You are on page 1of 3

Asinagtura CHRISTIAN EDUCATION 4

KAGAMITAN SA Module No. 4.5


PAGKATUTO Tanong Panuruan at Kwarter 4TH QUARTER
Guro ROSSELE D. MISSION
LAYUNIN
Bilang mag-aaral ikaw ay inaasahang masasabi ang kahulugan ng panalangin.

Aralin
Pananalangin

Sanggunian
Daloy 4

- -

Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit sa Diyos ang lahat ng pangangailangan n’yo sa
pamamagitan ng panalanginna may pasasalamat. Filipos 4:6

Tingnan Mabuti ang larawan. Ano sa palagay mo ang nangyayari sa


larawan?

Tama! Ang tao ay tila nawawala at di alam ang daang kanyang


tatahakin.

W naranasan mon a bang maligaw? Ano ang gagawin mo kung


maligaw ka at wala kang ibang taong mapagtangan?

Sa ganitong pangyayari, kadalasan pinangungunahan tayo ng takot kaya’t ang agad na pumapasok sa ating isipan ay
ang manalangin. Ang panalangin ay ang pinakamabisang paraan upang makipag-ugnay sa Panginoon. Sa pananalangin,
nagagawa nating magpasalamat, humingi ng tawad, humiling, dumaing at magpuri sa Diyos. Walang tinatakdang
limitasyon, oras o panahon ang panalangin sapagkat lagi tayong maaaring makipag-usap sa Panginoon anu mang
sandal. Lagi rin tayong pinaaalalahanan ng diyos na napakahalagang panalangin sa Kanya.

Ano-ano ba ang kahalagahan ng pananalangin?


Pakaisipin Mo Ito

Minsan ba naisip mo kung ano ang mangyayari sa mundo kung ang lahat ng tao ay di nananalangin? Ano- ano kaya
ang kahihinatnan ng mundo kung wala nang taong nananalangin?

Pagliliwanag

Mahalaga ang pananalangin sapagkat ito ang nagsisislbing tulay na naghahatid sa atin tungo sa malalim at tunay na
pagkakakilala sa Panginoon. Narito rin ang iba pang kahalagahan ng panalangin at mag talata sa Bibliya bilang
pagpapatunay sa mga katotohanang ito.

 Napagtitibay ng pananalangin ang ating pananampalataya sa Panginoon.


Lucas 22:32 Ngunit nananalangin ako para s aiyo,na huwag manghina ang iyong pananampalataya. At kapag
nagbalik loob ka na, palalakasin mo ang pananampalataya ng iyong mga kapatid.

 Naipamamalas sa panalangin ang ating pagpapakumbaba sa pamamagitan ng pag-amin sa ating mga kasalanan at
kahinaan.
Mga Panaghoy 3:14-42 Buksan natin ang ating mga puso at itaas ang ating mga kamay sa Diyos na nasa langit at
sabihin: Panginoon nagkasala po kami at naghimagsik sa inyo at hindi niyo kami pinatawad.

 Napananatili ng pananalangin ang ating araw-araw na pagkaugnay sa Diyos.


Isaias 64:8 Pero Panginoon kayo parin ang aming Ama. Ang katulad Niyo’y magpapalayok, at kami naman
ay parang putik.Kayo ang gumawa sa amin lahat.

 Nagsisilbing daan ito upang tayo’y makapagpasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap mula sa Diyos. 1
Tesalonica 5:18 At magpasalamat kayo kahit ano ang mangyari dahil ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo na
mga nakay Cristo Jesus.

 Naipararating sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin ang ating mga kahilingan sa buhay

1 Timoteo 2:1 Una sa lahat ipinagkausap kong ipanalangin niyo ang mga lahat ng tao. Ipaabot ninyo sa Diyos ang
kahilingan n’yo para sa kanila nang may pasasalamat.
Name: Grade 4 C.E. 4.5

- Sumulat ng panalangin na hindi bababa sa tatlong pangungusap batay sa mga

sumusunod na uri nito:

Panalangin ng Pasasalamat sa Diyos

Panalangin sa Paghingi ng Tulong sa Panginoon

Panalangin ng Paghingi ng Tawad sa mga Kahinaan o Pagkakasala

Gamitin ang Five fingers Prayer method upang maglista ng mga tao at isyu na iyong ilalapit sa Diyos sa
panalangin araw-araw.

1. Aking kailangan at Naisin

2. Mga mahihina:

3. May mga katungkulan:

4. Mga nagtuturo:

5. Mga malapit sa akin:

You might also like