You are on page 1of 9

EsP – 2 Quarter

nd

Week 5 at 6
* KALAYAAN *
Kalayaan:
• Ito ay hango sa salitang Latin na “Liber o
Libertas” na ibig sabihin sa Ingles ay
free/freedom/liberty.
• Ito ay tumutukoy sa kalayaan ng kalooban o
kilos-loob (free-will ) na tumutukoy sa
pagkakaroon ng kapangyarihan ng isang tao na
gawin ang anumang kanyang ninanais.
•Pananagutan = ito ay ang kakambal ng
kalayaan. Ito ay isang responsibilidad na
kailangang gawin ng isang tao. Kasama
dito ang mga tungkulin na dapat niyang
magampanan ng naaayon sa alituntunin o
batas. Kapag ang pananagutan ay hindi
naisagawa, ito ay maaaring magbunga ng
kaparusahan.
Uri ng Kalayaan:
• Panloob na Kalayaan (inner freedom)- ang kakayahan
ng tao sa paggawa ng mga bagay ayon sa kanyang
nararamdaman at kalooban kasama dito ang
kalayaang gumusto (freedom of exercise) , ito ang
kalayaang magnais o hindi magnais at kalayaang
tumukoy (freedom of specification) , ito naman ang
kalayaan upang tukuyin kung alin ang kanyang
nanaisin. Ang kalayaang panloob ng tao ay walang
hangganan. Hindi ito pwedeng tanggalin o ipagkait sa
kanya.
• Panlabas na Kalayaan (Outer Freedom). Ito
ang kalayaan upang tuparin ang gawain na
inaasam ng kalooban. Ang kalayaang ito ay
maaaring mabago depende sa pwersa na
impluwensiya ng kapaligiran. Ito ay maaaring
mabawasan o maalis sa tao.
Palatandaan ng pagkakaroon ng tunay na
kalayaan:
• Paggawa ng kabutihan = Ang tunay na kalayaan ay
ang paggawa ng kabutihan.
Ang sinumang nakagawa ng kasalanan o anumang
mga bagay na nakasisira sa kaniyang sarili, kapwa at
kapaligiran ay hindi matatawag na tunay na malaya
dahil may pwersa na pumipigil sa kanya upang
mamuhay sa kung ano ang tama at nakabubuti.
• Kabilang sa paggawa ng kabutihan ang:
a. Pagmamahal - ayon kay Steiner, isang
pilosopo, ang kalayaan ay umiiral kung ito’y
isinagawa sa pamamagitan ng pagmamahal
b. Katarungan - paggalang sa karapatan at
dignidad ng tao.
Paano mapapaunlad ang paggamit ng ating
taglay na kalayaan?
1. Alamin ang Katotohanan - Ito ang sikreto ng
pagtamo ng tunay na kalayaan. Bago gawin ang isang
bagay, alamin muna ang mga ito kung ito ay totoo at
nakabubuti sa iyo.
2. Tanggapin na ang kalayaan ay mahalaga - regalo ito
ng Diyos sa iyo kaya dapat lang huwag itong abusuhin
bagkus ito’y pahalagahan at paunlarin.
3. Pagkakaroon ng sapat na kaalaman bago
gumawa ng pasya - Ang pagpapasyang moral
o tama ay resulta ng wastong paggamit ng
tao sa kanyang kalayaan na may
pananagutan.
4. Pagsasabuhay- isasabuhay ang tunay na
kalayaan sa araw-araw na pamumuhay.
Ipakita ito sa salita at sa gawa.

You might also like