You are on page 1of 2

PILAR FRANCHESCA P.

SANTIAGO 9 – DIYOSESIS NG BACOLOD

MR. VICTOR UMALI

Filipino 9

“Malikhaing Panghihikayat (Talumpati)”

Ang Kalinangan 9 ay nagtataglay ng iba’t ibang istorya na mapupulutan ng maraming aral. Nais
mo bang malaman ang mga kuwentong ito? Kung ganoon ay ibabahagi ko sa iyo ang mga
kuwentong tiyak na may matututunan ka na, malilibang ka pa!

Ang unang kuwentong aking ibabahagi ay “Ang mga Tiket sa Loterya ni Haji Zakaira” . Ito ay
nagmumula sa Indonesia na isinulat ni Machtor Lubis. Ipinakikilala dito si Haji Zakaira, ang
dating mayroong malawak na plantasyon ay naghirap dahil sa pagsugal sa loterya. Sa kanyang
pagsisisi, siya ay nagpakamatay. Ang teksto ay nagbibigay aral sa mga mag-aaral at gayundin sa
matatanda, ang panganib ng masasamang bisyo.

Isa pa sa mga kuwentong dapat mong basahin ay ang “Mga Katulong sa Bahay” ni Vei Trong
Phung. Isang magsasaka ang nakipagsapalaran sa kalunsuran upang umangat sa buhay.
Kinailangan niyang tumira sa mga mururuming lugar ngunit hindi ito pumigil sa kanyang mga
pangarap. Ibinibigay ang aral na hindi dapat tayo susuko ano mang hamon ang harapin.

Mahilig ka ba sa tula? Ang “Mga Tunog ng Kahirapan” ni Jacinta Ramayah ay nagpapakita ng


kalagayan ng mga taong walang makain at walang tirahan. Tinuturuan tayong maging
mapagmalasakit sa ating kapwa, sino man sila.
Sa Aralin 4 makikita ang “Singapore” ni Leonardo Dayos. Isinasalaysay ang pag-unlad ng
bansang Singapore na tinatawag ding Lungsod ng Leon. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng salita,
relihiyon, at kultura, ang mga mamamayan ay naging magalang at nagkaisa.
Kung tipo mo ang kuwentong pag-ibig, ang “Forevermore” ay nasa Aralin 5. Ito ang kuwento
nina Xander at Agnes. Ipinapakita dito na sa tamang tao sa paligid natin ay makakapagbago
parin tayo. Katulad ni Xander na iresponsable noon, natuto siyang maging mabuting tao.
Ang pinakahuling teksto ay ang “Pahapyaw na Pagtalakay sa Talambuhay ni Jose Rizal”. Ang
naging inspirasyon ni Rizal sa pagbuo ng Noli Mi Tangere ay ang kagustuhan ipakita ang tunay
na kalagayan ng mga Pilipino sa mga Kastila. Ang kaniyang katapangan ay isang magandang
katangian na dapat nating taglay.

Bilang pagtatapos, ang lahat ng aking ibinahaging kuwento at tula ay kapupulutan ng aral. Ang
kuwento ni Zakaira ang nagbibigay aral sa masamang bisyo, ang Katulong sa Buhay ay
pumapatungkol sa pagsisikap, ang tula ni Jacinta Ramayah ay nagpapakita ng kasalatan. Sa
“Singapore” mapapahalagahan nating ang pagkakaisa, ang kwento nina Xander at Agnes ay ang
kuwento ng pagbabago at ang huli, ang Talambuhay ni Jose Rizal, ay hinihimok tayong maging
matapang. Sa lahat ng ito, ano-ano ang mga nakakuha ng interes mo?

You might also like