You are on page 1of 2

Mateo 4

(Discover)
Ang aklat ng Mateo, chapter 4 ay may apat na pangyayari sa buhay ng ating Panginoong Hesus.
-Una, ay ang pagtukso kay Jesus ng diayblo sa kanyang pagaayuno.. dito’y sinubukan ng diablo si Jesus bilang
isang tao ngunit hindi nagtagumpay ang kaaway. Hindi matutukso ng diyablo si Jesus bulang diyos kundi bilang
tao (laman)
-Pangalawa, pagkatapos siyang nag-ayuno, nagsimulang nangaral si Jesus ng pagsisisi sa kasalanan at tungkol
sa paghahari ng Diyos.
-Pangatlo, sa kanyang pangangaral, naniniwala ako na kinailangan ni Jesus ng makakasama sa pagmimisyon
kaya’t sumunod ay ang pagkatawag sa mga unang alagad na sina Simon (na tinatawag na Pedro), Andres,
Santiago at Juan.
-At ang pang-apat, pagpapagaling ni Jesus sa mga may sakit na kung siya’y sinundan ng napakaraming tao na
nakaranas sa kapangyarihan ni Jesus..nagpakita siya ng mga kababalaghan at mga himala.

(Understanding)
Ang tumatak sa akin na ipinaunawa ng Diyos ay makikita natin sa pagkatawag sa mga unang alagad.
Mapapansin natin sa teksto, bago sila tinawag ni Jesus, may kanya-kanya silang ginagawa,
pinagkakaabalahan, trabaho…..in short sila ay busy sa kani-kanilang buhay. Ngunit iniwan nila ang lahat para
kay Jesus.

Bakit kailangang iwan pa nila ang kanilang mga ginagawa?

Sa ating pagsunod sa Diyos, may mga bagay na kailangan nating iwanan upang tayo’y makasunod sa ating
Panginoon. Ano kaya yun?
- Hilig ng laman (dahil ang laman ay laban sa ipinapagawa ng Diyos) Galacia 5:16-21
- Mga bagay na alam nating makapagpapalayo/hadlang sa ating pagsunod sa Diyos (panunuod ng tv,
sobrang kaadikan sa cp, ari-arian (Mateo 19:21-22-mayamang binata), minsan TAO/pamilya)
- Oras/panahon
- Pansariling pangarap o mithiin sa buhay
(dumarating sa buhay natin minsan na kung ano yung plano natin ay hindi akma sa plano ng
Diyos sa atin. Kagaya ni Jonas, iba yung gusto niyang gawin sa gustong ipagawa ng Diyos sa
kanya…ang bunga ng hindi niya pagsunod ay ang pagkain sa kanya ng malaking isda na naging
daan upang masunod pa rin ang nais ng Diyos sa buhay niya. Ganun din tayo minsan o madalas,
huwag maging matigas ang ating mga ulo dahil mapapahamak lang tayo.) Jonah 1

Anu-anu na yung mga bagay na naisacrifice natin, iniwan natin, para magawa lang natin yung
ipinapagawa Niya?

MATEO 4:19
Specific ang gusting ipagawa ni Jesus sa mga alagad…….
MAGING MAMAMALAKAYA NG MGA TAO.
ALAGAD – sa panahon po natin ang tawag po sa mga alagad ng Diyos ay mga Pastor, mga manggagawa sa
church, mga lingkod ng Diyos.

Ang sabi sa Mateo 28:19 Gawin ninyong mga alagad ko ang lahat ng bansa…….(nais ng Diyos na ang lahat ng
Tao ay maglingkod sa kanya.)
Malinaw po na ang nais ng Diyos ipagawa sa atin….maging MAMAMALAKAYA TAYO NG MGA
TAO

Ibig sabihin ng mamamalakaya – DEEP SEA FISHERMAN.


Katangian- matiisin, matiyaga, nagsisikap at hindi madaling sumuko.
-Bible studies, pagmimisyon, tinig sa kalsada, tinig sa pulpit……

Sa pagsunod natin sa ating Panginoon, mahalaagang marinig natin ang tinig ng ating Panginoon upang alam natin
at maging malinaw sa atin ang nais niyang ipagawa sa atin. Huwag maging matigas ang ating mga puso HEBREO 3:15
“kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos huwag maging matigas ang inyong ulo, gaa ng inyong
ginawa ng maghimagsik kayo sa Diyos”
Kaya nakasunod ang mga unang alagad ay dahil narinig nila ang tinig ng Diyos, hindi naging matigas ang kanilang puso,
nagpasakop sila sa Diyos dahil nung iniwan nila ang pangingisda at ang kanilang ama… ito ay tanda ng pagpapasakop
nila kay Jesus. PASAKOP (Mateo 22:37 “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang
buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip” )
Dahil sa kanilang pagsunod kay Jesus kaya lumaganap ang ebanghelyo ng Diyos..
Kung hindi natin iibigin ang Diyos, hindi tayo makakapamunga, hindi tayo magiging mamamalakaya ng mga
tao…..

Sa pagsunod natin sa ating Diyos, nagiging mas matimbang na ang Panginoon kesa sa anumang mga
bagay….PRIORITY. Oo, marami tayong priorities sa buhay, ngunit sa lahat ng mga priorities natin, mas nangingibabaw
ang pagsunod natin sa ating Panginoon.bagamat may mga instances na hindi talaga kaya, maiintindihan naman tayo ng
Diyos… ang punto natin ay HANGGAT KAYA NATING SUMUNOD, GAWIN NATIN…

MASARAP GAWIN YUNG MGA BAGAY PARA KAY JESUS NA ALAM MONG MAY HINDI KA
NAGAWA PARA SA IYONG SARILI..

Ang Diyos ay naghahanap ng mga taong gustong sumunod sa kanya at gustong magdala ng mga kaluluwa para sa
kanya...

(APPLICATION)
Hindi tayo gagamitin ng Panginoon kung hindi tayo handang sumunod sa Kanya. Ang nais ng Diyos ay pusong
marunong sumunod sa ipinapagawa/inuutos Niya.

Ang pananalangin ay tanda ng pagpapasakop natin sa ating Diyos! Panalangin pa rin ang puno’t dulo ng lahat
upang tayo’y makasunod sa kanya. John 15:5 “AKO ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa
akin at ako sa kaniya ay magbubunga nang sagana sapagkat kung hiwalay kayo sa akin hindi kayo makakagawa
ng anuman”
Malinaw po na ang nais ng Diyos sa atin ay makapamunga tayo ng SAGANA….

Sa pagsunod natin kay Jesus, may sakripisyo….


Sa pagsunod natin kay Jesus, may pagtitiis….
Sa pagsunod natin kay Jesus, may maliligtas sa impiyerno!

You might also like