali ito. At sa kilos ng pakiramdam ko kung ano ang
dapat kong gawin, napapanatag ako at natatahimik kapag sinunod ko ang tinig na
ito.

Katotohanan: Naaakit tayo sa mabuti Ang MABUTI ang laging PAKAY at LAYON ng tao.

Ang ISIP at PUSO ang gabay para kilatisin kung ano talaga ang mabuti.

Ang mabuting tao ay hindi agad- agad lumulusong sa paggawa nang walang
pagtitimpi at pagmumuni sa kabutihan ng gagawin.

TAO isip kilos- loob puso katawan

IBA ang MABUTI sa TAMA

• Ang MABUTI ay ang mga bagay na tutulong sa pagkabuo ng sarili.

• Ang TAMA ay ang pagpili ng mabuti batay sa panahon, kasaysayan, koteksto at


sitwasyon. Tinitignan dito ang mga pangangailangan at kakayahan ng gagawa ng
pagpili.
Likas na Batas Moral
• Ang likas na pagnanais ng tao na gawin ang mabuti at iwasan ang masama.

• Every human being has moral sense or the motivation deriving logically from
ethical/moral principles that govern his thoughts and actions.

• Tulad din sa likas na batas moral, preskripsyon ang mabuti, ang tama ay ang angkop
sa tao.

• Wala mang isang porma ng tama ang mabuti at mag-aanyo man ito ayon sa
kondisyon at hinihingi ng pagkakataon, iisa ang tiyak:

HINDI DAPAT KASANGKAPANIN ANG TAO at DAPAT GAWIN ANG LAHAT UPANG
INGATAN AT PAYABUNGIN ANG TAO.

Universal Declaration of Human Rights at iba pang mga batas


• Mahalagang ingatan ang dangal ng tao

• Ang pag-unlad ng bansa at ng mundo ay magmumula sa pagkilala sa pantay na


mga karapatan

• Mga mekanismo at pamamaraan upang isakongkreto ang pangkalahatang


pagpapahalaga sa tao

• ANG LAHAT NG BATAS AY PARA SA TAO, hindi ang kabaligtaran nito.

• Ang likas na batas moral ay hindi instruction manual.

Hindi ito malinaw na utos kung ano ang gagawin ng tao sa iba’t ibang pagkakataon.

GABAY lamang ito upang makita ang halaga ng tao

• Ang pinakaunang hakbang: FIRST DO NO HARM

You might also like