You are on page 1of 2

CHAPTER 5

PAG-ALIS AT PAGBALIK NI JPL SA PAGLILINGKOD SA BAYAN

Katuwang niya si Doña Pacencia sa pagpapalaki ng kanilang anak na sina Jose Bayani, Jose Sotero
III, Natividad, Sotero Cosme, Mariano Antonio, Rosenda Pacencia, Potenciana,Salvador Roman at
Arsenio.

 Nagtayo siya ng sariling bupete ng magbitiw siya sa pagiging Kalihim ng Interior, may dalawang
kapartner na mananaggol na sina Vicente del Rosario at Guillermo Lualhati.

 Kabilang sa mga kanyang kliyente ay mga kompanya ng mga Hapones .

 1927-ipinanalo ni Jose ang isang kaso sa seguro. Binyaran siya ng daang libo . Nilaan niya ito
pambili ng lumang bahay na nasa distito ng Paco, 625 Kalye Peñafrancia sa panulukan ng Santo
Sepulcro.
 Kapag araw ng Sabado at Linggo ay nagtutungo sila sa Luneta. Masaya niyang pinanonood ang
mga anak na nagsisipaglaro at nagsisipagbabad sa Look ng Maynila. Pagkabalik nila sa tahanan,
isasama naman ni Jose ang kanyang pamilya sa mainit na paliguan sa Los Baños.
 Pagkaraan ng dalawang taon ay nagpasya si Jose na muling pumasok sa larangan ng
pulitika. Kumandidato siyang senador sa ikalawang distrito. Antero Soriano- kalaban ni Jose
sa pagtakbo at isang Nacionalista mula sa Cavite na suportado ni Quezon.
 Ang unang hakbang ni Jose bilang senador ay ang imungkahi ang rebisyon ng Kodigo Sibil ng
Pilipinas. Ayon sa kanya ang batas na ito na minana natin sa mga espanol ay hindi naaangkop
sa Pilipinas.
 1920- Napagtibay ang kanyang panukalang batas ng dalawang kapulungan.
 1949- ipinatupad dahil sa kumplikadong proseso ng dalawang kapulungan sa pagpapatupad ng
mga pagbabago.

• 1928- Naghain si Jose P. Laurel sa senado ng panukalang batas na nangmumungkahi na bigyang-


karapatan ang mga kababaihan na makaboto sa halalan bilang pagkilala sa papel na kanilang
ginagampanan sa kanilang lipunan.

• 1931- Dahil sa pag-aalis ng suporta ng simbahan kay Jose nagging dahilan ito ng pagkatalo niya sa re-
eleksyon laban kay Claro M. Recto.

• Dalawang partidong pulitikal ang may napakahalagang papel sa pagkakaloob ng America ng kalayaan
sa mga Pilipino. Sang-ayon ang Democratic Party habang ang Republican Party ay laban dito.
• 1932- Sa ginanap na eleksyon ay naging mayorya ang mga Demokrata sa Mababang Kapulungan.
Inalok si Laurel ng Justice Department portfolio ngunit tinanggihan niya ito dahil sa ibig niyang
ipagpatuloy ang kanyang propesyong pagkamanananggol at ang kanyang pagtuturo.

• Hare-Hawes-Cutting Act Ito ay nagsasaad ng pagkakaloob at pagkilala ng kalayaan ng Pilipinas


pagkaraan ng sampung taong panahon ng transition at ito na marahil ang pinakamabuting batas na
naiuwi ng mga “misyoneryo”.

• 1934- Natapos ang hidwaan ng matagumpay na maiuwi mula sa Estados Unidos ni Quezon ang
Tydings-McDuffie Law. Ito ay nagsasaad ng pagkakaloob at pagkilala ng kalayaan pagkaraan ng sa
sampung taong panahon ng transition ngunit may ilang pagbabago at pagdaragdag ng isang kundisyon.

• Kumbensiyong Konstitusyonal. Itinatadhana sa naturang batas ang pagkakaroon ng isang halalan


para sa mga deligado ng kombensiyong konstitusyonal.

• Kumandidato si Laurel at nahalal na deligado ng ikatlong distrito ng Batangas, Naging


pansamantala siyang tagapangulo ng Kombensyon. Naging tagapangulo si Laurel ng Batas ng mga
karapatan (Bill of Rights).

• 1935- Pinagtibay ang Konstitusyon ng Commonwealth at nahalal si Quezon na Pangulo nito.

• Kasong Cuevo-barredo-isang kaso tungkol sa isang empleyado na nagngangalang cuevo.

Seksyon 5, Artikulo XIII ng Konstitusyon- nagsasaad na lahat ng paaralan ay dapat luminang ng


kagandahang asal.

Bushido (Kodigo ng Mandirigma)-ipinatupad ng Emperador ng Hapon bilang opisyal na doktrina noong


1890

Kodigong Panlipunan- isang kodigo ng etika at pansariling kaugalian. isang uri ng nakasulat na Bushido
para sa mga Pilipino.

You might also like