You are on page 1of 3

Laymen of Iglesia Filipina Independiente

Diyosesis ng Rizal at Pampanga

LIFI General Assembly/May 28, 2022


Parokya ng San Geronimo/ Morong, Rizal

LITURHIYA NG PANIMULANG PAGSAMBA

INTROITO:

Namumuno: Magningas nawang lagi sa ating puso ang kanyang mga salita.

Bayan: At sa bawat pagtibok ng ating puso at paghinga ay magpa-alaala nawa sa


atin ang mahalagang buhay na kaloob ng Diyos.

AWIT

ANG PAGHAHANDA

Namumuno: Purihin ang ngalan ng Diyos: Ama, Anak, at Espiritu Santo.

Bayan: Sumapit nawa ang kanyang kaharian: ngayon at magpakailanman. Amen.

Namumuno: Mga minamahal na kapatid, tayo ay nagkakatipon sa araw na ito


bilang manggagawa ng Iglesia, partikular ng sector ng Kalalakihan ng
Lokal ng Rizal at Pampanga, upang sama-samang mag-aral, magpulong at
magbahaginan sa mahalagang gawain ng ating minamahal na sektor. Sa
araw na ito, ituon natin ang ating mga sarili sa pagtitipong na ito upang
bigyang daan mahalagang hakbangin ng ating samahan, Pangunahan tayo
ng Espiritu ng Diyos, upang ang lahat ng ating gagawin ay mai-alay natin
sa kanyang Dakilang Pangalan, upang ang lahat ng ito ay maging kaaya-
aya sa kanyang harapan.

ANG PAGSAMO  

Namumuno: Panginoon, pinupuri ka namin at pinasasalamatan


Bayan: Patuloy po kaming kalingain at ingatan.
 
Lahat: Luwalhati sa Ama (+), sa Anak (+), at sa Espiritu Santo (+), kapara ng
unang-una, ngayon at magpakailanman, magpasawalang-hanggan, Amen.

1|Page
PANALANGIN

Namumuno: Ang Panginoon ay nasa inyo.


Bayan: At nasa iyo rin.

Namumuno: Tayo’y manalangin:


O Amang dakila, puspos ng biyaya at pagpapala; kayo po nawa ang
manguna sa lahat ng aming nakatakdang gawain sa araw na ito. Gabayan
po ang bawat isa sa amin upang bukas isip naming maunawaan ang mga
bagay na aming tatalakayin. Matimo nawa sa aming puso ang tunay na
halaga ng gawaing ito sa ministriya at buhay ng aming pinakamamahal na
Simbahan, ang Iglesia Filipina Independiente, lalo’t higit sa sektor ng
kalalakihan ng Lokal ng Rizal at Pampanga. Mabigyang buhay nawa namin
ang bawat butil ng talino na aming mapupulot sa araw na ito at ang aming
mga hakbangin ay lalong pagpatatag sa sektor na pinagkatiwala po ninyo
sa amin. Sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
magpasawalang-hanggan.
Bayan: Amen.

AWIT

PAGBASA MULA SA BANAL NA KASULATAN


Juan 14: 23-29

BTR

AWIT

PANALANGIN – PAGMUMUNI-MUNI:

Tagabasa 1: O Panginoon, salamat po sa mga gawaing naghihintay sa amin


upang kami’y umunlad; sa aming kakayahan upang ang lahat ng bagay ay
mailagay sa kaayusan.

Tagabasa 2: Sa lahat ng babasahin, sa mga gawain ng aming Iglesia, ang


parokyang ito na aming pinagtitipunan, sa mga pagkain na aming
pinagsasaluhan, sa lahat ng mga tagapagsalita at sa lahat ng may
kaugnayan po dito – ang lahat ng ito Panginoon ay ipinagpapasalamat
namin sa iyo.

Tagabasa 3: Salamat po na ginawa ninyo kaming maging kabahagi at


kasangkapan ng pagtitipong ito. Salamat po sa lakas at kalusugan na

2|Page
ipinagkaloob ninyo upang aming lubos na maunawaan ang takbo ng
mundo.

Tagabasa 4: Patnubayan po ninyo ang aming gawain sa araw na ito. Tulungan


ninyo kami na ang bawat isa sa amin ay patuloy na magkaroon ng ugnayan
na ang hangarin ay makapagkaloob ng panahon sa aming minamahal na
simbahan.

ANG AMA NAMIN

ANG PAGPAPALA

Namumuno: Nawa’y ang Diyos ng ating kasaysayan ay patuloy na Manahan at


gumalaw sa atin, sa kanyang Anak na si Hesukristo, nawa’y maging
inspirasyon sa ating mga gawain, ang Banal na Espiritu, nawa’y
pangunahan tayo tungo sa katuparan ng ating mga mithiin. Amen.

AWIT

Part II:
Welcome Remarks----------------------------------------------- MR. Rexon Bilog
(LIFI President, Morong)
Video Clip Presentation ---------------------------------------- IFI MORONG

Awit ------------------------------------------------------------------- Koro ni San Geronimo


-----------------------------------------Meryenda--------------------
Part III:
Ang pagpapatuloy ng gawain.

3|Page

You might also like