You are on page 1of 2

Don Arkimedes ama ni Manolo at pinsan ni Don Cristobal Don Cristobal tiyo ni manolo at pinsan ni don arkimedes Manolo

lo o Manoling anak ni Don Arkimedes Rita ang nobya ni Manolo na nabuntisan niya Aling Sidora tiya ni Rita Unang tagpo Nanggagalaiti si Don Arkimedes habang nilalahad niya ang pagkakaroon ng anak ni Manolo sa isang babae ng hindi pa kinakasal ang mga it okay Don Cristobal. Ayaw niyang ibigay ang apelyido niya sa bata na naturingang kamukha niya at kasing ugali ayon kay Don Cristobal Hindi niya matanggap na sa isang anak ng labandera pa nagkagusto ang anak niya. Pumayag siyang magpakasal ang mga ito ngunit ayaw na niyang ituring na anak si Manolo. Nang paalis na si Cristobal ay inutusan niya itong sabihan si Manolo na makikipag-usap siya rito.

Ikalawang tagpo: Halatang nagpipigil si Don Arkimedes na sakatan si manolo habang kinakausap niya ito. Tinanong niya ang lagay ng bata at hindi sinasadyang dumulas ang dila niya kung saan makikitang may pagaalala siya sa apo niya. Pinagsabihan niya si Manolo na may anak sa tabing bakod. Tumutol si Manolo at sinabing hindi anak sa tabing bakod ang kanyang anak. SInabi niyang may balak siyang pakasalan si Rita na inayawan ni Don Arkimedes. Tutol siya sa kasal ng dalawa at sinabi niyang siya lang dapat ang masusunod. Sinagot siya ni Manolo sa magalang na paraan na hindi niya susundin ang kanyang ama. Nasa akmang pagbubuhatan ng kamay ni Don Arkimedes si Manolo ng pumasok si Cristobal. Ikatlong Tagpo Tumigil si Don Arkimedes sa akmang pagdantay ng kanyang kamay kay Manolo at itinakwil ito Ikaapat na tagpo Gumawa ng plano sina Don Cristobal at Manolo para mapalambot ang puso ni Don Arkimedes. Tinawag ni Manolo si Rita at ang Tiya Sidora nito sa loob ng kanilang bahay. Ang tiya sidora ni Rita ay kilalang palaban na tao kayat kinabahan si Manolo dahil maaaring kaawayin nito ang kanyang ama at lalo pang lumaki ang gulo Ikalimang Tagpo Ayon kay Don cristobal gagawa daw sila ng komedya kung saan magpapanggap sina Rita at Aling Sidora sa harapan ni Don Arkimedes na ayaw ipakasal ni Aling Sidora si Rita kay Manolo at gayundin ang gagawin ni Manolo nang sa gayon ay mauto nila si Don Arkimedes. Ikaanim na Tagpo Inilahad ni Don cristobal kina Aling Sidora at Rita ang mga gagawan nila at pinalakas niya ang nanghihinang loob ni Rita. Ikapitong Tagpo Naitanghal ng maayos nina Aling Sidora at Rita ang plano ni Don Cristobal kaya napaikot nila ang ulo ni Don Arkimedes at sa huliy ang Don ang nagpupumilit na ipakasal si Rita kay Manolo na pilit pa ring tinatanggihan ng dalawa.

Ikawalong Tagpo Pinagpatuloy ni Aling Sidora ang pagtatanghal at nagpanggap siyang hapong-hapo dahil sag alit. Kinuha ni Don Arkimedes ang kanyang apo kay Rita at inutusan itong aalayan ang tiya nito sa isang kwarto upang maginhawaan. Ikasiyam na tagpo: Tinanggap ni Don arkimedes bilang apo ang anak nina manolo at rita. Pinagmasdan pa niya ito at sinabing kamukhang kamukha niya ito. Ikasampung tagpo Dumating si Manolo habang tinitignan ni Don Arkimedes ang sanggol kungm may nunal bas a batok na sinagot naman ni Manolo na meron .umaktong ayaw nang pakasalan ni Manolo si Rita at magpapari na lamang. Tumutol si Don Arkimedes at sinabing magpapakasal sila ni Rita sa ayaw o sa gustuhin man nito dahil isang arkemidito ang apo niya. Umakto pang tumututol si aling Sidora. Sa huliy nasabi ng magpapaksal ang dalawa. Tuwang tuwa sina Manolo at Rita kasama na rin SI Don cristobal at Aling Sidora dahil nagtagumpay sila sa ika ngang komedya nila.

You might also like