You are on page 1of 6

JPL: LIFE AND HIS WORKS

UNANG BAHAGI
TALAMBUHAY NI DR. JOSE P. LAUREL

PAG-UNAWA SA BINASA

I. PINAGMULAN NG ANGKANG LAUREL

1. TALAKAYIN ANG UGAT NG PAGKATAO NG ANGKANG LAUREL.


 Ayon sa kasaysayan, ang ugat ng pagkatao ng angkang Laurel ay nagmula kay Gat Masungit, pinakamatandang anak ng Sultan ng Brunei. Siya ay
isang matapang na mandirigma na mahilig sa pakikipagsapalaran at gaya ng ibinabadya ng kanyang pangalan ay may hindi mapagtimping
katauhan.

2. BAKIT NAKADAMA NG KABIGUAN ANG AMANG SULTAN NI GAT MASUNGIT


 Nung nakiusap si Gat Masungit sa kanyang ama na palayain siya sa pananagutang maging tagapagmana ng trono nito dahil sa hilig niya sa
abentura, nakadama ng kabiguan ang kanyang amang Sultan sapagkat nakikita niya sa anak ang maraming katangian ng isang mahusay na lider
ngunit dahil sa pinakamamahal niya ang anak ay pinayagan niya itong umalis sa kabila ng kanyang pagbabantulot.

3. ILARAWAN SI MIGUEL DELA CRUZ


 Si Miguel ay isang taong maharlika na nakamana sa kanyang ninuno ng matapang at hindi mapagtimping katauhan. Nasa kanayang dugo ang
pananalig sa katarungan kaya’t di niya nakayanang tanggapin ang kaapihan ng kanyang mga tauhan sa kamay ng mga mananankop na espanol.
Umabot na sa sukdulan ang kanyang galit kaya’t siya’y namundok. Sa paglipas ng panahon ay naisip ni Miguel na mamuhay nan ang tahimik sa
piling ng kanyang pamilya.

4. ISALAYSAY KUNG PAANO NAKUHA NG ANGKAN ANG APELYIDONG LAUREL


 Sumangguni si Miguel sa pari ng Taal kaugnay ng kanyang madugong nakaraan at tinanong din nya sa pari sng kalutasan sa kanyang suliranin.
Ipinayo ng pari na gamitin niya ang apelyidong “Laurel” na nangangahulugan ng dangal.

5. ISALAYSAY ANG KAGITINGAN NG AMA NI JOSE P. LAUREL


6. ILARAWAN SI DONA JACOBA
7. Bakit labis ang pag-aalala ni dona Jacoba sa anak na si Jose?
8. Paano ipinakilala ni Dona Jacoba ang pagmamahal kay Jose?

II. ANG KABATAAN NI JOSE P. LAUREL


1. Talakayin ang pinagmulan ng pangalang Jose Paciano

III. ANG KANYANG PAG-AARAL SA MAYNILA


1. Ano ang naging malaking dagok kay Dona Jacoba sa inaakal niyang susunod si Jose sa mga yapak ng ama sa kukuning propesyon nit?
V. ANG PAG-ALIS AT PAG-BALIK NI JPL SA PAGLILINGKOD SA BAYAN
1. ISALAYSAY NG BUHAY NI JOSE NUNG NAGING MALAYA SYA SA PANANAGUTAN SA PAGLILINGKOD-PUBLIKO. (BUHAY NI JOSE NANG
MAGBITIW SIYA SA PAGIGING KALIHIM NG DEPARTAMENTO NG INTERIOR)
 Naiukol niya ang malaking panahon sa pagpapatatag ng kabuhayan ng kanyang pamilya katuwang ang maybahay na si Dona Pacencia. Nagsikap
sila upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak na sina Jose Bayani, Jose Sotero III, Sotero Cosme, Mariano Antonio (Maning),
Rosenda Pacencia (Rose), Potenciana (Nita), Salvador Roman (Doy), at Arsenio (Dodgie).
 Nagtayo siya ng bupete (law office) kasama ang dalawang kapartner na manananggol na sina Vicente del Rosario at Guillermo Lualhati. Nagturo
siya sa Kolehiyo ng Batas sa UP. Nagsulat din siya ng mga legal na textbook.
 Noong 1927 ay ipinanalo ni Jose ang isang kaso sa Seguro. Binayaran sya ng daang libo at ibinili niya ng isang lumang bahay na nasa Distrito ng
Paco, 625 Kalye Penafrancia, sa panulukan ng Santo Sepulcro. Sa tahanang ito namuhay ng mapayapa ang pamilya ni JPL.

2. ISALAYSAY ANG MASAYANG BUHAY NG PAMILYA NI JOSE KUNG ARAW NG SABADO AT LINGGO.
 Kapag araw ng Sabado at Linggo, maaga pa’y nagtutungo na ang mag-anak sa Luneta. Masaya niyang pinanuod ang mga anak na nagsisipaglaro
at nagsisipagbabad sa Look ng Maynila. Pagkabalik nila sa tahanan, isasama naman ni Jose ang kanyang pamilya sa mainit na paliguan sa Los
Banos. Bago mananghalian ay babalik na rin sila sa Maynila at sa kanilang paglalakbay pauwi ay mamimili sila ng mga puto, kalamay at kutsinta
sa Binan na gustong-gusto ng kanyang mga anak.

3. IPALIWANAG KUNG BAKIT MADALING NATALO NI LAUREL SI ANTERO SORIANO NANG TUMAKBO SILA BILANG SENADOR SA IKALAWANG
DISTRITO (BINUBUO NG BATANGAS, CAVITE, LAGUNA, AT TAYABAS).
 Pagkaraan ng dalawang taon ay nagpasya si Jose na muling pumasok sa larangan ng pulitika. Ang kalaban niya ay si Antero Soriano, isang
Nacionalista mula sa Cavite na suportado ni Quezon. Madali nyang natalo ito dahil sa malaking suporta ng maraming mamamayang may lubos na
tiwala sa knayang kakayahan bunga ng mga naganap na pangyayari kaugnay ng kasong Conley.

4. IPALIWANAG KUNG BAKITANG UNANG HAKBANG NA GINAWA NI JOSE BILANG SENDOR AY ANG IMUNGKAHI ANG REBISYON NG KODIGO
SIBIL NG PILIPINAS.
 Ayon sa kanya, ang batas na ito na minana natin sa nga Espanol ay hindi naaangkop sa Pilipinas. Hindi isinaalang-alang na ang naturang batas ay
plinano ng mga huristang Espanol na ang pananaw ay nasa kalagayan at pangangailangan ng mga mamamayang Espanol at hindi binigyang
halaga ang mga kaugalian, tradisyon at kasaysayan ng mga Pilipino.

5. IPALIWANAG ANG PANUKALANG BATAS NA INIHAIN NI JOSE SA SENADO KAUGNAY NG KABABAIHAN.


 Noong 1928, naghain si JPL ng panukalang batas na nagmumungkhi na bigyang-karapatan ang kababaihan na makaboto sa halalan bilang
pagkilala sa papel na kanilang ginagampanan sa kalinangang panlipunan.
 Pinalaki palibhasa ng isang katangi-tanging babae at nagkaroon ng isang matatag at may paninindigang maybahay, Malaki ang paniniwal ni JPL sa
kakayahan ng kababaihan.

6. BAKIT NATALO NI RECTO SI JOSE NANG MAGRE-ELEKSYON ITO?


 Ang pag-aalis ng suporta ng simbahan kay Jose dahil sa kanyang mapanlabang paninindigan (panukalang batas na dapat magbayad ng buwis ang
mga korporasyong panrelihiyon) ay walang pasubaling siyang dahilan ng kanyang pagkatalo sa pagtakbo niya ng re-eleksyon noong 1931.

7. BAKIT KINILALA SI JOSE NA ISA SA PITONG MATATALINONG LALAKI NG KOMBENSYON?


 Naging tagapangulo si Laurel ng Batas ng mga Karapatan(Bill of Rights). Halos lahat ng tadhana ng mga karapatan sa naturang konstitusyion ay
siya ang sumulat, at dahil sa katangian niyang ito ay kinilala siyang isa sa “pitong matatatlinong lalaki ng kombensyon”

8. IPALIWANANG ANG NANGYARI SA KASONG CUEVO-BARREDO NA HINAWAKAN NI JPL.


 Sa kasong Cuevo-Barredo, ipinaglaban ni Laurel na balitarin sa Kataas-taasang Hukuman ang hatol tungkol sa kaso ng isang empleyado na
ngangangalang Cuevo, na nalunod sa ilog
 Inutusan ni Barredo ang kanyang trabahador na si Cuevo na kunin ang isang putol ng kahoy na nahulog sa tubig. Sinunod ni Cuevo ang utos at
sya ay nalunod. Sa apela, isinaad ni Laurel na dapat pagkalooban ng makatwirang kabayaran si Cuevo dahil sa pagsuong sa panganib at
pagkalunod nito na ang dahilan ay ang pagsunod s autos ng pinaglilingkuran.

9. BAKIT IMINUNGKAHI NI JOSE KAY PANGULONG QUEZON ANG PAGSASAAYOS NG ISANG KODIGO NG MAMAMAYAN NA ITUTURO SA MGA
PAARALAN?
 Noong 1938 sa pag-aalaala ni JPL sa nalalapit na pagkakaloob ng Kalayaan sa Pilipinas, na ang mga Pilipino ay kulang sa pagiging makabayan at
paninindinggang moral, iminungkahi nya kay Quezon ang pagsasaayos ng isang kodigo ng mamamayan na ituturo sa mga paaralan, Binanggit
nya ang Seksyon 5, Artikulo XIII ng Konstitusyon na nagsasaad na lahat ng paaralan ay dapat luminang ng kagandahang-asal. Idinugtong pa niya
na ang Bishudo (o Kodigo ng Mandirigma) na ipinatupad ng Emperador ng Hapon ay nakalikha ng isang bansang natatangi sa pagpapahalaga sa
sarili nitong kaugalian.
 Nalugod sa ganoong ideya si Quezon at kaya ipinahayag niya ang pangangailangan ng “bagong nasyonalismo” at nag-atas na bumuo ng isang
komite na lilikha ng isang “kodigong panlipunan – isang kodigo ng etika at pansariling – isang uri ng nakasulat na Bushido para sa mga Pilipino. Sa
bias ng Utos Tagapagpaganap Bilang 217, Itinalaga niya si Punong Mahistrado ng Ramon Avancena bilang tagapangulo ng Kodigong Moral
kasama sina Laurel, Roxas, Jorge Bocobo at Norberto Romualdez. Nong 1941, si Laurel ang tumayong tagapangulo sa pagkawala ni Avacena.
Natapos ang kodigo noong 1944.

10. IPALIWANAG ANG IBIG SABIHIN NI JOSE NA NABUBUHAY ANG ESTADO PARA SA MGA MAMAMAYAN, AT HINDI ANG MGA MAMAMAYAN
PARA SA ESTADO.

VI. PANAHON NG DIGMAAN


1. ISALAYSAY ANG PAG-UUSAP NINA PANGULONG QUEZON AT LAUREL BAGO UMALIS ANG PANGULO PAPUNTANG CORREGIDOR.
 Nung magpasya ang Pangulong Quezon na si Punong Mahistrado Jose Abad Santos ang isasama sa Corregidor, si JPL ang itinalaga niyang
pansamantalang punong mahistrado. Maiiwan si JPL upang tulungan si Jorge B. Vargas na itinalagang Alkalde ng Kalakhang Maynila. Ayon sa kay
JPL, gagampanan daw nila ni Vargas ang kanilang tungkulin nang buong katapatan sa pangangasiwang pangmunisipyo at pangkatarungan ngunit
maari silang pilitin ng mga hapones na gumawa ng maraming bagay na labag sa Pamahalaang Pilipino at ng Estados Unidos at paratangan sila ng
pagiging taksil. Itinanong niya ka Quezon ngunit ayon dito ay kinakailangan niyang sumangguni ka MacArthur.
 Bago umalis ang Pangulo noong Disyembre 24, 1924, ay ipinagbigay alam nya kay JPL ang sagot ng Heneral na sundin ang pinagagawa sa kanila
ng hapon maliban sa isang bagay, ang panunumpa sa katapatan sa Hapon.
 Pumasok sa Maynila ang puwersa ng mga Hapones noong Enero 2, 1942. Binomba ang Maynila at Cavite. Marami ang namatay at nasugatan,
gusaling nawasak, naging laganap ang nakawan, at inalisan ng mga sandata ang pulisya ng Maynila. Ang pinkamakapangyarihan sa Hukbong
Hapones ay namili ng mga taong magiging miyembro ng tinawag na Komisyoing Pampanagsiwaan. JPL – Komisyoner ng Katarungan

2. TALAKAYIN ANG GINAWA NI JPL BILANG KOMISYONER NG KATARUNGAN NA NAGING DAHILAN NG PAGKABINGIT NIYA SA KAMATAYAN.
 Dahil sa pangingialam ng mga Kempeitai o pulis military (paghiling na mapawalang-saysay ang mga kasong kasalukuyang nililitis), nagpalabas si
JPL ng isang sirkular na nagbabawal ng pagwawalang-bisa sa mga kasong nangangailangan ng paglilitis o pagsisiyasat maliban sa legal na proseso.
 Dahil sa naturang sirkular, pinagreport si JPL sa Fort Santiago, pinigil doon ng tatlong oras at inutusang bawiin ang sirkular pero sinabi niya na
“pag-iisipan niya ito. Ang kanyang pagtanggi ay inireport sa Pinkamataas na Pinuno ngunit hindi naman sya naparusahan.
 Ang bawat komisyoner ay may mapait na karanasan nang panahong iyon dahil malulupit ang mga Hapones, ang anumang kilos ng pagtutol ay
maaaring mangahulugan ng kamatayan ng isang kababayan.

3. TALAKAYIN ANG GINAWANG PAGTULONG NI LAUREL SA MGA BILANGGO NG DIGMAAN


 Pinayagan silang maghain ng petisyon para sa paglaya ng mga bilanggo. Nagkaroon sina JPL ng pagkakaktaong mamagitan para sa kapakanan
nina Heneral Roxas at Punong Mahistrado Jose Abad Santos ngunit ipinabaril na ang huli.

4. ISALAYSAY ANG PAGBARIL KAY LAUREL SAMANTALANG NAGLALALRO SIYA NG GOLF SA WACK WACK COUNTRY CLUB. ANO ANG MGA
NAGING USAP-USAPAN KUNG BAKIT SYA PINAGTANGKANG PATAYIN?
 Noong Hunyo 5, 1943, samantalang naglalaro ng golf si JPL sa Wack Wack Country Club sa Mandaluyong ay pataksil siyang binaril sa likod ng
isang hindi nakikilalang tao na may layuning patayin siya.
 Nakaligtas si JPL ngunit kinailangang manatilki niya ng 2 buwan sa Philippine General Hospital
 Nagkaroon ng malalking usap-usapan kung bakit sya pinagtangkaang patayin.
 Ang ibang palagay ay dahil sa naganap na pagkakatiwalag ng mga tagahatol at pagpapawalang –karapatan sa isang hinete na gumawa ng
katiwalian sa isang karera ng kabayo sa San Lazaro Hippodrome . Si JPL ang nagpasiyasat sa kasong ito
 Bintang na siya’y maka-Hapones kaya pinagtangkaan ang kanyang buhay.
 Dahil napahiya sa pagbaril sa isang opisyal na nasa proteksyon nila, agad na dumakip ng ilang taong pinagbingtangan ang Kempeitai at kanilang
ipinapatay
 Ang nagtangka sa kanyang buhay ay isang boksingerong may palayaw na “Little Joe”
5. TALAKAYIN ANG MGA HAKBANG PARA SA PAGHAHANDA SA BAGONG REPUBLIKA NG PILIPINAS AT PAGKAKAHALAL KAY JPL BILANG
PANGULO
 Bagong Republika
 Nanguna si Laurel sa talaan ng mga Pilipinong kasamang bubuo ng komisyon sa paghahanda para sa kalayaan ng Pilipinas
 Sa pagtupad sa utos, nagsimula silang bumuo ng Saligang Batas bilang paghahanda para sa Republika ng Pilipinas. Si JPL ay naging Tagapangulo
ng Komisyon sa Paghahanda habang siya ay nasa PGH pa.
 Noong Setyembre 7, 1943 iniharap ang Saligang Batas sa isang popular na kumbensyon.
 Setyembre 25, 1943
 Naganap ang Pambansang Asemblea at inihalal ng buong pagkakaisa ng mga delegado sina Aquino bilang ispiker at Laurel bilang Pangulo ng
Pilipinas.
 Inatasan maglakbay patungong Tokyo sina Laurel, Aquino at Vargas upang magreport Kay Premeir Hideki Tojo.
 Septyembre 30, 1943
 Kumperensya sa Punong Ministro Tojo, Ministro Shigemitsu, Ministrong Panlabas Aoki, Ministro ng Kalakahang Silangang Asya) Embahador
Murata at Heneral Wachi at iba pa.
 Dumating sila sa Hapon kung saan binasa ni Tojo ang kanyang tagubilin na humiling kina Laurel na magdeklara ng digmaan laban sa Estados
Unidos at Great Britain
 Pagkatapos ng pagsasaling-wika ni Hamamoto ay tumayo sa Laurel at nanalangin ng Pater Noster habang magalang na nagpahayag na hindi niya
masusunod ang kanilang kahilingan.
 Inagurasyon
 Bumalik sila sa Pilipinas nina Vargas, Aquino, San Victores at Gonzales noong dako ng Oktubre at ika-14 ng naturang buwan ay magkaroon ng
inagurasyon ang Republika ng Pilipinas na may kasamang naaangkop na seremonya.
 Ginampanan ni Laurel ang kanyang papel nang hindi nagpapahalata ng nadaramang sakit ng damdamin.
 Naunawaan siya ng mga makinig sa mensaheng nais niyang iparating na gagawin ng kanyang pamahalaan ang buong makakaya na sila’y
protektahan ano pa man ang mangyari.
 Bagong Republika
 Pinalagda ang Republika sa isang kasunduan ng Pagkakaisa - pulitikal, pangkabuhayan at pangmilitar
 Ginampanan ito ni Claro M. Recto na Ministro ng mga Suliraning Panlabas sa Bagong Republika

6. IPALIWANAG ANG KAHULUGAN NG PATAKARAN NI LAUREL NA “PAMBANSANG KALIGTASAN”


 Ito ang pangunahing patakaran ng pamahalaan
 Kabi-kabila ay pagwawasak at pagpapahirap. Walang pagkain, walang gamot, natigil ang komunikasyon at transportasyon, hindi maaring itaboy
ang Hapones sapagkat silay malakas .
 Magkaisa sa paghihintay nbg magandang bukas at dahil sa ganitong adhikain ay magmahalan, itigil ang patayan sapagkat tanging mga Pilipino
lamang ang maaring magmahal sa mga Pilipino.

7. IPALIWANAG ANG IDEOLOHIYANG PULITIKAL NI JPL.


 Sa ideolohiyang pulitikal, ang pangarap at adhiukain ng mga bayaning Pilipnio at mga makabayan ay ang ganap na kalayaang pulitikal para sa
Pilipinas. Naninindigan si JPL ng isang Pamahalaan ng mga Pilipino, pinamamahalaan ng mga Pilipino at para sa mga Pilipino lamang na hindi
pakikialaman at didiktahan ng kapangyarihang dayuhan.
8. IPALIWANAG ANG IDEOLOHIYANG MORAL NI JPL
 Sa kanyang ideolohiyang moral, ang pinakamalalim na pundasyon ng kanyang administrasyon ay ang katarungan na maka-Diyos at matatagpuan
sa lahat ng relihiyon, na ang tao’y naninirahan sa tatlong daigdig, pisikal intelektwal at moral.
 Ang lakas na pisikal at mental ay hindi sapat, dapat na ang buhay ng tao ay dominahan ng prinsipyong moral.
 Naging lubha siyang relihiyoso sapul nang manumpa siya bilang Pangulo.

9. TALAKAYIN ANG PAGPAPATUPAD NI JPL NG PATAKARAN NG PAGTITIPID.


 Iniutos niya na ang anumang mayroon sa Malacanang ay ipagkaloob sa mga maralita at nagtitiis na masa.
 Ipinagbawal niya ang sosyal na pagdiriwang pati sa kanyang kaarawan
 Ipinagbawal din niya ang pagreregalo sa kanya at sa matataas na pinuno ng Pamahalaan sa ano mang okasyon
 Ipinatupad niya ang isang putaheng ulam sa mga pagkaing ihahanda sa mga bangkete at regular na pagtitipun-tipon.

10. TALAKAYIN ANG NILALAMAN NG KALATAS NA IPINADALA NI LAUREL SA MGA TAGA KAWIT, KABITE NOONG HUNYO 25, 1944 KASABAY NG
PAMAMMAHAGI NG MGA DAMIT NA ALAALA NIYA SA MGA TAGAROON
 Pinakiusapan si G. Emiliano Tria Tirona na kumatawan sa kanya sa pamamahagi ng mga damit
 Sinabi niya na bagama’t hindi iyon makakatugon sa tunay nilang pangangailangan, iyon nama ay galing sa kaibuturan ng kanyang puso
 Manalangin sa Lumikha
 Sinabi niya na napakaselan ng kalagayan nila dahil sa munting pagkakamali ay kapalaran ng ating bayan ang madadawit at mapipinsala kaya
kinakailangan tayo’y manatili sa pamamayapa at pananahimik
 Harapin natin ang pagpapasagan ng pagkain, bumungkal tayo ng lupa at magtanim ng mga halamang mapag-aanihan
 Hinkayat na makipagtulungan sa pamahalaan at mamayapa at magtanim

11. TALAKAYIN ANG KAGANAPAN BAGO HUMANTONG SI JPL NG PAGDEDEKLARA NG ESTADO NG DIGMAAN.
 Noong Setyembre 1944, ipinaalam ni Embahador Shozo Murata na ang Tsina (Nanking), Siam (Thailand) at ang Bose Probisyonal na pamahalaan
ng India ay nagdeklara na ng Digmaal laban sa Amerika at Inglatera
 Nasa gipit na kalagayahn si JPL kayat pinulong niya ang kanyang gabinete at nagpalitan ng mga kuro-kuro. Inilahad niya ang mapagpipilian nila:
 Tanggihan ang pamimilit, sa ganitong oangyayari’y nakahanda na silang tumakas
 Umakyat sa kabundukan, kasama o hindi kasama ang pamilya
 Magpakatiwakal silang lahat kahit na labag sa kanilang relihiyon
 Humanap ng kalutasan o makipagkasundo, na sa pamamagitan ng paggawa ng ilang Deklarasyon ay umaasang mauunawaan ng Estados
Unidos ang kanilang kalagayan
 Ang intension nin JPL ay magdeklara ng hindi pakikipagdigmaan kundi ng pagkakaroon ng Estado ng Digmaan (state war) na tunay naming
katotohanan at hindi ng pangako ng katapatan sa mga Hapones.
 Sumangguni sya kina Hen Roxas at mga miyembro ng gabinete at sumangayon sila sa huling panukala. Nagbigay ng Deklarasyon si Pangulong
Laurel na ang bansa ay nasa estado ng digmaan. Pagkatapos ay ipinahayag niya ang Batas Militar (Martial Law).
 Sa kabila ng pamimilit ng mga Hapones sa sapilitang pagsusundalo ng mga Pilipino upang labanan ang estados unidos, pinanindigan ni JPL na
wala iyon sa kasunduan at wala sa patakaran ng Republika.

You might also like