You are on page 1of 18

KABANATA I

"Pag-gamit ng Modernong Teknolohiya: Implikasyon sa mga mag-aaral sa Goa Science

High School "

PANIMULA

Ang teknolohiya ay isa sa pinakamahalagang instrumento para sa pagkuha ng

impormasyon ng mga mag-aaral ngayong henerasyon. Dahil sa mga modernong kagamitan tulad

ng cellphone, laptop, computer, at projector, napapabilis ang iba't ibang gawain ng tao sa kanilang

pang-araw-araw na buhay. Ang teknolohiya ay nagsilbing kasangkapan sa pag-aaral ng mga mag-

aaral, lalo na noong panahon ng pandemya kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas ng

bahay dahil sa nakakahawang sakit na maaaring magdulot ng kamatayan.

Taong 2020, nagkaroon ng COVID-19 pandemya na isang nakakahawang sakit na

nagsasanhi ng malubhang karamdaman at nakaapekto sa buong mundo. Ito ay nagdulot ng

pagbabago sa pamamaraan ng pagkatuto at pagtuturo sa mga mag-aaral. Alinsunod sa Kagawaran

ng Edukasyon ay na implementa ang Memorandum Blg. 032 Series of 2020. Ang Goa Science

High School ay dumaan sa prosesong “Adoption of the Basic Education Learning Continuity Plan

(BE-LCP) for School Year 2020-2021 in the light of the Covid-19 Public Health Emergency”

(Memorandum Blg. 032 S. 2020). Ang teknolohiya ay naging pangunahing tulay sa online class at

blended learning, ito ay nakapagbigay ng masusing access sa edukasyon sa pamamagitan ng video

conferencing, e-learning platforms, at iba pang online resources. Ito ay nagbigay daan para sa

interaktibong pag-aaral, pagsusuri ng mga module, at real-time na komunikasyon sa pagitan ng

guro at mag-aaral. Natapos na ang pandemya ngunit patuloy parin na lumalago ang teknolohiya sa

Goa Science High School, dahil mas napapadali nito ang pag-aaral ng mga estudyante.
Sa pag-unlad ng teknolohiya, nagiging mas laganap ang paggamit nito sa iba't ibang

larangan, lalo na sa larangan ng edukasyon. Isang magandang halimbawa ay ang pag-adopt ng

paaralan ng e-learning o online na edukasyon. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga online

platforms at tools, mas nagiging mabilis at maayos ang pamamahagi ng mga aralin at

impormasyon. Ito ay nagbibigay daan sa mas malawak na pag-access sa edukasyon, anuman ang

lokasyon ng mag-aaral. Bukod dito, ang teknolohiya ay maaaring gamitin para sa iba't ibang

proyekto at gawain tulad ng mga virtual na eksperimento sa agham, multimedia presentations, at

iba pang creative na pagsasanay na nagpapabuti sa mga kasanayan ng mga mag-aaral. Sa ganitong

paraan, ang pag-implika ng teknolohiya sa paaralan ay nagbubukas ng mga bagong posibilidad at

nagpapalawak ng mga oportunidad para sa mas modernong edukasyon.

Sa pamamagitan ng pag-focus sa modernong teknolohiya at ang implikasyon nito sa mga

mag-aaral, nais naming masusing pag-aralan kung paano nakaka-apekto ang mga kasangkapan

tulad ng cellphone, laptop, at internet sa buhay pang-akademiko ng mga estudyante sa Goa Science

High School. Ito ay naglalaman ng dalawang bahagi ng pagsusuri. Una, ang modernong

teknolohiya ay isang paksang puno ng interes dahil sa kahalagahan nito sa pang-araw-araw na

buhay ng mga mag-aaral. Pangalawa, ang pagtingin sa implikasyon nito ay nagbibigay daan para

sa masusing pagsusuri ng mga potensyal na epekto nito sa aspeto ng edukasyon at personal na pag-

unlad ng mga mag-aaral sa Goa Science High School.


RASYONAL NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay nakatuon sa pag aaral sa kagawaran ng edukasyon. Bilang isang

paaralan na may pangunahing focus sa agham at teknolohiya, mahalaga ang pag-unawa sa kung

paano nakakaapekto ang mga kasangkapan ng modernong teknolohiya sa kanilang pag-aaral at

pag-unlad. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong magsilbing ilaw sa kung paano makakatulong

ang teknolohiya sa paglinang ng kaalaman ng mga mag-aaral, at kung paano ito maaaring maging

daan sa mas malalim na pang-unlad sa larangan ng edukasyon sa Goa Science High School.

BATAYANG KONSEPTWAL

Ang pananaliksik na ito ay may paksang “Paggamit ng Modernong Teknolohiya:

Implikasyon sa mga mag-aaral sa Goa Science High school” ay binigyan ng konseptong

konseptwal upang mas maintindihan at malaman ang tutunguhin ng pag-aaral na ito na ginamitan

ng modeling Input, Process, at Output.


Input: Proseso:
Output:
Nais malaman ng mga Ang mga mananaliksik
mananaliksik ang Inaasahan ng mga
ay magsasagawa ng
ginagamit na mananaliksik sa pag-
survey hinggil sa
teknolohiya at sa aaral na ito na
paggamit ng
anong sitwasyon ito malaman kung anong
teknolohiya ng mga
ginagamit ng mga ginagamit na
mag-aaral sa Goa
mag-aaral sa Goa teknolohiya at sa kung
Science High School.
Science High School at anong mga gawain ito
ang magiging epekto ginagamit ng bawat
nito sa pag-aaral mag-aaral sa Goa
kaya’t gumawa ang Science High School at
mga mananaliksik ng ang epekto nito sa
kwestyuner o survey pag-aaral.
na nakaloob ang mga
katanunang na
tungkol sa paksang
pinag-aaralan.

Pigyur 1. Batayang Konseptwal ng Teknolohiya sa mga mag-aaral sa Goa Science High School

Ang modelong nakalarawan ay tumutukoy sa daloy ng pananaliksik. Nakasaad sa input

ang mga nais malaman ng mga mananaliksik at nakasaad naman sa proseso ang ang paraan na

ginamit upang makalap ang mga impormasyon na ang repondante ay mga mag-aaral sa Goa

Science High School at nakasaad sa output ang gustong kalabasan ng nasabing pag-aaral.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

I. Mga Tanong

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masagutan ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano-ano ang mga ginagamit na teknolohiya ng mga mag-aaral?

2. Sa ano-anong mga gawain sa paaralan ginagamit ng mga mag-aaral ang teknolohiya?

3. Ano-ano ang epekto ng makabagong teknolohiya sa pagkatuto ng mga mag-aaral?

II. Layunin

Ang mga mananaliksik ay nagnanais na matuklasan ang mga sumusunod na layunin:

1. Matukoy ang mga ginagamit na teknolohiya ng mga mag-aaral.

2. Matukoy kung sa anong mga gawain ginagamit ng mga mag-aaral ang teknolohiya.

3. Matukoy kung ano ang epekto ng teknolohiya sa mga mag-aaral


TEORETIKAL NA BALANGKAS

Isinasaalang-alang ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na teorya upang mag silbing

batayan sa pag aaral:

TEORYA NG KARANASAN

Ayon sa Social Cognitive Theory ni Albert Bandura (1960). Ang mga Mag-aaral ay

natututo sa pamamagitan ng obserbasyon, interaksyon, at karanasan. Maaring itong maging

basehan para ipaliwanag kung paano ang teknolohiya ay nakakaapekto sa pag-aaral sa aspeto ng

pag-aaral mula sa online resources, social interaction online, at ang impluwensya ng digital media

sa kanilang karanasan at kaalaman.

TEORYA NG PAG TANGGAP

Ayon sa “Technology Acceptance Model” (TAM) 1989 na inilatag nina Davis, Bagozzi, at

Warshaw. Ang TAM ay naglalarawan kung paano tinatanggap ng mga tao ang isang teknolohiya

at kung paano ito nakakatulong sa kanilang layunin o gawain. Maaring gamitin ang TAM para

masusing suriin kung paano tinatanggap ng mga mag-aaral ang teknolohiya sa kanilang pag-aaral

at kung paano ito nakakatulong sa kanilang pag-unlad at pagkatuto.

Ang mga teoryang ito ay naiuugnay ng mga mananaliksik sa kanilang pag-aaral sapagkat

maaring mag salamin sa potensyal na pag-uunlad ng edukasyon sa pamamagitan ng teknolohiya,

subalit malasakit sa pag gamit nito upang maiwasan ng mga negatibong epekto.
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga sumusunod:

Mag-aaral:

Mahalaga Ang simpleng prodyektor na ginagamit sa mga klasrum ng mga estudyante. Ito

ay may kakayahan na palakihin ang mga imahe upang mas maayos na maipakita ang mga

halimbawa ng mga tagapagturo. Sa pamamagitan ng mga gadyet ay mas napapadali ang paggawa

ng mga takdang-aralin ng mga kabataan ngayon.

Guro:

Ang kahalagahan naman ng prodyektor ay natutulungan ang mga guro na maipakita ang

biswal na larawan ng kanilang itinuturo at makita ang mga halimbawa ng kanilang inaaral nang sa

ganon ay madaling maiintindihan at mauunawaan ang kanilang paksa.

Magulang:

Mahalaga ang pagkakaroon ng komunikasyon ng mga Magulang sa Paaralan. Maaring

magtext, tumawag, mag chat at kung ano-ano pang uri ng komunikasyon ngayon upang maipabatid

sa mga magulang ang mga kaganapan at mga obserbasyon ng guro sa mga estudyante o kanilang

mga anak.
Paaralan:

May iba't-ibang klase ng teknolohiya ang ginagamit sa loob ng klase depende sa kung

anong signatura o paksa ang kanilang pinag-aaralan, kagaya lamang ng kalkulator. Ang kalkulator

ay bahagi din ng makabagong teknolohiya upang mapadali ang adisyon , pagbabawas ,

pagmumultiplikasyon , pag-hahati o sa madaling salita ay pagbibilang.

Susunod pang mananaliksik:

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang magkaroon na ng pangunahing impormasyon

at kaalaman ang mga susunod pang mananaliksik. Ito ay magiging gabay nila upang mas maging

madali ang kanilang pananaliksik sa kaparehong paksa.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagkalap ng impormasyon sa kung ano ang epekto

ng paggamit ng teknolohiya sa pag- aaral ng bawat mag-aaral sa Goa Science High School,

Tagongtong Goa, Camarines Sur.

Ang pag-aaral ay sumasaklaw sa limang daan animnapu’t limang (565) mga respondante

na mga mag-aaral ng Goa Science High School.


KAHULUGAN NG MGA KATAWAGAN

Ang mga sumusunod na salita ay binigyan kahulugan batay sa kung paano ito ginagamit

sa pangungusap:

Teknolohiya

Ang teknolohiya ay tumutukoy sa mga makabagong kagamitan na ginagamit o nadebelop

upang mapadali ang pamumuhay ng tao lalo na ang mga estudyante.

Mag-aaral

Ang mga mag-aaral ng Goa Science High School ang mga respondente sa pag-aaral na ito.

Sila ang tatanungin na kung ang paggamit ba ng modernong teknolohiya ay nakakatulong upang

matukoy ang mga ginagamit na teknolohiya ng mga mag-aaral. Sa ano-anong mga gawain sa

paaralan ginagamit ng mga mag-aaral ang teknolohiya at ano-ano ba ang epekto ng makabagong

teknolohiya sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Epekto

Ang epekto ay isang kinalabasan, naging resulta o naging Bunga ng isang pangyayari,

bagay at mga sitwasyon. Ito ay ang resulta ng pagsasalik mula sa Mag-aaral ng Goa Science High

School.
Moderno

Tumutukoy sa makabagong kagamitan na nadebelop upang magamit ng mga tao at mga

estudyante.

Implikasyon

Ang implikasyon ay kasingkahulugan ng mga salitang pagkakadamay at pagkakasangkot.

Ito ay tumutukoy sa pagkakaugnay ng teknolohiya sa mga Mag-aaral sa Goa Science High School.
KABANATA II

REBYUNG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Bago gawin ang pananaliksik na ito ay may mga pag-aaral na tungkol sa paksang ito na

napatunayan at ito ay nagbigay ng karagdagang impormasyon sa mga mananaliksik. Ang mga

kaugnay na literatura at pag-aaral ay nakapaloob sa ibaba.

KAUGNAY NA LITERATURA

Ayon sa Diksyunaryo ng Wikang Filipino (1989), Ang teknolohiya ay nangangahulugang

agham na nauukol sa mga sining na pang-industriya. Sa laranganng negosyo, Teknolohiya na ang

gumaganap ng isa sa buong mahalagang papel. Halos lahat ng mga negosyo at industriya sa mundo

ay gumagamit ng teknolohiya. Sa panahon ngayon, maraming gadyet na ang nagsisilabasan. Iba't

ibang brand at model ng cellphone, laptop at iba pa ang patuloy na humuhuli sa interes ng mga

tao. Nakapagdudulot ang mga ito ng kasiyahan. Napapadali at nagiging organisado ang ang mga

gawaing akademiko at propesyonal. Mas napapadali ang komunikasyon at marami na ring mga

paraan upang makakuha at makapagbigay ng impormasyon. Nangangahulugan lamang ito na ang

mga Pilipino ay nakakasabay sa modernisasyon at isa sa naaambagan nito ang paaralan.

Ayon kay Kristine Mae Ledda Baguio, Sa kasalukuyang panahon, sino pa ba ang hindi

nakakaalam ng isa pa sa mga sikat na imbensyon, ang Computer. Bagay nanagpadali ng buhay ng
mga mag-aral. Ayon pa nga sa mga nakatatanda, kung dati raw ay aabutin ka ng mag-hapon sa

libro, ngayon ay sapilitan na ang paggamit nito.

Dahil sa teknolohiya, nagiging maayos at napapadali ang mga gawain lalong lalo na ng

mga mag-aaral na nangangailangan ng kalidad na edukasyon. Sinisikap ng paaralan na mapadali

ang pagkatuto ng mga mag-aaral at mapaunlad pang lalo ang kakayahan at intelektwal na

kapasidad ng mga ito. Sa tulong ng mga netbook, projectorat higit sa lahat ng internet, mas

napabilis ang paglikom ng impormasyon para sakanilang takdang-aralin, research work at pag-

uulat. Nagkakaroon sila ng bagong kaalaman at repleksyon dahil sa pagsisiyasat sa internet.

Sa kabila ng mga pakinabang na ito, may mga bagay na hindi maiiwasan atnakakaabala sa

pag-aaral. Ang popularidad ng Facebook at iba pang social networking sites ay nagiging bahagi na

ng buhay ng isang estudyante. Ang oras sa pag-aaral kung gabi ay nauubos sa pagfe-Facebook.

Nagiging dahilan din ito upang mawala sa pokus sa pag-aaral. Umaasa na lamang sila sa mga

impormasyon sa internet at kadalasan ay "copy-paste" na lamang ang ginagawa. Nagiging limitado

na lamang ang kakayahang intelektwal ng mga mag-aaral sa ganitong paraan. Sa oras ng klase ay

hindi na nakikinig sa guro dahil mas inuuna ang pagtext. Minsan, nauubos ang pera sa paglalaro

ng online games sa internet cafe. Minsan nama’y inuumaga sa pagtulog nang dahil sa panonood

ng movies. Oo, malaki ang naitutulong ng makabagong teknolohiya sa estado ng pag-aaral ng

kabataan. Ngunit dapat ding isaalang-alang ang maaaring maging abala nito sa panahong inilalaan

sa mas mahalagang bagay o gawain.


Kabalikat ng pagkakaroon ng makabagong kagamitan o gadyet ang maayos na

pamamahala dito. Ang pangangailangan, buhay at gawain ng isang mag-aaral ay hindi lamang dito

nakasalalay o nakabatay. Hindi lamang teknolohiya ang nagpapatakbo sa buhay. Ang pagbibigay

ng atensiyon sa mas mahalagang bagay ay isang kagalakan at responsableng pamamahala sa buhay

at sa mga bagay na nagpapagaan at nagpapabilis sa gawain. Ang makabagong teknolohiya ay

sadyang malaki ang naiaambag at naitutulong.

Malaking bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang mga aralin na

itinuturo sa loob ng klase. Marami nang mga naimbentong teknolohiya simula pa noong mga

nakalipas na mga taon. Ito ay nagsilbing mahalagang instrumento sa mga mag-aaral ng

astronomiya. Sunod dito ay ang makinalya na nagbigay daan para sa hustong pagbabago ng

sistema ng pagtuturo kung saan mas napabilis at epektibo ang pagbuo ng mga basahin. Sa loob

lamang ng ilang dekada, ang kompyuter naman ay naging pangunahing kagamitan para

sapagtuturo sa ika-21 na siglo.


KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ayon kay Jenny Rose D. Navarro 2019, tunay na ang Sistema ng edukasyon sa ngayon ay

sumasalamin sa ika dalawamput-isang siglo, ang pangunahing kagamitan ng mga mag aaral ay

kompyuter at mga makabagong teknolohiya na nagpapabilis at nagpapadali ng paraan ng pag-

aaral. “Sa edukasyon, ang paggamit ng teknolohiya, ay mas napapabilis at nagiging organisado

ang mga gawaing akademiko. Katulad ng paglikom ng mga impormasyon para sa kanilang

takdang-aralin, research work, proyekto, pag-uulat at iba pa. Ito’y nakakatulong lalo na sa mga

mag-aaral na nangangailangan ng kalidad na edukasyon”.

Ayon sa artikulong isinulat ni Krista Garcia sa Rappler.com noong (2018). Ang teknolohiya ay

palaging gumaganap ng isang papel sa pagbibigay ng mga mag-aaral ng napapanahong mga

kasanayan at napapanahong mga ideya at pagtuklas. Ngunit ngayon, nakikita natin ang mga

inobasyon na hinahamon maging ang mismong pagkakaroon ng apat na pader na silid-aralan at

mga ratio ng guro-mag-aaral. Dagdag pa nya na ang lahat ng ito ay mapapakinabangan ng mga

mag-aaral ngayon at bukas, dahil ang pag-aaral ay nagiging mas mura, mas mabilis, at mas

madaling ma-access. Sa isa pang artikulong sinulat ni Krista Garcia sa Rappler.com noong (2016),

Maaari ding makinabang ang mga guro mula sa mga tool sa pag-aaral na hindi nangangailangan

ng tradisyunal na logistik at maraming materyales. Halimbawa, inilunsad ng DepEd ang Learning

Resources Management and Development System (LRMDS), isang portal para sa online na

pagtuturo at mga materyales sa pagkatuto na nilikha ng mga guro at katuwang sa edukasyon.


Samantala, maaaring magdulot ng hindi balanseng paggamit ng teknolohiya ang ilang

mag-aaral. Ang labis na pag-aasa sa kompyuter at iba't ibang gadgets para sa pag-aaral ay maaaring

humantong sa kakulangan sa interaksyon sa tunay na tao, na may potensyal na makaapekto sa

kanilang social skills at interpersonal na ugnayan. (Jenny Rose D. Navarro, 2019)

Isinaad naman sa artikulo ni Krista Garcia, ang teknolohiya ay nagpapababa ng gastusin sa

edukasyon, nagpapabilis ng proseso ng pag-aaral, at nagbibigay ng mas mabilis at madaling access

sa mga pangunahing materyales at impormasyon.

Ayon naman sa lathala ni Carr ay kilala sa kanyang pagsusuri sa kung paano ang digital na

teknolohiya ay nakakabago sa ating kaisipan at paraan ng pag-aaral. Ang kanyang aklat na "The

Shallows: What the Internet Is Doing to Our Brains" ay nagbibigay-diin sa mga pagbabago sa

kognitibong aspeto ng tao dahil sa paggamit ng teknolohiya.


KABANATA III

METODOLOHIYA

Ipinapaliwanag ng kabanatang ito ang iba't ibang metodolohiya na ginamit sa pangangalap

ng mga datos at pagsusuri na may kaugnayan sa pag-aaral na ito. Kasama sa mga metodolohiya

ang mga lugar tulad ng disenyo ng pananaliksik, disenyo ng sampling, mga pamamaraan at

instrumento sa pangangalap ng data, at mga tool sa istatistika na gagamitin sa pagsusuri ng mga

datos na makakalap. Ang kabanatang ito ay nagbibigay din ng impormasyon sa mga kalahok, tulad

ng mga pamantayan para sa pagsasama sa pag-aaral at kung paano sila na-sample.

DISENYO NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ayon sa disenyong kwalitatibong pananaliksik na

patungkol sa Paggamit ng Modernong Teknolohiya: Implikasyon sa Mag-aaral sa Goa Science.

Inalam at sinuri ng mga mananalilsik kung ano ang pwedeng maging epekto ng Modernong

Teknolohiya sa mga mag-aaral.

RESPONDENTE AT POPULASYON

Ang mga mananaliksik ay kumuha ng impormasyon o datos sa mga respondante ng boung

pupolasyon sa paaralang Goa Science High School. Ang mga mag-aaral ay nagbigay ng kailangang

datos upang masagutan ang mga ginawang katanungan. Ang bilang ng mga respondante sa

pananaliksik na ito ay Limang daan animnapu’t limang (565) mag-aaral ng Goa Science High

School.
TEKNIK SA PAGPILI NG MGA RESPONDENTE

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng Population Sampling kung saan ang buong

populasyon ng mga mag-aaral sa Goa Science High School ang naging respondante, mula sa

ikapitong baitang hanggang sa ikalabing-dalawang baitang.

INSTRUMENTO SA PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay gumamit Ng sarbey-kwestyuner para sa pagkalap ng datos. Ang

mga mananalilsik ay nag handa ng katanungan upang malaman ang epekto ng Paggamit ng

Modernong Teknolohiya: Implikasyon sa Mag-aaral sa Goa Science Highschool.

HAKBANG SA PAGLIKOM NG MGA DATOS

Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng sarbey-kwestyuner. Ang mga mananaliksik ay

gumawa ng sarbey-kwestyuner upang maipamahagi sa mga respondente at masagutan ang mga

katanungan. Ang mga mananaliksik ay naglikom ng datos sa pamamagitan ng mga sumusunod na

proseso. Una, ang mga mananaliksik ay gumawa ng sarbey-kwestyuner. Pangalawa, ang mga

mananaliksik ay humingi ng pahintulot sa mga tutugon kung maaari bang sagutan nila ng

kwestyuner para sa pag-aaral na ito. Pangatlo, ipinamahagi sa mga respondente ang kwestyuner

upang magkaroon ng kasagutan ang mga mananaliksik.


ESTATISTIKANG PAMAMARAAN

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng frequency at percentage sa pagsusuri ng mga

kasagutan o impormasyon. Ang frequency ay ginamit upang malaman ang bilang ng sagot ng

bawat mag-aaral sa bawat tanong, habang ang percentage naman ay ginamit para kuhanin ang

bahagdan ng mga sagot ng mga respondente. Ito ay sinailalim sa Descriptive Statistical Analysis

para maipakita ang mga datos. Ang talahanayan, ayon kay Lee (2017), ay isang epektibong

paraan ng pagpapakita ng mga datos na may hanay at kolum. Karaniwan itong ginagamit para sa

paghahambing at mabilis na pag-unawa ng mga kinakailangang impormasyon.

You might also like