You are on page 1of 7

JPL Reviewer

By Vincent Leonard V. Alhambra

I. KABATAAN NI JOSE P. LAUREL

- Isinilang sa Tanauan, Batangas noong Marso 9, 1891.


- Pangalawang anak sa limang magkakapatid (sya ang panganay na lalaki)
- Ang pangalang Jose ay nanggaling sa pangalan ni San Jose na tumayong ama ni Hesus.
Ang pangalang Paciano ay isinunod sa nakakatandang kapatid ni Rizal na lalaki.
- Dahil namatay si Sotero, si Dona Jacoba ang mag-isang gumabay sa mga anak nya.

EDUKASYON

- Ipinasok si JPL sa paaralan ni Padre Valerio Malabanan (same school kay


Sotero)
- Inakala ng mga guro ni JPL na wala na syang pag-asa sa buhay dahil pabaya at
makulit ito
- Binigyan ni Dona Jacoba si JPL ng kwintas na ginto na may 18 karat na may
palawit na krus. Naging simbolo ito ng hindi pagsuko ni Dona Jacoba kay JPL
kaya ito ay nag-aral ng mas maayos.

Sanaysay na sulat ni JPL noong 1950 patungkol sa nanay nya:

1. Ginuguhi at dinadasalan s’ya madalas nito


2. Sabi rin ni JPL, sana e bata na lang daw ulit s’ya.
3. Noong naging senador na si JPL ay malimit silang magkita ng nanay nya (na
nakawheelchair na) upang mapasyal nya ito sa Dewey Boulevard (na kilala na ngayong
Roxas Boulevard)
4. Nang mamatay ang nanay ni JPL ay labis itong nalungkot. Bilang pagbibigay galang, si
JPL ay nanumpang magsusuot lamang ng itim na kurbata (or black nectie) habang
sya’y nabubuhay.

II. ANG KANYANG PAG-AARAL SA MAYNILA

1906
- Umalis sa Tanauan upang mag-aral sa alma mater ng tatay n’ya: ang San Juan de
Letran
- Bagama’t matataas ang mga marka sa Latin at Algebra, may mababa pa syang subject.
Ito ang dahilan bakit bumagsak s’ya sa unang taon n’ya sa Letran (pag nagfail kasi ang
isang subject, failed na lahat)
- Kaya s’ya bumagsak kasi occupied sya sa sinalihan n’yang orkestra sa Tanauan kaya
umalis sya dito

Lumipat s’ya sa Manila South High School sa intramuros sa ikalawang taon n’yang pag-aaral.
Nakapagtapos sya dito nung 1911

- Sinanay sya ng mga gurong Amerikano at Pilipino dito sa mga topics na political,
pamumuno, culture, history, pamahalaan, at liberal na demokrasya.

Subalit mahusay sa pag-aaral ay hindit ito nabigyan ng karangalan nang sya’y magtapos. Ito ay
dahil sa:
- Noong nagbabakasyon sya sa Tanauan noong December 26, 1909, dinare sya ng
kaibigan nya at nagnakaw ng halik kay Concepcion Lat, dati nyang nililigawan. Kaso
nalaman ito ni Exequiel Castillo, ang current na manliligaw ni Concepcion.
- Naghamunan ang isa’t-isa ng dwelo sa balisong. Habang naglalaban, umiwas si JPL sa
mga tira ni Exequiel, na naging sanhi ng sugat ni Exequiel na malubha. S’ya ay
kinasuhan ng nabigong pagpatay o attempted murder ngunit pinawalang-sala ito nang
matuklasan na si Exequiel ang nag-udyok ng labang. Umabot ito sa korte ng dalawang
taon—lubhang ikinaubos ng kabuhayan ng pamilya ni JPL.
- Ang naging abugado ni Laurel ay si Clyde de Witt at nanalo sila nung umapila sila sa
Korte Suprema. Mahigit 10,000PHP ang kanilang binayaran.

After, naghanap sya ng trabaho at naging sakristan sya sa isang simbahan (position daw na bagay
sa skills nya). Dito nya natutunan ang disiplina at pagtitiis. Sa pag aaral nya ng katesismo ay
naging maayos ang paniniwala nya abt kay Lord

After nito, nagturo sya ng English sa La Regeneracion High School sa Trozo, Binondo
Nag-aaral din sya dito ng secondary course nya na Spanish.
- Perks sa pagtuturo nya: free food and housing + 30PHP na sweldo buwan buwan
- Kahit may perks siya, nagtitipid pa din sya. Naglalakad sya instead of commuting, ‘di sya
bumili ng bagong sapatos kahit na sira na at karton na lang ang nasa soles.

Nagtrabaho ulit si JPL bilang klerk sa Bureau of Forestry na may sahod na 40PHP (18 yo)
- Dahil ipinagkakasya nya lang ang sweldo nya, di sya makabili ng magagandang damit.
Kaya sya ay nagsusuot lamang ng khaki pants, na naging dahilan sa pang-aasar sa kanya
ng “scout”

Sa pagtatapos ni JPL nong 1911 ay nagpasya syang mag-abugasya. Sya ay nagpatala sa


University of the Philippines College of Law.
Noong taong ito, ikinasal sya kay Pacencia Hidalgo. Ngunit noong Mayo 9, 1911, natuklasan ng
Hukumang Dulugan na sya at nagkasala ng nabigong pagpatay at pinatawan sya ng hatol sa
pagkabilanggo nang higit pang labing-apat na taon (eto yung kay Exequiel).

Napawalang-sala si JPL dahil sa pag-apila ni Justice Florentino Torres sa Kataas-taasang


hukuman. During this time, (second year sa college), ito na rin yung sumali si JPL sa Code
Committee na pinapamunaan ni Justice Manuel Araullo.

Isa sa members ng Code Committee na si Thomas Atkins Street at nakapansin sa kakayahan ni


JPL. Sinama nya it sa pagsasali ng mga probisyon mula sa mga tomo (volumes) ng mga
documents. Nag-aral si JPL sa Escuela de Derecho ng Spanish para mas maintidhan nya yung
mga batas.

Sa experiences nyang to mas naging liberated si JPL. Pinayuhan ni Street si JPL na mag-aral ng
Constitutional Law. Si JPL ay mas maging maalam. Ayon sa Dean nito na si George A.
Malcolm: “Ang pangunahing layunin ng Kolehiyo ng Batas ay ang sanayin ang mga lider para
sa bansa.”

Marso 1915 - Nagtapos si JPL with flying colors. Ang kanyang thesis na “What Lessons May
Be Derived by the Philippine Islands from the Legal History of Louisiana” ay ang best thesis
paper noong taon ng kanyang pagtatapos. Pangalawa sya sa bar exam noong September.

From Code Committee, nailipat sya sa Malacanang Executive Bureau sa recommendation ni


Justice Smith.

1919 - naging puno sya ng Miscellaneous Division. Nakakuha sya ng Doctor of Jurisprudence
sa Escuela de Derecho at napili sya ng Sekretaryo ng Interyor na maging isa sa pensionados
ng pamahalaan sa Yale.

III. PAG-AARAL NI JPL SA AMERIKA


● Si Jose ay nagtungo sa Estados Unidos kasama ang mga pensionados (a Philippine
student whose expenses are paid by the government while he studies abroad).
● Sinunod niya ang payo ni Justice Street na kumuha ng master sa Constitutional Law sa
prestihiyoso Yale University.
● Ang Doctor of Civil Laws ay ipinagkaloob sa kanya ng Yale University.
● Nagtapos si JPL sa pagkadalubhasa sa batas sa Yale University sa taong - Hulyo 19, 1920
● Matapos ang tatlong buwan ay pumunta sa Europa, dumalo sa mga legal lecture -
University of Oxford sa England at University of Sorbonne sa Paris.

IV. PAGBABALIK NI JPL SA PILIPINAS


● Umuwi ng pinas si JPL sa December 30, 1920
● Nanungkulan bilang Hepe ng Dibisyon ng Batas ng Kawanihang Ehekutibo bago siya
umalis ng Pilipinas.
● Naging punong Kawanihang Ehekutibo clerk noong Enero 1, 1921
● Naitalaga ulit siya makalipas ang isang taon bilang undersecretary ng Deparmento ng
Interyor
● Itinalagang Sekretaryo ng Interyor ni Gobernador Heneral Wood sa rekomendasyon
ng dating sekretaryo Teodoro M. Kalaw
● Gobernador Heneral Leonard Wood ay nagtalaga upang maging secretary ng
Interyor matapos lamang ang pitong buwan.
● Bukod sa pagtutuon ng pansin sa aspeto ng pagsasalin ng pamahalaan, tulad ng
administrasyong Lokal na Pamahalaan at sistema ng elektoral, pinasimulan niya ang
mga proyekto para sa pagpapaunlad ng mga rehiyon at organisasyong nasasakupan niya.
● Sa kanyang pulitikal na pananaw, dapat bigyang bahagi ang mga mamamayan sa
pagtataguyod ng demokrasya.
● Si Ray Conley ay isang patrolman sa Manila Police Department at inakusahan na
tumatanggap ng suhol at nagpalsipika ng dokumentong publiko na may kinalaman sa
kanyang kerida.
● Si JPL ay sumulat siya kay wood noong taong Hulyo 14, 1923: "Ang dangal ng aking
bayan, at ang aking sariling dangal ay hindi nagpapahintulot nang gayon."
● Hulyo 15, 1923 ay pinasundo si Jose P. Laurel sa Los Baños ni Wood kay Colonel
Gordon Johnson.
● Hulyo 16, 1923 ay pumunta ng Malacanang si Jose P. Laurel
● Hulyo 17, 1923 ay pinayagang magbitiw si Jose P. Laurel ni Wood.
● Ang Amerikanong pangulo na si Calvin Coolidge ay nagpatuloy na nagbigay ng buong
suportang pulitikal at legal kay Wood.
● Tinanggap ni Wood ang pabitiw sa tungkulin ni Jose noong Hulyo 17, 1923.
● Kasama sa nagbitiw ang Konseho ng Estado nung araw na iyon.
● Calvin Coolidge - Amerikanong Pangulo.
● Nanatili si Wood at namatay dahil sa kanser sa utak noong Agosto ng 1927.

V. BUHAY NI JPL MATAPOS UMALIS SA PULITIKA

Kalihim ng Departamento ng Interyor ang binitiwang posisyon ni JPL.

Pamilya ni Jose P. Laurel


Kabiyak: Doña Paciencia
1. Jose Bayani
2. Jose Sotero III
3. Sotero Cosme
4. Mariano Antonio
5. Rosenda Panciencia
6. Potenciana
7. Salvador Roman
8. Arsernio

Addt’l Info:
1. Nagtayo s’ya ng sariling law office o bupete
- Vicente Del Rosario
- Guillermo Lualhati
2. Nagturo ng batas sa University of the Philippines
3. Nag-akda rin s’ya ng mga legal na textbooks

VI. BUHAY NI JPL SA PAGBABALIK SA PULITIKA (Makalipas ang dalawang taon)

- Kumandidatong senador sa ikalawang distrito. Kalaban nya si Antero Soriano

Mga ginawa ni JPL bilang Senador:


1. Rebisyon ng Kodigo Sibil ng Pilipinas (napatibay noong 1920 ngunit ipinatupad lamang
noon 1949)
2. Naghani ng panukalang batas noon 1928 for women’s suffrage (hindi naipasatupad)
3. Ang mga korporasyong panrelihiyon ay pinagbabayad ng buwis (hindi pumayag ang
mga religious groups kaya natalo si JPL sa sumunod na eleksyon noong 1931)
VII. BUHAY NI JPL NANG BUMALIK MULI SA PULITIKA

Republic Party (ayaw ng kalayaan ng Pilipinas) vs. Democratic Party (gusto ang kalayaan)
Presidente ng Estados Unidos: Herbert Hoover (republican)

1932 - Inalok si Laurel ng Justice Department portfolio ngunit mas pinili niyang ipagpatuloy
ang pagkamanananggol at pagtuturo.

1933 - Nangampanya si JPL sa pagtanggap ng Hare-Hawes-Cutting Act (unang batas na


nagbigay ng petsa sa kalayaan ng Pilipinas) (hindi sang-ayon si Manuel Quezon kasi duda s’ya
dito)

1934 - Nagtagumpay si Quezon sa pagpapatupad ng Tydings-Mcduffie Law o Philippine


Commonwealth and Independence Act. Parehas ito sa Hare-Hawes-Cutting Act ngunit may
rebisyong naganap.

- Kumandidato si Laurel at nahalal siyang deligado ng ikatlong distrito ng Batangas. Si


Recto ang permanenteng pangulo ng kombensiyon at si Laurel ang tagapangulo ng Batas
ng mga Karapatan (bill of rights).

1935 - Pinagtibay ang Konstitusyong Commonwealth at si Quezon ang pangulo. Si Recto at


Laurel ay naging mahistrado ng kataas-taasang hukuman.

Kasong Cuevo-Barredo: kung saan nasawi ang empleyado na si Cuevo dahil sa pagka-lunod.
Sinunod lamang nito ang kaniyang amo. Ngunit nagpasya ang Mababang Hukuman na ang may
kasalanan ay ang trabahador. Inapela ni Laurel na dapat pagkalooban ng kabayaran si Cuevo
dahil sumunod lamang siya sa utos sa kaniya kung gaya't nalagay sa panganib ang kaniyang
buhay.

“Nabubuhay ang estado para sa mga mamamayan, at hindi ang mga mamamayan para sa
estado.” - Jose P. Laurel
1938 - nag-aalala si Laurel sa nalalapit na kalayaan ng Pilipinas dahil ang mga Pilipino ay
kulang sa pagiging makabayan. Kaya iminungkahi niya kay Quezon ang pagsasaayos ng isang
kodigo (Article 13 ng Constitution). Ipinahayag niya ang pangangailangan ng bagong
nasyonalismo at pag-buo ng isang komite na lilikha ng isang kodigong panlipunan.

1939 - Itinalaga si Punong Mahistrado Ramon Avencena bilang tagapangulo ng Komite ng


Kodigong Moral

Dec. 29, 1940 - isinumete ang pangwakas na report ng Kodigo Moral kay Quezon at dito ay
ipinagpatibay.

- May layuning palawakin ang Kodigo ngunit nahadlangan na ito ng pagsiklab ng digmaan.
Ngunit sa maikling panahon, naturo na ito sa mga eskweluhan bilang "Kodigo ng
Pagkamamamayan" hanggang 1945.

1941 - Nag reorganisa ang komite alisunod sa Batas Commonwealth Bilang 628 na si Laurel ang
tumayong tagapangulo sa pagkawala ni Avencena. Natapos ang kodigo noong 1944.

You might also like