You are on page 1of 2

Ang Batas na Nakabatay da Likas na Batas Moral

 Primum non nocere ' FIRST DO NO HARM' >Prinsipyo ng mga doktor na laging may pagnanais na
makapagpagaling at iiwasan ang lahat ng makapagpapalala ng sakit o makasasama sa pasyente.

•Ayon Kay Santo Tomas de Aquino-" Lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip at makaunawa sa
kabutihan."

•Ayon Naman Kay Max Scheller-" Ang pag-alam sa kabutihan ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng
pag-iisip kundi sa larangan din ng pakiramdam."

• Ninanasa ng tao ang mabuti at hindi ang masama. Walang sinuman ang magnanais na mapasama siya.

Hal:1)Kahit tinatamad akong mag-aral, alam kong mabuti ang mag-aral.

2) Kahit gustong-gusto kong kunin ang cellphone ng kapatid ko, hindi ko dapat gawin dahil alam kong
masama ito.

Naaakit tayo sa mabuti Nararamdaman ko ang mabuti. Nararamdaman ko ang tama kahit na kung
minsan ay parang sinasabi ng isip ko na mali ito. At sa kilos ng pakiramdam ko kung ano ang dapat kong
gawin, napapanatag ako at natatahimik kapag sinunod ko ang tinig na ito.

Ang MABUTI ang laging PAKAY at LAYON ng tao. Ang isip at puso ang gabay para kilatisin kung ano
talaga ang mabuti.

IBA ang MABUTI sa TAMA • Ang mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa pagkabuo ng sarili. • Ang tama
ay ang pagpili ng mabuti batay sa panahon, kasaysayan, koteksto at sitwasyon. Tinitignan dito ang mga
pangangailangan at kakayahan ng gagawa ng pagpili.

Likas na Batas Moral • Ang likas na pagnanais ng tao na gawin ang mabuti at iwasan ang masama. •
Every human being has moral sense or the motivation deriving logically from ethical/moral principles
that govern his thoughts and actions.
Tulad din sa likas na batas moral, preskripsyon ang mabuti, ang tama ay ang angkop sa tao. • Wala mang
isang porma ng tama ang mabuti at mag-aanyo man ito ayon sa kondisyon at hinihingi ng pagkakataon,
iisa ang tiyak: HINDI DAPAT KASANGKAPANIN ANG TAO at DAPAT GAWIN ANG LAHAT UPANG INGATAN
AT PAYABUNGIN ANG TAO.

 • Ang likas na batas moral ay hindi instruction manual. Hindi ito malinaw na utos kung ano ang gagawin
ng tao sa iba’t ibang pagkakataon. GABAY lamang ito upang makita ang halaga ng tao. • Ang
pinakaunang hakbang: FIRST DO NO HARM

•Konsensya> Ito ang tinig SA iyung isip at damdamin na nagsasabi sa iyu Kung may nga bagay na Tama o
Mali

You might also like