You are on page 1of 4

KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Sintesis

Napakarami ng mga pagbabago ang nakikita natin sa ating kapaligiran. Napakarami na


ang naimbentong mga makabagong teknolohiya na siya nang sumasakop sa buong mundo. Bukod
sa ginagawa nitong padaliin ang ating mga gawain sa pang araw-araw, isa na rin itong malaking
tulong lalo na sa mga estudyante sa iba't ibang lugar sa buong mundo. Ang pinaka tampok na
kagamitan ay ang cellphone o ang mga mobile phones. Tila halos lahat ng tao maging sa probinsya
man o siyudad ay mayroong cellphone. Ang iba nga ay nagmamay-ari higit sa isang mobile phone.

Ito ay isa sa pinaka madaling gamitin at dalhin sa panahon ngayon, maging matanda man
o kabataan ay nagamit nito. Isa rin ito sa pinaka importanteng kagamitan ng mga estudyante sa
panahon ngayon dahil narito na nakapaloob ang mga impormasyon na kakailanganin ng mga
estudyante sa loob ng paaralan. Bukod sa mga library ng iba't ibang schools ay mayroong google
na tinatawag sa mga mobile phones kung saan dito ay nakakapag search ang mga esudyante ng
mga impormasyon na kanilang kailangan sa kanilang mga asignatura. Sa pamamagitan ng mga
LCD Projector, mga DVD na naglalaman ng mga video o movie, kompyuters at mga powerpoint
presentations ay mas matututo ang mga kabataan sa kasalukuyan lalo na’t naaangkop ang
kanilang paglaki o edad sa makabagong panahon.

Ayon kina Abad at Ruedas (2001), ang mga kagamitang panturo, tulad ng midyang
instruksyonal ay nagbibigay ng kongkretong pundasyon sa pagkatuto. Nagbubunga ito ng
wastong gawi sa pag-aaral, nakagaganyak ito sa kawilihan ng mga mag-aaral sapagkat higit na
napasisigla at napagagaan ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto, at nagdudulot ito ng maayos,
madali, makahulugan at mabisang pagtuturo at pagkatuto.

Bukod sa mga mag-aaral, magkakaroon din ng benipisyaryo ang mga guro kung paiiralin
ang paggamit ng multimedia sa mga makabagong paraan ng pagtuturo ayon kay Aton (2007).
Nagkakaroon din daw ang mga guro ng kawilihan, magaan at sistematikong pagtuturo at
mababawasan ang pagiging dominante sa pag-sasalita o pagtalakay ng aralin sa loob ng silid-
aralan.Ang mga teknolohiya na ito ay tumutulong hindi lamang sa mga estudyante ngunit sa mga
guro upang mas mapadali ang pagtuturo nila sa kani-kanilang mga eatudyante. Ngunit ano nga
ba ang benepisyo ng isang guro sa pagtuturo gamit ang mga makabagong teknolohiya na ito?

Ayon kay Elkan M. (2017) Ang teknolohiya ay nakakatulong para mas mapadali ang
pagpapaabot ng kaalaman sa estudyante. Minsan kasi ay nakakabagot para sa isang estudyante
na purong lektyur lang talaga ang nangyayari sa loob ng klase. Minsan pa, kung ganito ang
nagyayari ay hindi naiintindihan ng isang estudyante ang mga sinasabi ng guro sa harapan ng
klase. Kaya mas mainam na gagamit ng teknolohiya para ipakita sa mga estudyante ang mga
bagay na may kinalaman sa leksyon. Sa ganoong paraan ay maipaliwanag ng guro ng mabuti ang
isang aralin. Ang teknolohiya rin ay makakatulong sa guro para alamin ang pag-unlad ng isang
estudyante. Ang isang guro ay hindi na mahihirapan sa pagsusulat ng mga marka na natamo ng
mga mag-aaral. Ang teknolohiya ay isang magandang solusyon sa ganitong usapin. May
magagamit na ang guro para itala o e record ang pag-unlad ng mga mag-aaral. May mga
mahahanap din sa internet na dagdag na kaalaman paano gagawin ng guro ang pagtala ng mga
pag-unlad ng mga estudyante. Ang teknolohiya ay nakakatulong para sa kapaligiran. Isipin mo na
lang kung ilang puno ba ang pinuputol para lang sa paggawa ng papel? Kung ang isang guro ay
gagamit ng teknolohiya sa klase, naiisip mo ba kung ilang puno ang masasagip at kung ilang
papael ang hindi maaksaya? Kaya masasabing nakakatulong talaga ang teknolohiya para sa
kalikasan. Sa tulong ng teknolohiya ay mas gaganahan ang mga estudyante na mag-aral

Sa panahon natin ngayon, hindi maikakaila na addict na ang mga bata sa mga social media
at kung ano-ano pang mga sites na pwede nilang puntahan sa internet. Sa pamamagitan din ng
teknolohiya ay maaaring magamit ito ng guro para sa pagpapaabot ng kaalaman sa mga
estudyante. Maaaring gamitin ng guro ang internet sa paggawa ng mga makabuluhang bagay o
gawain na sadyang makakatulong para sa kanilang pag-aaral. Sa pamamagitan ng teknolohiya ay
abot kamay na ang kaalaman

Sa pamamagitan ng internet ay may mas malawak na access ang mga tao sa mga
impormasyon sa buong mundo. Sa mga guro, pwede gamitin ang internet bilang isang silid-
aralan. Ang mga estudyanteng tinatamad pumasok ay pweding sa internet na lang kukunin o
alamin ang mga aralin na tatalakayin ng guro sa klase. Ang guro at estudyante ay may access na
sa mga impormasyon ano mang oras. Kapag ang isang guro o estudyante ay nahihirapang makuha
ang mga impormasyon sa mga aklat o sa library ay pweding gumamit ng internet para makamit
ito. Marami ng mga websites na reliable para pagkuhanan ng mga impormasyon para sa paksang
tatalakayin o sa mga pananaloksik na gagawin. Sa tulong ng teknolohiya ay mas maging epektibo
ang mga collaborative na Gawain ng mga mag-aaral. Minsan sa isang klase ay hindi maiiwasan na
hindi lahat ay natututukan ng guro. Lalo na kapag pangkatang gawain ay hindi lahat ng
estudyante ay nakapag-pahayag ng mga ideya. Sa tulong ng internet ay mas mapadali ang mga
pangkatang gawain. Pwede nang gawin ng mga estudyante ang kanilang proyekto sa bahay dahil
may internet naman na pweding kumukonekta sa bawat kasapi ng grupo.

Ang makabagong teknolohiya ay maaring magdulot satin ng magandang epekto at


madamang epekto. Kailangan lang matutunan ang tamang paraan sa paggamit nito. Lahat ng
sobra ay nakakasama ngunit sa pagkakaroon ng disiplina ay magiging maayos ang relasyon natin
sa mga makabagong teknolohiya na ito.

Teoretikal na Balangkas

Pinaghihinalaang
kapakinabangan
Ugaling
Aktwal na pag-
naglalayon sa pag-
gamit sa sistema
gamit
Pinaghihinalaang
dali ng pag-gamit

Pigura 1.
Maraming iba’t ibang teorya o modelo ng Sistema ng impormasyon na binuo upang pag-aralan
ang pagtanggap sa makabaong teknolohiya. Isa sa mga pinakilala ay ang Technology Acceptance
Model o TAM (Pigura 1)
Konseptual na Balangkas

Malayang Baryabol Di Malayang Baryabol

 Mga positibong Epekto ng  Mga gumagamit ng Google


Google Classroom Classroom
 Mga Negatibong Epekto ng  Postibong Epekto
Google Classroom  Negtibong Epekto
 Halaga ng tulong ng Google  Halaga ng Tulong
Classroom  Teknolohiya

Pigura 2.
Ipinapakita sa Pigura 2 ang balangkas konseptwal na pag-aaral sa binubuo ng malaya at
di malayang baryabol.
Ipinapakita sa balangkas konseptwal na ito ang bagay na kailangan ng mga mananaliksik
upang makumpleto ang datos pati na rin ang mga bagay na maaring makaapekto dito.

You might also like